Kabanata 3

2.4K 111 17
                                    

Louie!?"


Halos pabulong na iyon subalit dinig niya padin. "Yes, have a set!" Nakangiti niyang alok sa akin. Sa postura niya ngayon, na nakasuot ng semi-pormal na kasuotan idagdag pa ang salamin nito sa mata, sinong mag-aakala na ang batang kamuntikan ng mabundol kahapon dahil sa paglalaro ng Pokemon Go at ang batang kaharap ko ngayon ay iisa. Mali, hindi siya mukhang bata ngayon kundi isa ng ganap na binata. Siguro dahil iyon sa suot niyang eyeglass.


"Oh..natahimik ka. Gusto mo ba ng kape? ipagtitimpla kita?" Alok niya sa akin. Tumanggi ako. Masyado ng nakakahiya. Ako na isang applikante lang ay ipagtitimpla ng kape ng anak ng may-ari ng agency na aking inaaplayan?


"Actually si Mommy dapat ang mag-iinterbyu sa'yo ngayon kaso lang may mahalaga pa siyang inaasikaso kaya ako na muna ang inatasan niya na mag-interview sa'yo!" Pahayag niya tumango lang ako.


"Since we are not requiring you to submit a resume, will you please tell me everything about you!"


"I'm Aljune del Mar, 20. AB Psychology student at San Sebastian College!" Panimula ko.


"AB Psychology...!" Tumingin sya sa akin ng deritso. "...so magaling ka pala pagdating sa pagpapayo at pagbabasa ng kilos at galaw ng isang tao?"


"Sort of!" Sagot ko naman. "Maliban lang sa pagtukoy sa totoong lalaki at iyong nagpapanggap lang na lalaki!" Sa isip ko lang iyon. Naalala ko kasi si Jerome. Psychology student nga pala ako subalit hindi ko man lang sya natunugan. Sobrang napeke niya ako.


"Bakit mo naisipan na magtrabaho gayung nag-aaral ka pa lang? Hindi ka ba mahihirapan sa iyong schedule?!"


"Nagkasakit kasi si Tito kaya mahirap naman kung iasa ko pa sa kanya ang lahat. Kailangan ko na magtrabaho upang matustusan ang iba kong pangangailangan sa school lalo pa't graduating na ako ngayong taon!"


"So si Tito mo ang nagpapaaral sa'yo? Bakit, nasaan ba ang iyong mga magulang?"


"Wala na sila!" Iyon lang ang naisagot ko. Bahagyang lumungkot ang aking boses. Iyon kasi ang mapait na bahagi ng aking buhay na ayoko ng maaalala pa.


"Sorry to hear that!" Bawi naman niya. "May girlfriend ka na ba?"


Nagulat naman ako sa tanong niyang iyon. Kailan pa napasali sa mga tanong sa isang job interview ang tungkol sa lovelife? Kung nagkataon lang na wala ako sa loob ng kanilang opisina at nasa labas lamang kami tulad kahapon ay talagang hindi ko sya sasagutin. Pakialam ba niya sa lovelife ko! Ngunit dahil nasa isang interview parin ako, sinagot ko parin sya ng totohanan para matapos na.


"Wala akong girlfriend!"


"Sa gwapo mong iyan, wala?" Parang hindi makapaniwala niyang sabi na sinabayan pa ng pamimilog ng kanyang mga mata.


"E sa wala nga, period!" Medyo tumaas ang aking boses. Ipinapabatid kong out of the table na ang kanyang mga itinatanong niya sa akin. Matalino syang bata kaya sigurado akong mararamdaman din niya iyon. Hindi nga ako nagkamali, iniba nga niya ang mga katanungan subalit gano'n parin, mga tanong na wala namang kinalaman sa inaaplayan kong trabaho. Sarap lang batukan ng batang ito.

Don't Cry LouieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon