Kabanata 9

1.7K 96 15
                                    

"Lisa?"


Ang nasambit ko ng makita ang ina ng bata na nagmamadaling lumapit sa amin. Maging siya ay gulat din ng makita ako. "Tahan na baby ko, andito na si Mama!" Wika niya ng akmang bubuhatin iyong bata. Napansin kong parang nag-aalangan siyang ako ay pansinin kaya inunahan ko na.


"A-anak mo?"


"O-oo!" Simpleng tugon niya na mabilis din namang tumalikod at nagmamadaling humakbang papalayo sa akin na para bang umiiwas. Mabilis din naman ang mga hakbang ko para masundan siya. At nang makalapit, iniharang ko ang aking katawan sa kanyang dinadaanan upang mahinto siya sa paglalakad. Sobrang curious lang kasi ako sa pagkakaroon niya ng anak dahil sa pagkakaalam ko isang babae din ang hanap niya.


"A-akala ko ba—!?"


"Tibo ako?" Dugtong niya sa sanay sasabihin ko. Kumunot ang noo ko habang tumatango.


"Sorry Al dahil nagsinungaling ako. Ang rason kung bakit hindi kita maaring sagutin sa panliligaw mo sa akin noon ay dahil sa may asawa na ako at anak na naiwan sa probinsiya!" Pahayag niya na siyang aking kinagulat.


"Bakit kailangan mong magsinungaling sa akin. Hindi ko naman ipipilit ang sarili ko kapag sinabi mong may pamilya ka na pala. Bakit kinakailangan mo pang magkunwaring tibo? Hindi mo ba alam kung ano ang naging dulot no'n sa akin?"


"Alam ko Al. Alam kong pinagpupustahan nyo ako ni Sir Louie. Bago pa man nangyari iyon ay kinausap na niya akong magpanggap na isang tibo. Napakatalinong bata niyang si Sir kaya plantsado na ang lahat bago naganap ang inyong pustahan at sa labis na pagmamahal niya sa'yo sinigurado niyang siya ang mananalo!"


"Pero nakita ka namin na may kinakatagpong babae sa tagong bahagi ng isang parke at naghalikan pa kayo!"


Tumawa siya bago sumagot. "Iyon ba? Scripted lang din 'yon. Sa sinabi ko na plano lahat iyon ni Sir Louie. Ang babaeng nakita mo ay pinsan ko na binayaran niya para magkunwaring girlfriend ko. Patawad Al. Alam kong isang malaking panloloko ang ginawa ko sa'yo subalit kailangan ko iyong gawin para mailigtas ang buhay ng aking ama na may malubhang karamdaman. Kung natatandaan mo, iyon ang huli nating paksa ng magkausap tayo habang nag-inuman sa may swimming pool. Isa pa, batid kong mahal na mahal ka ni Sir. Siguro mali ang kanyang pamamaraan subalit ramdam kong wagas ang pag-ibig niya sa'yo. Huwag mo sanang husgahan ang pagkatao niya sapagkat hindi siya masamang tao. Napakabuti niya parin sa kabila ng kanyang ginawa!"


Nanginginig ang aking mga kamao na para bang gustong makapanuntok ng marining ko ang pagbubunyag ni Lisa sa akin. Kung gano'n, planado ni Louie ang lahat kaya naman pala napakataas ng kumpiyansa niyang siya ang mananalo sa aming pustahan. Napakalinaw na isang malaking panloloko ang ginawa niya. Sa sobrang galit ko, naibalibag ko ang hawak kong chocolate at bulaklak na ibibigay ko sana sa kanya. Nagkalat iyon sa sahig ng mall. Na kaagad din namang pinulot ng isang babaeng housekeeping personnel at muling iniabot sa akin. "Sa'yo na 'yan Miss. Hindi ko na 'yan kailangan!" Sabi ko. Nakita ko namang lihim na napapangiti iyong babaeng janitor ng sinabi kong sa kanya na lang iyong bulaklak at chocolate.


"Louie! Louie!? Sigaw ko ng dumating ako ng bahay. Gusto ko siyang makita at masumbatan sa ginawa niyang panloloko sa akin. Biglang tinunaw ng galit ko ang umusbong na pagmamahal ko sa kanya. Kamuntikan na akong maging bakla sa katarantaduhan niya pero ayos na sana iyon sa akin e, tanggap ko na kung hindi lang sana niya ako niloko.

Don't Cry LouieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon