Kabanata 5

2.4K 116 23
                                    

Daglian kong inihinto ang sasakyan sa gilid ng kalsada upang linawin ang kanyang kundisyon sa akin na kapag siya ang mananalo sa aming pustahan ay magiging boyfriend niya ako. "Boyfriend kamo?"


"Oo, boyfriend as in kasintahan, katipan, kabiyak. Grabe naman Kuya pati ba naman boyfriend hindi mo alam?" Paglilinaw naman niya sa akin. Seryoso ang kanyang itsura kaya natitiyak kong hindi isang biro ang kanyang sinabi. Kung ganoon, tama nga ako sa aking hinala, bakla si Louie.


"Siyempre alam ko kung ano iyon. Pero parang awkward eh. Lalaki tayong pareho tapos magiging magboyfriend tayo? Ano 'yon? Hindi kaya pagtatawan lang tayo ng mga tao!" Nayayamot kong pahayag. Sinimulan ko ng patakbuhin muli ang sasakyan.


"Wala kang choice Kuya kundi ang sumang-ayon sa gusto ko. Diba sinabi mong kahit na anong gusto ko ay ibibigay mo kapag ako ang mananalo sa pustahan natin? Magpakalalaki ka naman sa iyong binitawang pangako. Hindi naman siguro lingid sa iyong kaalaman kung ano ako diba? Pero if ever man na hindi mo nga ako natunugan, aaminin ko na sa'yo, ako ay isang alanganin. Una pa lamang kitang makita nang ako'y iyong iligtas mula sa pagkakabunggo ng rumaragasang sasakyan ay attracted na kaagad ako sa'yo!" Pahayag niya.


"Iyon ba ang dahilan kung bakit mo ako inalok ng trabaho?" Tanong ko.


"Well, it's a coincidence. Nang panahong iyon, talagang naghahanap si Mommy ng bagong driver ko, iyong mapagkakatiwalaan. Iyong nauna kasing nakuha niya ay miyembro ng mga sindikato, nagpapanggap lang na isang driver pero ang tanging motibo niya ay para dukutin ako at ipatubos sa napakalaking halaga. Mabuti na lamang at naging maagap ang mga pulis na iligtas ako kung kaya't nakauwi ako ng bahay na hindi nakapagbigay ng ransom si Mommy sa kanila. Simula noon, hirap na kaming magtiwala at baka maulit na naman ang nangyari sa akin hanggang sa nakilala kita. Sa tingin ko, mabuti ka namang tao at mapagkakatiwalaan kung kaya't naisipan kong alukin ka ayon na rin sa sinabi mong nangangailangan ka ng may maekstrahan na trabaho. Idagdag na lang natin iyong pagkakagusto ko sa'yo!"


"Pero bakit ako? Alam mo namang lalaki ako? Kailanman wala sa isip ko ang pumatol sa kapareho ko ng kasarian. At sa isang bata pa na katulad mo. Mamaya sasabihn pa ng mga tao na pera lang habol ko sa'yo!"


"Bakit nga ba ikaw? Na isang straight na lalaki na babae ang hanap? Sa totoo lang iyan din ang paulit-ulit na tanong ko sa aking sarili na hindi ko mahanapan ng kasagutan hanggang sa nagising na lamang ako isang umaga at nasabing, kailangan ba na kapag magmahal ka ay meroong dahilan? Kailangan ba na na nasa hustong gulang ka para ito ay iyong maramdaman at ibahagi sa taong napili ng iyong puso na mahalin? Kailanman ang pagmamahal ay hindi napag-aaralan dahil kusa mo itong nararamdaman. Wala itong pinipiling oras o panahon at lalong hindi ito nababatay sa edad ng isang tao. Oo, fifteen pa lamang ako, pero alam ko na ang mga responsbilidad kapag pumasok ako sa ganoong bagay. Maaring wala sa tamang ritmo ang pintig ng aking puso gawa ng sa pareho ko na lalaki ako umiibig pero sino ba ako para kuntrahin ito? Gayung hindi ko naman ginusto na magkaroon ng ganitong pagkatao. Sinusunod ko lang sa kung ano ang idinidikta ng aking puso na sa tingin ko ang siyang magbibigay sa akin ng tunay na ligaya!"


Napansin ko ang nangilid na mga luha ni Louie at kung gaano niya ito pinigilan na huwag bumagsak. Lalaki ako, maaring hindi ko lubos maunawaan ang kanyang mga sinasabi subalit nararamdaman ko kung gaano ito katapat sa kanyang binitawang mga salita. Tama siya, hindi naman tayo ang may kuntrol sa kung anong pagkataong meroon tayo pero sa tingin ko naman, may utak naman tayo na siyang mag-iin-in sa atin kung ano ba ang dapat sa hindi. Hindi nga natin kuntrolado ang pagtibok ng ating mga puso subalit naroon naman ang utak natin na syang nagpapaalala sa kung ano ang pagkakalikha sa atin ng Diyos. Hindi nga naman maaring baguhin, pero sa tingin ko naman pwede pang pigilan at maiwasto sa kung ano talaga ang tama.

Don't Cry LouieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon