****Louie****
Maayos na muli ang aking pakiramdam nang magising ako. Nawala na ang sakit ng aking ulo subalit naroon parin ang sakit sa aking puso. Sakit ng panghihinayang at ng pagkabigo. Kung sana ay may gamot rin na pwedeng iturok sa isang tao para malimutan mo ang pagmamahal sa taong iyon na hindi naman kayang tumbasan ang iniaalay mong pagmamahal sa kanya. Iyong makakatulog ka na lang at pagkagising mo hindi mo na siya mahal. Hindi ko parin kasi kayang tanggapin na ang lalaking unang nagpatibok ng aking puso at minahal ko ng husto ay pagmamay-ari na ng iba. Gusto ko siyang ipaglaban ngunit paano kung siya mismo ay inayawan na ako dahil lamang sa isang pagkakamali na hindi ko lubos maisip na kung bakit hirap niya akong patawarin.
"Mabuti naman at gising ka na anak. Lalabas na tayo ngayon din!" Niyakap ako ni Mommy. Hindi ko alam kung bakit panay ang pagluha niya ng yakapin ako. Ganoon din si Kent sa isang tabi. Pagtataka ko lang gayong simpleng sakit lang naman ng ulo ang nararamdaman ko ay kung makaiyak sila ay para bang iilang araw o buwan na lang ang ilalagi ko dito sa mundo.
"May problema po ba Mom?" Tanong ko.
"Wala naman anak. Siya nga pala dadalhin ka namin sa Amerika!"
"Bakit po? Seryoso po ba ang lagay ko?"
"Kuwan, kailangan lang natin ng second opinion ng isang magaling na duktor doon, anak!" Garalgal na ang boses ni Mommy.
"Bakit nga po? Bakit hindi nyo na lamang ako deritsuhin? Kinakabahan na ako. Nakita kong nilingon ni Mommy si Kent. Waring naghihintay ito ng go signal sa kanya para sabihin kung anuman ang kanilang nalalaman. Lumapit si Kent sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko. Mahigpit iyon. Parang pinapahiwatig niyang magpakatatag ako.
"May nakitang tumor sa utak mo anak..pe-pero....!" Hindi na naipagpatuloy ni Mommy ang pagsasalita gawa ng nilamon na sya ng labis na pag-iyak.
"Pero, hindi pa naman ganoon kasigurado ang duktor na tumingin sa'yo na yun nga. Kaya naisipan ni Tita na dalhin ka sa Amerika para masuri ka ng mabuti ng mga espesyalista doon!" Si Kent na ang sumalo sa dapat sana'y sasabihin ni Mommy. Pigil ang pagluha nito ngunit nahahalata pa din dahil sa pagcrack ng kanyang boses.
Pakiramdam ko naman ay gumuho ang aking mundo sa sandaling iyon. Bagamat hindi pa ganoon kalinaw nga iyon nga ang sakit ko, ngunit kinutoban na ako na doon din patungo ang lahat . Hindi na ako nakapagsalita. Kusa na lamang dumaloy ang gabukal kong luha sa aking mga mata. Itong pagmamahal ko lang naman kay Al ang gusto kong mawala hindi pati ang buhay ko dahil alam kong marami pang taong nagmamahal sa akin, sina Mommy, Kuya JM at lalong na si Kent na hanggang ngayon naghihintay parin kung kailan ko siya mahagilap sa aking puso.
Bago kami tumulak patungong Amerika ay gumawa ako ng sulat para kay Al. Paghingi ng kapatawaran sa mga kasalanang nagawa ko sa kanya at pagpapahayag ng aking pagmamahal ang naging laman ng sulat na iyon. Subalit hindi na ako umaasam na iyon ay kanyang matugunan dahil alam kong may mahal na syang iba at tanggap ko na ang kanyang naging desisiyon. Sinabi ko rin na masaya ako para sa kanilang dalawa ng taong pinili niyang makasama. Sa Amerika na ako mag-aaral ang idinahilan ko sa aking pag-alis, kung kailan ako makakabalik? Hindi ko na sinabi dahil ako mismo ay hindi rin naman alam kung ako ba ay aabot pa sa mga sandaling iyon. Si Tito Yohan ang inabutan ko sa sulat. Niyakap ko siya ng buong higpit na para bang si Al ang kayakap ko sa huling pagkakataon. "Ikumusta mo na lang ako kay Kuya Al, Tito!" Bilin ko sa kanya bago ako umalis.
BINABASA MO ANG
Don't Cry Louie
General FictionIpinanganak akong straight na lalaki. Oo, sigurado ako do'n. Walang duda. Bagamat ang tiyuhin ko na isang bading ang nag-aruga sa akin mula pagkabata ay hindi naman nito naimpluwensyahan ang aking pagkasino. Sabi kasi ng karamihan, kapag ang isang l...