I Gave My Love To A Mafia Prince
Chapter 6: He's My Crush
AYUMI'S POV
Pagka alis na pagka alis ni Bryle, pumasok na ako ng bahay. Nadatnan ko sila kuya na parehong naka upo sa sofa at nakasimangot.
"Oh anong nangyari dito? At nakasimangot kayong dalawa? " tanong ko sa kanila
"Itanong mo dito sa katabi ko." sabi ni Kuya Zuki
"Wag mo akong simulan Atzuki! Kung ayaw mong magpunta tayo sa Dojo." nanggagalaiting sabi ni Kuya Kiro.
"Woah. kuya, relax lang. Nagtatanong lang ako. Pwede naman wag niyo na akong sagutin." sabi ko
Nalala ko may hawak pala akong paper bag, kay Aira daw ito sabi ni Bryle, pero sa pagkaka alam ko wala naming gamit si Aira na pink eh..pink kasi yung paper bag.
"Ano yan Yumi?" pag iiba ni kuya zuki ng usapan.
"Ahh kay Aira daw ito sabi ni Bryle."
"Ahhh.."
"Asan nga pala si Aira, kuya?" paghahanap ko
"Nandun sa kwarto niya." sagot ni Zuki
Agad na akong tumungo sa kwarto ni Aira upang maibigay ko na ito. Inaantok na rin ako.. gusto ko nang matulog.
--------------------------------------------
AIRA'S POV
Ang kapal rin naman pala nung Bryle na yun! Talagang pumasok pa nang bahay namin ah! Nakikain pa! Ang kupal talaga oh! Mayaman naman siguro siya, bakit dito pa siya nakikain sa amin?? At ang masaklap pa, INUBUSAN PA AKO NG KANIN! BWISET TALAGA SIYA! GUTOM NA GUTOM AKO EH!
*knock knock*
"Bakit? Sabing matutulog na nga ako eh."
"Aira si Yumi ito, papasok na ako ha" - pagkasabi niya pumasok na siya agad dala ang.. OH CRAP!
"Ano yun? At Bakit dala mo ang bagay na yan?" pagtatanong ko sa kanya
"Sayo daw ito sabi ni Bryle." BWISIT talaga yung lalaking yun. Talagang pina-abot na lang.
"TSK! Akin na nga yan! Bwisit talaga yung lalaking yun!" inagaw ko na agad ung paper bag at nilapag sa kama ko.
"Huh?? Bakit naman? Ano ba yan?" Yumi, tapos humikab siya.
"Wala. Damit niya to. Pinapalaba sa akin."
"ANO? Bakit naman pinapalaba sayo? Ang kapal naman nun? Di ba siya marunong maglaba? Ang kapal rin naman nung lalaking yun ah! Sayo pa nagpalaba. Muka lang pala siyang mabait." - ayumi
"Nabunggo ko kasi siya kanina habang umiinom ng coke sa baso, kaya ayun natapunan siya. Nag sorry na nga ako, di ko rin naman sinasadya." - pagpapaliwanag ko.
"Ahh..pero hindi naman niya kailangang ipalaba pa yan sayo eh. Hindi mo naman sinasadya pala." - yumi
"Ayun na nga eh. Ayaw pa akong tantanan. Nung di ko tinanggap yan nung binibigay niya kanina sa room, binato pa niya ung prof tapos ako tinuro na nang bato..Kaya ayun pinapalinis tuloy ako ng gym dahil sa kanya." - ako, at tumango siya. "Oh di ba yumi, ang ungentleman niya.." dugtong ko.
"Oo nga.. muka lang mabait yun pala demonyo. Hayaan mo, tutulungan na lang kita.. mag palitan na lang tayo pag naglilinis ka na ng gym, para di ka na mahirapan." -yumi
BINABASA MO ANG
The Next Heirs
Fiksi RemajaHe's a cool type nerd by day, and a Gangster by night. She's a daughter of one of the largest corporation in the world, but live just like any other typical girls, but then one day, she met her childhood best friends from 10 years ago whom she lost...