PROLOGUE

3K 65 11
                                    


"Where are we going Mommy?" Bulol bulol na tanong sakin ng anak ko pagkatapos ko siyang paliguan, bihisan At ayusan. Ang ganda ganda naman ng anak ko mukhang Manika.


"We're going to Ninang Yuna's wedding baby." Sabi ko sabay kuha nung Bag niyang may laman na bimpo, extra damit, tubig, at extra shoes niya.


"Yeyyyy! Daddy will be there?" Natigilan ako sa tanong niya.


Nandun nga ba siya? Pero hindi raw siya makakadalo diba? Sabi ni Yuna. Hindi siya makakauwi. Kaya ko nga sinama anak kong Flower girl e. Dahil hindi pa ako handang harapin siya kung sakaling nandito siya. Hindi ko pa kayang ipakilala si Ashia sa kanya.


"No baby he won't be there"


Dinala ko na rin mga gamit ko, heels tsaka yung gown ko. Dun nalang ako mag bibihis sa hotel, pwede raw ang heels kahit beach wedding may nailagay raw silang platform dun para lakaran. Pero Just in case may dala akong sandals no. Baka lumubog heels ko sa buhanginan eh. Tsk! Naka-Ayos na kami ng anak ko bago kami pumunta sa beach wedding ni Yuna at Troy. Binuhat ko siya hanggang sa makarating kami Elevator ng condo ko. Binaba ko siya nung makarating kaming tapat ng kotse ko.


Pinaupo ko siya sa upuan ng bata saka sinuotan ng seatbelt. "Why do people get married Mommy?" Nagulat ako sa Tanong niya. Mag-2 years old palang ito ah ganyan na magsalita, maagang nakapagsalita si Ashia. Sabi nung Pedia niya maaga raw development ni Ashia. Hindi gaya nung ibang kaedad niya ang utak niya. Manang mana ka nga sa Tatay mong madaldal "Because they love each other baby"


"Mommy What is love?"

"Love anak?"


"Yes po"


"love? You are the meaning of Love for me anak " kasi yun ang sinabi ng Daddy mo sakin "But love is sacrifice baby"


"Huh?!" Nagtatakang Tanong sakin ng anak ko. Hinaplos ko ang buhok niya tumulo ang akong luha habang pinagmamasdan siya. Hindi ko alam kung alam niya mga tinatanong niya at kung naiintindihan niya ba sinasabi ko

Kamukhang kamukha ka niya anak. Kamukhang kamukha mo ang Daddy mo.


Mata lang ata at saka dimples ko nakuha niya


Sinigurado kong maayos ang pagkakaupo niya sa carrier seat, bago ko tuluyang paandarin ang kotse papunta sa Venue ng kasal.


Sa Beach kung saan una kaming nag-date.


Napaka-arte naman kasi ng bestfriend ko Beach wedding pa. Dumating na kami sa venue saka ko ginising si Ashia.


Minulat niya mata niya saka saka yumakap sa akin sinyales na gusto niya magpabuhat. Binuhat ko siya at mga gamit naming dalawa saka tuluyang sinara ang Kotse.


Ashia Drealle Lim ang pangalan ng anak ko. Kailanman hindi ko pinagsisihan na dumating siya sa buhay ko. Hindi man inaasahan ang pagdating niya pero naging masaya ako dahil siya ang simbolo ng pagmamahalan naming dalawa. Pagmamahalan? Patawa ka Vera! Masaya ako dahil meron akong anak na gaya ni Ashia.


Masiyahin, Matalino, matured, mabait at maintindihing bata. Idagdag mo na rin pagiging maarte hinawaan ni Yuna ng pagiging maarte eh. Si Zia? Jusko Wag na at baka kaingayan mamana ng anak ko.


Nagtatanong rin minsan si Ashia kung bakit wala ang Daddy niya. Sabi ko nalang na nasa Abroad. Busy ganun.



Hindi ko alam kung mabuti ba akong ina para sa kanya para pagkaitan ang pagmamahal ng isang Ama. Bahala na nga, takot akong ipagtabuyan niya kaming dalawa pag sabihin kong anak niya itong hawak ko ngayon.


T.O.T.G.ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon