Dedicated to: maywho__ Hiii po Thank you..
----------------------------
"Hoy Zia! Bakit mo ba iniiyakan iyong pangit na yun? Alam mo magsalamin ka nga para makita mong pangit yang ex mong iniiyakan mo babaero naman" Sabi ko sa kanya
Umiiyak siya ngayon dito sa gym. Oo sa gym mismo. Buti nalang walang masyadong tao. Mga magprapractice lang. Dahilan ng break up? NAMBABAE PANGIT NIYANG EX!
Natawa si Yuna sa sinabi ko pati tuloy si Zia natawa na rin "Oo alam kong pangit siya! Oo pangit na! Pero yung pangit na yun minahal ko eh. Kamukha niya nga noon si Harry Styles eh"
Natawa kami ni Yuna yung malakasang tawa. Na para bang hindi broken-hearted etong kaibigan namin. Eh pano Hindi na natuto.
"Punyeta! Harry Styles? Hahahahaha" si Yuna
"Hahahahaha King ina Ziaaaa! paayos natin mata mo! Ilang months nga pala kayo nun?"
Umiyak nanaman si Zia kaya mas lalo kaming tumawa ni Yuna "2 weeks huhuhuhu" sagot ni Zia
"Ay sorry weeks lang pala! Hahahha"
"Happy weeksary!!!"
Humagalpak kami ng tawa ni Yuna "nakakainis kayo ah! Tawa kayo ng tawa! Parang Di broken tong kaibigan niyo" Si Zia
"Masaya lang kaming hiwalay na kayo nun. Pangit pangit kaya nun" si Yuna
"Alam naming Hindi siya makabubuti sayo Z! Kaya masaya kaming hiniwalayan mo siya. Tsaka hello? Andaming gwapo dyan oh. Tignin ka sa Court" Turo ko sa court
"Hmmmp! Hindi ko lang kasi tanggap na may gana pa siyang mambabae sa itsura niya." Si Zia
"BWHAHAHAHHA"
"Sa ganda kong to?? Pinalit pa ako? Huwaw"
"Oh okay ka na ba ngayon sis?" Tanong ko sa kanya
Tumango siya saka pinunasan ang luha niya. Ganyan kami umayos ng problemang magkakaibigan. Dinadaan sa tawanan. Speed lang ganun.
Vera Xianell Lim, BS Architecture
Yuna Rivera, BS Accountancy
Ziafern Gonzales, BS Chemical EngineeringKami ang barkadahang XYZ corporation charot! Si Yuna nakaisip nyan! Utak accountant eh. Lagi niya raw nakikita sa Libro nila. Aba malay ko ba.
"Oh mga Mare ko! Meron akong problema!" Paninimula ko ng kanta
"Tsh! Wag niyo sabihing nanaman? Haha king ina" si Zia
"Nainlove ka, sa isang manloloko. Hindi namin maintindihan" Iniba ko ang liriko nung kanta.
"Wag na nating idaan sa maboteng usapan, Lalo lang madaragdagan ang sakit ng ulo At bilbil sa tiyan"pakanta namang sabi ni Yuna
"Masakit mang isipin kailangan mong tanggapin" kanta ko rin.
"Kung kelan ako naging seryoso saka ako gaguhin? Oh Diyos ko! Ano ba naman ito! Diba? Tang ina! Nagmukha akong tanga! Sinaktan niya lang ako! Lecheng pag-ibig to" Si Zia
BINABASA MO ANG
T.O.T.G.A
RomanceVera Xianell Lim, an Architecture student who is beyond perfect. A model daughter, A Dean's Lister, A Beauty queen. Paano kaya kung ang ultimate crush niya ay matagal ng magkagusto sa kanya? But their family is against it for some particular reason...