11

18 12 3
                                    


-11-

Tahimik ang buong byahe namin dalawa ni AJ pagkabalik ng condo. Kaming dalawa ang magkasama sa sasakyan ko habang ang tatlong kasama namin ay nasa sasakyan niya.


He paid for our groceries, yes! Siya nagbayad. Ayoko sanang pabayaran yun sa kanya pero ayaw niyang paawat eh. I have my own money. Hindi ko siya ATM para siya magbayad lahat ng grinocery namin. Mula wet goods to dry goods siya nagbayad.


Nakakahiya pero sabi niya siya nalang daw. Hindi ko gusto iyong ginawa niya pero alam ko namang magkaka-away lang kaming dalawa kapag sinabi ko pa iyon sa kanya. Babawi nalang ako sa next date namin. Gusto ko ako yung magbabayad. Ako yung mag-eeffort. Pangatlong buwan na bukas itong panliligaw niya sa akin. Sa bawat date namin siya ang nagbabayad. Aniya'y siya naman daw ang nag-aya.


Kumain na rin kami sa labas kanina at tinake-outan nalang namin ng food si Yuna. Medyo lutang pa ako sa nangyari kaya hindi ko alam ang pinag-uusapan nila. Tinanong lang nila ako kung anong kulay ba edi sabi ko nalang na red. Tapos Public or private edi sagot ko Public kaya sila nagtawanan kanina.


Nakarating na kaming unit ko ng humikab na si AJ buhat buhat ang mga pinamili namin.


"Sa Unit nalang namin yung mga beers ha?" sabi ni Troy " Tutal sa rooftop naman tayo magchichill after mockboards niyo"


Tumango ako at ngumiti "Nako Salamat sa pagsama ha? Sige na pahinga na kayo, Alam kong pagod kayo sa exams. You did great guys!" sabi ko sa kanila. Nauna nang umalis si Troy at Blake na kinakaway pa ang kamay para magbyebye. Si Zia naman dumiretso na rin sa kanyang unit na halos katabi lang ng unit ko.


"Di ka pa alis?" tanong ko kay AJ na buhat buhat ang box ng groceries saka niya iyon nilapag sa dining table ko


Ngumuso siya, nagpapacute pero effective kasi ang cute niya talaga. Ugh! This man knows how to capture my heart with a simple gesture "Pinapaalis mo na ba ako?" malumanay niyang pagkakasabi


"Hindi po, I mean Pagod ka eh. Ako na bahala dyan AJ"


"Ako na baby, ako na mag-aayos netong groceries. Magpalit ka na para makapagreview ka na. tapusin ko lang ayusin tong pinamili para makaalis na rin ako at makareview ka na"


Tumango ako at humikab "Okay, wait for me okay?"


Ngumiti siyang abot tenga. His eyes are twinkling. "Of course baby." Sabi niya bago ako tuluyang pumasok sa kwarto para magshower at magpalit ng paired pajamas.


Pagkatapos ng skin care ko lumabas akong kwarto at naabutan ko doon si AJ sa sofa na nahuhulog na ang ulo dahil sa pagkakatulog. Pinicturan ko siya dahil sa kacutan niya. How can I resist this man? He's so irresistible.


Nilapitan ko siya, I squatted in front of him. Tinitigan ko ang kanyang perfect face. His eyes are so expressive, long curly eyelashes, soft kissable lips. Hinaplos ko ang pino niyang buhok saka ko siya hinalikan sa noo. God know how much I love this man. Para sakin boyfriend ko na siya, kulang nalang legality at formality. But I think he knows na malapit lapit ko na siyang sagutin. Ramdam niya iyon. He's not that dense para hindi niya iyon mahalata.

T.O.T.G.ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon