04

1K 37 1
                                    

dedicated to: Jamiemariellezabala :) thank you so much po <3

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

'Goodnight Baby!'


Nakangiti akong nakatitig sa message ni Andre. Sino ba naman kasi mag-aakala na yung Crush mo crush ka rin pala?

Hinawakan ko ang labi ko. Ang lambot ng lips ni Andre. Humagikhik ako dahil sa kakaibang pakiramdam na dinulot niya sakin. Napanguso naman ako kung pano ako bumawi ng halik. Pinikit ko mga mata ko dahil sa kahihiyan. Ramdam ko rin pamumula ng pisngi ko dahil sa ala-alang yun.

Nilapag ko sa side table ang cellphone ko. Hinayaan ko nalang iyong post nina Zia at Yuna. Dun rin naman siguro punta namin ni Andre hindi naman na ako papakipot no? Wala naman sigurong dahilan para tanggihan ko siya. Balak ko sanang gawing sekreto o pribado muna iyong panliligaw ni Andre kaso likas kasing pakialamera iyong dalawa kong kaibigan at likas ring showy si Andre sa aming dalawa. Naisip ko mga sinabi ni Andre. Noon pa siya may gusto? Sana nga noon niya palang ako niligawan para hindi na ako nasaktan nung dalawang tao. Napakaraming nangyari sa loob lamang ng ilang oras, Dami kong iniisip. hanggang sa nakatulugan ko na.


Pagkagising ko nang umaga nakita ko agad iyong bouquet na bigay ni Andre kagabi. Ang Sarap pala talaga ng pakiramdam kapag may manliligaw kang ganto. Consistent kaya si Andre manligaw?


Pero hindi ko maitanggi sa sarili kong natutuwa ako sa mga maliliit na bagay na nagawa niya para sa akin. Muli kong tinignan ang mga photos sa gallery ko pati na rin yung posted photos sa IG namin. Maraming nagulat. Hindi kayo nag-iisa bhe, ako ngang nililigawan hindi makapaniwala eh.



Naligo ako saka ako nagpalit ng gray sports bra saka ako nagJacket at black leggings. Saturday ngayon kaya mag-gym kami nina Yuna. I blow dried my hair saka ko iyon tinali. Late ako natulog kagabi pero ganto na talaga body clock namin nina Yuna. Sa sobrang aga ng klase namin pati Weekends maaga rin kami nagigising kahit puyat kami kinagabihan. Well maliban nalang kung may HO siguro kami.


Mag-gym rin kaya sila Andre? Text ko kaya siya no? Nope. Hindi na.

From: Ziabells
Hoy! Madame tulog ka pa ba?

Reply:
Gising na Madame!!

From: Yunabells
Hey! Good morning Rapunzel! Sa gym nalang tayo magkikita kita, Okay? Nahiya naman kasi kami.

Reply:
Gaguuu! Kailan ka pa nawalan ng hiya Yuna?

From: Yunabells
Ngayon lang! Hehehe Di ka pa lumalabas ng kwarto no?

Reply:
Bakit? Asa labas ka?

From: Yunabells
See?

Napakunot noo ako. Bat siya mahihiya? Siraulo talaga to. Kinuha ko ang gym Bag ko saka naglagay ng extra damit ko at baka sa Mall kami magbrebreakfast mamaya.

Tumingin muna ako sa salamin sa loob ng kwarto saka ko isinuot ang earpods ko sa magkabilang tenga.

"oh my God!" Tili ko

T.O.T.G.ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon