12
"Last 15 minutes" deklara nung Proctor namin. Malapit na rin matapos etong exam na ito. Pinasadahan ko nang tingin ang answer sheet ko kung may nalagtawan ba akong numero.
Binasa kong maigi ang mga hindi ko sure na sagot sa mga tricky questions. Mas mabilis kong matapos ang Part na eto kesa sa kaninang umaga. Mas madali para sakin etong Part na ito kesa sa nauna. Or mas focus ako ngayon kesa sa kanina?
"Time's up. Pass your papers. Late papers would not be accepted." Deklara nung proctor. May mga ibang hindi pa tapos, may mga ibang sumuko nalang sa pagsagot. Pinasa namin ito ulit gaya nung kanina.
"Class dismissed"
Nagtanungan ang mga kakilala ko sa mga sagot nila habang nasa classroom kami.
"Vera anong sagot sa last question?" tanong nung isa sa akin habang nakatingin siya sa isang scrap paper. Sinabi ko sa kanila ang sagot bago kinuha ang mga gamit ko. May mga napabuntong hininga, may mga nagdiwang na para bang kapag kung anong sagot ko ay tama na. Napailing nalang ako sa taas ng kumpyansa nilang tama ang sagot ko.
Nagmadali akong lumabas at nakita doon nakatayo si AJ. Nakapamulsa nag-aantay. Ni-head to foot ko siya at Pormadong-pormado. Napangiti ako sa porma niya. Talagang makikipagdate nga "Pogi naman ng sundo ko" I tease him.
Napakamot siya sa batok niya "Kasi maganda ang sinusundo eh. Mahirap na baka agawin ng iba" aniya sabay kindat sa akin.
Kinuha niya ang bag ko at siya na ang nagdala. Ilang beses niya na dinadala ang pambabaeng bag ko pero natutuwa parin ako hanggang ngayon dahil sa itsura niya.
"Kumusta exams?"
"Ayos na ayos. Medyo hindi ko sure yung iba pero ayos lang. nareview ko naman eh"
Tumango si AJ at hinawakan ang kamay ko palapit sa nakapark na kotse niya sa School parking lot. "Buti naman kung ganun. Now, let's go. Magpapalit ka pang damit mo?" tanong niya sakin
Tumango ako saka ngumiti. "Yep! Saka gusto ko namang maging fresh sa date natin no." sagot ko
Napangiti siya at kinurot ang pisngi ko. Inalalayan niya akong makaupo sa shotgun seat bago siya umikot papuntang Driver's seat. Tahimik siya ngayon mukhang may iniisip.
Hanggang sa makarating kaming Unit ko hindi parin siya umiimik. "Palit lang akong damit ha?"
Tumango siya at ngumiti. WALA PARING IMIK.
Galit ba siya sakin? Napailing ako. Wala naman akong nagawang masama. May surprise pa naman ako sa kanya ngayon. Napanguso ako at naglakad palayo.
Pumunta ako sa loob ng kwarto ko at naghanap ng damit na isusuot pero may nakita ako doon sa kama na White flowy dress may nakalagay doon na note.
It's from Yuna and Zia : Hoy Bobita, eto isuot mo sa date niyo para naman magmukha kang dalagang dalaga alam naman na namin plano mong surprise sa kanya.
Yep I have a surprise for him. Ngayon ko siya balak sagutin. Naeexcite akong ano Kinakabahan?. Basta. Ako lang ba iyong ganun? Naduduwal kapag naeexcite at kinakabahan? Umiral nanaman kaartehan ko.
Napangiti ako nung muli kong binasa ang sulat nila. Napaghandaan nga talaga. Agad akong naligo at nagbihis. Kunting lagay ng make-up at inaayos ang mahaba at kulot sa dulong buhok.
Sinuot ko ang Closed toe sandals ko. Pagkalabas ko ng kwarto naka-abang ulit si Andre sa may pinto at may inabot sa aking isang rose. Ngumiti siya at napangiti ako. Akala ko tuloy nagtatampo siya kanina dahil sa katahimikan niya.
BINABASA MO ANG
T.O.T.G.A
RomanceVera Xianell Lim, an Architecture student who is beyond perfect. A model daughter, A Dean's Lister, A Beauty queen. Paano kaya kung ang ultimate crush niya ay matagal ng magkagusto sa kanya? But their family is against it for some particular reason...