"What are they doing here?" taas kilay na sambit ni Yuna nang makita kung sino ang bagong pasok sa gym. Pagkatapos ko sa Treadmill, Inabala ko ang sarili ko sa pag-aayos hand wrap ko upang hindi mahalata ang pagkataranta ko, sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa isang kadahilanan. Pina-ayos ko kay Zia iyong isa sa kabilang kamay.
Am I still affected? Am I? I fvking hate that idea.
"WHo? where? where?" Luminga linga si Zia para hanapin kung sino ang tinutukoy ni Yuna napataas agad si Zia ng kilay. "Hello? Yuna? Baka maggygym" Si Zia sabay irap sa ere.
"Gaga! Given na yun. kaya nga tayo lumipat ng gym diba para di natin makita pagmumukha niyang si Carlo sa kabilang gym tapos nandito siya ngayon? Bulabog lang gurl? insensitive lang boi? Bullshit" sabi ni Yuna na halatang naghaharumentado sa galit base sa pagtataas ng kanyang boses.
"Ano Bugbugin na ba namin Vera?" tanong ni Zia habang pinatunog ang mga daliri sa kamay na tila ba'y nanghahamon ng away. "Madali lang yan mapatumba oh. Ang payatot or yung babae patumbahin natin? Mukhang mahina eh" dagdag niya saka niya inobserbahan ang katawan ni Carlo at ang kanyang bago.
Nakapameywang si Yuna na hanggang ngayon ay nakataas parin ang kilay samantalang si Zia naman ay nakahalukipkip habang taas babang sinusuyod ang kabuuan ng dalawa.
natawa ako sa reaksyon nilang dalawa. Alam kong ramdam nila ako, kahit di ko sabihin ramdam nila ako, Alam kong mas kilala nila ako kesa sa sarili ko. Nagpapasalamat ako dahil may kaibigan akong tulad nila. Na kaya akong ipagtanggol sa kahit sino. Napangiti akong bahagya kasabay nun ang di ko namamalayang pagtulo ng aking luha.
Napapunas agad ako sa aking pisngi. Agad naman akong nagpasalamat dahil hindi agad yun nakita ni Yuna at Zia. Dahil abala sila sa pagsuri sa dalawang taong pinakaiiwasan ko. Pero kung anong pinagpasalamat ko dahil hindi nakita ng aking mga kaibigan bigla naman akong nanlumo at kinabahan nung makasalubong ko ang mga nanunuring titig ni Andre.
Ngayon ko lang naalalang hindi lang pala kami nina Yuna at Zia ang nasa loob ng gym. I got preoccupied because of Carlo and his girlfriend kaya nakalimutan ko nang Kasama rin pala namin ang ABC. hindi ko maipaliwanang ang kabang nararamdaman ko sa mga titig ni Andre sakin. Makikita mo sa mga mata niya na may bahid ng kalungkutan at pagkadismaya? Mahirap basahin ngunit hindi ito blanking expresyon. Humugot siyang malalim na hininga saka siya Ngumiti sa akin at kumindat na dahilan kung bakit gumaan ng kaunti ang aking pakiramdam.
Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling magtampo siya sa akin.
Muli akong tumingin sa aking mga kaibigan. They're still there standing like a bitch na anumang oras handang makipag-away. Umiling ako saka ko sila hinila papunta sa ring.
"Ano ba kayo? kayo ba pinaasa? Grabe kung makareact ha?" bulong ko sa dalawa
"Lakas ng loob eh" reklamo ni Yuna
"I want war. I want war" Protesta ni Zia
"King ina manahimik ka nga Zia." natatawang ani ko. Tumawa nalang si Yuna saka umiling. Inabot sakin ni Yuna ang boxing gloves saka kami nilapitan ni Kuya Burn. Nagkamustahan lang sina Yuna, Zia at Kuya Burn saka nagpaalam sina Yuna at Zia. Sinundan ko sila ng tingin. Si Yuna nagpunta muna sa gawi ni Troy nag-usap ang mga ito saglit saka pumanhik si Yuna sa Glute Machine. Napakamot akong sentido nung Nakita ko si Zia na nagdirty finger kay Carlo bago siya sumakay sa stationary bike.
"Boxing ka ngayon Vera?" Nabalin kay Kuya Burn ang atensyon ko nang magsalita siya.
Tumango ako nang makaharap sa kanya "Yup Kuya."
BINABASA MO ANG
T.O.T.G.A
RomanceVera Xianell Lim, an Architecture student who is beyond perfect. A model daughter, A Dean's Lister, A Beauty queen. Paano kaya kung ang ultimate crush niya ay matagal ng magkagusto sa kanya? But their family is against it for some particular reason...