Kung may mga pagkakamali man dito, typos, grammatical erros, etc., feel free to correct it. But please, in a nice way. I will appreciate it :) Thanks.SAN FRANCISCO
Four Seasons Hotel
Isang nakabibinging palahaw ng namimilipit sa sakit na lalaki ang tanging namutawi sa apat na sulok ng kwarto kung saan sila naroroon. Paulit-ulit na suminghap ang lalaking ito at napadura ng dugo sa sahig matapos siyang makatanggap ng malakas na sipa sa sikmura. Nasa malamig siyang sahig habang duguan ang katawan, halos mawalan na ng ulirat ang lalaki at hindi na makagalaw dahil sa mga natamo niya mula sa mga di kilalang tao. O mas tamang sabihing, tatlong di kilalang mga babae.
"What the? Hindi pa ba yan magsasalita? Geez! I want to sleep!" Iritang bulong ng isang na nakaupo sa isang silya sa loob ng kwarto. Pinanlisikan niya ng mata ang lalaki ng napatingin ito sa direksyon niya. "What?! Continue looking at me and I'll throw this knife on you--" Hindi na nito natapos ang kanyang sasabihin nang may maliit na bola ang mabilis na dumaan sa harap mismo ng kanyang mukha na muntik ng ikahulog ng kanyang suot na maskara. Binigyan niya ng masamang tingin ang taong nagbato ng bolang iyon.
"Ruth, kalma lang kasi." Natatawang sambit ng babaeng nagbato ng bola sa babaeng tinawag na Ruth. Katulad ng naunang babae ay nakasuot din ito ng isang maskara.
Naglabas pa siya ng isa pang bola na medyo malaki-laki kaysa kanina at inasinta naman iyon sa direksyon ng nag-iisang lalaki sa silid. Binato niya ito na diretso sa noo ng lalaki ng parang wala lang ngunit sa totoo lang ay malakas ang pagbato ang ginawa niya dahil natumba ang natamaang lalaki. "Ayan. May bukol ka na sa noo. Panget na tuloy ng mukha mo, tsk sayang." naiiling na sagot nito habang may mapanutyang boses. "Hindi ka pa ba talaga aamin? Baka gusto mong isang daan na bola na ang sumunod na lalanding sa mukha mo?" Mapanganib na pagbabanta nito ngunit may mapaglarong ngiti sa kanyang labi.
"Makakatikim ka talaga sakin, Nique-y bitch." Mataray na sabi ni Ruth sa babaeng tinawag na Nique bago balingan ng tingin ang lalaki. "Hindi ka ba aamin dyan?!" Sigaw na tanong nito.
"N-no. Kahit anong sabihin niyong mga pananakot, w-wala akong sasabihin." Nasindak man sa tingin at sigaw ng babae ngunit sumagot pa rin ang lalaki at bakas sa boses nito ang paghihirap. Ngunit kahit sa kabila ng panghihina nito ay tumayo pa rin ito at tinignan isa-isa ang mga babae.
Napabuntong hininga ang isang babaeng nakamaskara na nakatayo di kalayuan sa lalaki. Ito ang kanina pa bumubugbog sa lalaki sa akalang madadaan ito sa dahas. "Tell us what you know." Tila nagtitimping saad nito. "Madaming tauhan ang nakakita sayo sa labas ng Arcana Manor apat na taon na ang nakalilipas. Minamanmanan mo ang lugar na iyon, hindi ba? Balak mo pa ngang maghalughog dahil akala mo ay wala ng nagbabantay doon. Unlucky you,the whole place is being secured. Tell me, ano ang iniutos sayo ng boss mo para muli kang bumalik doon?" Dahan dahan ngunit madiing tanong nito sa lalaki.
"Sinabi ko ng wala hindi ba?! Wala akong alam!" Hingal na sagot nito at unti-unting pinagpawisan. Napansin iyon ng mga babae at nagsimulang mag-obserba sa kanya. "Wala kayong mapapala sa akin kaya paal--!"
Biglang may lumabas ng dugo sa ilong nito kasabay ng paglabas ng dugo sa dalawang tenga nito. Parang lantang gulay na pabagsak na napaluhod ang lalaki sa sahig. Naging kulay asul ang kulay ng mukha nito at tumirik ang mata bago sumubsob sa sahig.
Tila nawala ang antok ni Ruthia, si Nique naman ay tumigil sa pagbungisngis. Nabahala ang dalawa sa nasaksihan samantalang ang babaeng kaninang nakatayo sa harapan ng lalaki ay nakakunot-noong lumapit dito at kinapa ang leeg nito. Napatingin siya sa dalawang kasama at umiling. Senyales na wala ng buhay ang lalaki.
Sunod na lumapit ang seryosong si Nique sa ngayo'y bangkay ng katawan ng lalaki. "I know this kind of poison." Mahinang sabi nito pagkatapos mabusising tignan ang lalaki. Nag-angat ng tingin ang babae at hinarap ang mga kasama. "Lex, this is bad." baling niya sa babaeng natahimik at malalim ang iniisip na katabi ni Ruthia.
BINABASA MO ANG
She is....
ActionA painful experience in the past that she will never forget is her greatest weapon to bring down those who destroyed her. Remembering what happened, may be her weakness, but it is also her strength. Strength that nobody can break, nobody can stop. ...