VII. Them

29 0 0
                                    

Third Person's POV

"That gang is really a pain in the ass." kumento ni Sedrick pagkabalik niya sa lugar na pinagparadahan ng kanilang sasakyan matapos gawin ang pagbaril sa Gallantes noong tanghaling iyon.

Sumandal siya sa likurang pintuan ng kotse at hinimas-himas ang kabibili pa lamang niyang limited edition na rifle gun sa Thailand. "Y'all, I can't believe I used this just for those assholes. Oh fuck, I'm sorry baby." patuloy na pagsasalita niya, hindi alintana ang bigat ng dala-dala.

Sandali niyang itinaas ang tingin ng makarinig ng sipol

"That was easy." Nakalagay sa bulsa ang kamay na naglalakad si Justine na siyang lumilikha ng ingay sa tahimik na lugar.

"Plus they're boring." Bagot na saad naman ni Chad na nasa likuran ni Justine. Hinawi niya ito dahil ang bagal nitong maglakad. "And you're as boring as them. Aish, move." Simangot niya dito at inunahan na si Justine sa paglalakad para makarating agad sa sasakyan nila.

"Bro, ako pa talaga ang boring sating dalawa?" Natatawang sagot ni Justine.

Nakisali rin sa usapan si Sedrick. "Boy, tigilan mo tong si Sleepy-head. Tataas na naman ang blood pressure niyan. Grumpy lolo~"

Nag-apiran silang dalawa at tinignan si Chad na huminto mula sa pagbukas ng pinto sa likuran na ngayo'y matalim ang tingin sa kanya at nag-babadya na ang isang malutong na mura. Uminit ang ulo nito dahil sa pagtawag sa kanya na 'Grumpy lolo'.

"Okay, enough, bros." Anang ng isang boses na nakadungaw mula sa loob ng kotse, nakaupo ito sa may driver seat. "We took half an hour here. We have to go back in Rosteo. Sakay na."

Mula kay Sebastian na nagsalita, tinignan nila ang isa't isa. Inirapan sila ni Chad sa panglalaking paraan at tinulak pagilid si Sedrick dahil nakaharang ito saka binuksan ang pinto at sumakay. Sasarhan niya sana si Justine pero nakapitan agad nito ang hawakan kaya tumawa ito bilang karagdagang pang-aasar sa kanya. Umupo naman sa harapan si Sedrick.

Sinimulang paandarin ni Sebastian ang makina ng kotse.

"Well done?" May malalim na boses na tanong ni Leif na siyang kanina pa tahimik na nakaupo sa likurang bahagi ng sasakyan. Inalis niya ang tingin sa labas at ibinaling ito sa kanyang mga kasama.

Masiglang sumagot si Justine na tumigil muna sa pang-yayamot kay Chad "Yep, King! As expected!" Bilib sa sarili nitong sinabi. Umabante pa ito para makaharap si Leif na nasa kaliwa ni Chad na katabi niya.

"Are the kids safe?"

"Yeah, there were some bruises left because of Gallantes' grip to their arms though." Chad answered in a low voice.

Ipinatong ni Leif ang siko sa arm rest at binaling ulit ang tingin sa labas habang binabaybay ng sinasakyan nila ang kalsada palabas ng UGC. Nakatingin lang siya sa mga nadadaanang tao pero wala doon ang atensyon niya.

Ang mga bata lang naman ang dahilan kung bakit sila nakisali sa gulong iyon. Sakto kasing papalabas na sila sa UGC ng madaanan ang Arena at nakita nga na gumagawa ng gulo ang Gallantes. Sa kanilang tatlo iniutos ni Leif ang pagpapatigil ng kaguluhan. Wala siyang intensyong isali ang grupo nila sa eksena, at lalong wala siyang pakialam sa isyu ng Gallantes at ng mga itinuturing nitong mga pinuno.

Hindi niya kilala ang mga batang iyon, pero may awa pa rin siya kaya inutos niya sa tatlo na pakawalan ang mga ito mula sa Gallantes noong madaanan nila ang eksena kanina. Iyon lamang ang pwede niyang magawa para sa mga bata. Hindi siya maaring mangialam pa dahil madaming mga matang nakasubaybay sa kanila, anumang galaw nila ay pwedeng gawan ng mga storyang wala namang kasiguraduhan kung totoo ba o hindi. Sure, there will be some gossips about it, pero dahil maliit lang naman ang naging parte nila doon, agad ding ipagsasawalang-bahala at makakalimutan ng mga tao iyon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 22, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She is....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon