CARTRIDGE HQLiviex's POV
Ilang buntong hininga na ang nagawa ko habang nakahiga sa sopa sa loob ng aming headquarter. Ipinapahinga ko ang likod ko dahil nasobrahan ang pagtama sa akin ng babaeng iyon kanina. Meron ding cast na nakalagay sa isa kong braso dahil nagkamali ako ng tukod kanina ng kamay nang bumagsak ako sa sahig.
"Hey, is it okay to you na kami na ang magpaparusa sa babaeng yon?" tanong sa akin ni Lucy, kamyembro ko.
"Yah! She will eventually regret na kinalaban at sinaktan ka niya kanina. How dare she." segunda naman ni Meeka, isa ko pang kagrupo habang nilulukot ang panyong ipinantali niya sa buhok niya kanina.
"Signal mo lang hinihintay namin, Liv." hirit pa ng isa kong kagrupo na bihira lang magsalita, si Trixie.
Napangiti naman ako dahil sa concern nila sa akin kahit hindi naman halata sa kanila. Gusto nilang iganti ang ginawa ng babaeng yon sa akin. Ngunit agad ding nabura ang mga ngiti kong iyon. Siguro kung ibang tao yon, hahayaan ko sila na gawin yan, pero ang babaeng yon ang pinag-uusapan dito. Hindi nila siya kaya. Alam ko yon.
At kailanman ay hindi ko sila hahayaang kantiin ang babaeng yon dahil may utang kami sa kanya. Utang na kahit kailan ay hindi matutumbasan ng kahit anong kayamanan. Utang na kahit ipagsawalang bahala ng babaeng yon ay pagbabayaran namin.
Hirap man, pinilit kong iahon ang katawan upang makaupo. Hinarap ko sila at tinignan isa-isa, "Hindi na kailangan. Palagpasin niyo na ang ginawa niya." mahinahon kong sabi sa kanila.
Gaya ng inaasahan, magtataka sila.
"But why? Liviex, kailangan ka naming iganti. Hindi namin kayang palagpasin iyon. Kailangan niyang matuto ng leksyon." pagpupumilit ni Meeka.
"We must do something about this. Hindi niya alam kung sino ang kinakalaban niya. Sa ginawa niya, para na niyang inilagay sa bingit ng kamatayan ang buhay niya." giit ni Lucy.
Umiling ako.
Nagkakamali ka, Lucy. Sa balak niyong gawin, kayo pa ang malalagay sa bingit ng kamatayan. Hindi. Mas malala pa doon. Dahil mismong kamatayan ang makakalaban ninyo.
"May sinabi siya sayo kanina, hindi ba? Tell me, ano iyon? Ano ang sinabi niya sayo para magkaganyan ka?" ani Trixie. Sa kanilang lahat, si Trixie ang wala kang lusot. Dahil sa kabila ng katahimikan niya ay ang mapagmatyag niyang mga mata, walang makakalusot sa kanya.
Iniwas ko ang tingin sa kanila. Naalala ko iyon, ang mga katagang naging sanhi para makilala ko kung sino siya. Kung sino siya sa mundo namin. Kasabay ng pagsambit niya sa mga iyon, ay ang pagpapakita ng kanyang magagandang pares ng mata na minsan ko ng makatitigan noong panahon kung saan nagsimula ang pagkakaroon namin ng utang sa kanya.
Ibinalik ko ang tingin sa kanila, at seryosong nagsalita, "Wag na wag niyong papakialamanan ang babaeng iyon. Parang-awa. Dahil sa oras na gawin niyo ang anumang pinaplano niyong gawin laban sa kanya, ako mismo ang makakalaban niyo."
Bakas na bakas ang gulat na ekspresyon sa mukha nila. Napatayo na sila sa kanilang upuan at galit na sumigaw.
"Ano bang nangyayari sayo, Liviex, ha?! Ano bang ginawa ng babaeng iyon?!"
"Alam mo, Liviex, hindi na to tungkol sa kung anong ginawa niya sayo e! Tungkol na to sa maari mong pagtalikod samin once na may gawin kami sa babaeng yon! Ano ba?! Anong sinabi niya sayo?! Anong meron sa kanya at sino ba ang putanginang babaeng iyon?!"
Nagulantang siya ng isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi niya. Sampal na nanggaling sa sarili kong kamay. Sa lakas non, napabaling pa sa kabilang direksyon ang kanyang mukha.
BINABASA MO ANG
She is....
ActionA painful experience in the past that she will never forget is her greatest weapon to bring down those who destroyed her. Remembering what happened, may be her weakness, but it is also her strength. Strength that nobody can break, nobody can stop. ...