Rosteo University. A prestigious school, it is. Ang paaralang natatangi sa lahat. Hindi maikakaila ang kagandahang taglay ng paaralang ito. Mula sa gate pa lamang mula sa labas, sa wide open field, grand fountain,sa school grounds, freedom park,buildings, hanggang sa loob ng mga ito ay masasabi mo ng hindi basta basta ang pagkakagawa dito. Makikita naman iyon sa mga straktura at disenyo nito. Kagaya ng mga paaralang pinapantasya ng bawat estudyante sa isang paaralan. Ngunit ang paaralang ito ay may itinatagong sikreto.
Gaya ng sinabi ng Headmistress ay agad kong nilibot ang unibersidad. Hindi para kabisaduhin ang bawat lugar, kundi para hanapin iyon.
Hindi ko na kailangan pang magkabisado ng mga lugar dahil kahit labag sa loob ko na pumasok dito ay nagsagawa ako ng research tungkol sa paaralang ito. Sa katunayan, kabisado ko na nga ang mga daan at pasikot-sikot dito. Ang daang tinatahak ko ngayon ay ang daang papunta sa isa sa sikreto ng unibersidad.
Ang lugar na ito ay nasa pinakatagong bahagi ng lugar, kailangan mo pang pasukin ang malagubat na parteng ito para mapuntahan ang abandonadong gusali na lingid sa kaalaman ng karamihan. Aabutin ka ng tatlo hanggang limang minuto sa pagpunta dito mula sa main building ng paaralan, at higit limang minuto kung hindi mo alam ang daang papunta rito. Sigurado akong ang may kaugnayan lang na nasa baba ang nakakaalam sa lugar na ito.
Luminga-linga ako sa paligid at tinalasan ang pandama. Binantayan ko ang pagsimoy ng hangin, ang bawat paghuni ng mga ibon, ang paggalaw ng mga hayop na nasa paligid at ang pag indayog ng mga puno dala ng hangin.
Clear.
Tuluyan akong pumasok sa inabandonang gusali at sumalubong sakin ang isang lumang lobby. Inilibot ko ang aking paningin at nakita ang mga lumang kagamitan na narito pa rin. May isa din doon na lumang elevator.
Isang mukhang lumang elevator.
Nilapitan ko ito at pinindot ang open button na tila nangangalawang na. Napangisi na lamang ako ng bumukas ito. Pumasok ako sa loob at agad rin naman itong nagsara. Inikot ko ang aking paningin sa loob at wala namang mga gadgets na nakaset-up dito para magmonitor kaya naman ay mabilis kong nilabas ang butterfly knife ko mula sa pagkakaipit nito sa tagiliran ko at nilapitan ang mga buttons ng elevator. Ginamit ko ang butterfly knife o balisong sa pag-ikot ng mga maliliit na turnilyo na nasa gilid. Ilang ulit kung ginawa iyon. Ngunit sadyang mahigpit ang pagkakaikot ng mga turnilyo kaya hindi kinaya ng balisong.
Napamura ako dahil wala akong dalang kagamitan ngayon.
Tumingin ako sa relo na nasa palapulsuhan ko at nakitang trenta minutos na lang bago mag-alas-dose kaya naman ay tinago ko na lamang ang balisong at inayos ang sarili.
Next time. Sambit ko sa aking isipan.
Napatingin ako repleksyon ko sa loob ng elevator. Hinubad ko muna ang kulay itim kong sumbrero. Inayos ko ang pagkakatali ng kulay tsokolate kong buhok at itinaas saka muli sinuot ang sumbrero. Habang ibinababa ang sumbrero para matakpan ang kalahati ng aking mukha ay napatitig ako sa aking mga matang walang emosyon.
"Baby, protect your eyes ah? That's a rare one and you're lucky to have that eyes. You do have a very beautiful eyes!"
"You know what baby, I love your eyes, not just because of its eye color, but because of its pureness also. Kitang-kita ko ang kainosentehan dyan sa mga mata mo, at yung mga tingin mo baby, its so refreshing to see dahil para bang isang anghel ang nagmamay-ari ng mga ito. And its true, you're an angel, my baby!"
"Promise me na kahit anong mangyari, mananatili pa rin ang kasiyahan dyan sa mga mata mo, okay baby?"
But I failed to fulfill that promise. Because right now, I can only see the darkness and coldness of it.
BINABASA MO ANG
She is....
ActionA painful experience in the past that she will never forget is her greatest weapon to bring down those who destroyed her. Remembering what happened, may be her weakness, but it is also her strength. Strength that nobody can break, nobody can stop. ...