"Gosh. The newbie!""She's so pretty! Sheeeez!"
"Nakakainsecure ha. Kaloka!"
"Huhuhu. Hurry, hurry! Ayusin mo ang make-up ko at baka matalbugan ako ng babaeng ito!"
"Fuck. I think I already found my 'The One', bro!"
"I think I'm in love~!"
"Fuck off dude, she's mine already!"
Nagkamali ako ng desisyon sa pagpunta dito nang maaga. Napahilot ako sentido ko at napabuga ng hangin. Ngunit sa halip na umalis ay dumiretso na lamang ako sa pagpasok sa silid at tinungo ang bakanteng upuan sa tabi ng bintana. Dumukdok ako sa desk, pero dahil sa ingay ng nasa paligid ko ay hindi ko magawa.
Tumunghay ako at itinuon na lang ang tingin sa labas ng bintana habang minamasahe ang sentido ko. Nagsisimula na kasi itong sumakit.
May naramdaman akong presensya sa gilid ko. Kumaluskos ang paa ng katabing upuan ng kinauupuan ko dahil umupo dito ang kung sinomang taong iyon at itinabi sa akin.
"Hi?" Bati nito sakin. Isang lalaki.
Pero hindi ko ito nilingon. Tinuktok niya ang daliri sa desk ko at gumawa ng ingay para magpapansin, pero wala iyong epekto. Ilang ulit niya pang ginawa iyon, ngunit hindi ko talaga siya binigyan ng pansin kaya naman inis itong nagbuntong hininga at padabog na umalis.
"Hey, new kid!" Napapikit ako nang mariin ng may gumambala na naman sa aking isang lalaki. "That's my seat, newbie. Get off that chair." Maangas na utos nito sa akin.
Minulat ko ang mata ko at nagtaas ako ng tingin dito. Bumungad sa akin ang maangas na mukha nito habang nakatingin sa akin. "But I got here first today." Sagot ko. Sandaling napalitan ang reaksyon niya sa mukha pero bumalik din sa dati.
"I don't care if you don't know me or not. But I'm telling you babe, I can smash that beautiful face of yours if you'll not leave that chair." Mapanganib na pagbabanta niya, but it did not scare me at all.
Mukhang may ibubuga ang lalaking ito. Ramdam ko sa tono ng pananalita niya na kaya niyang gawin ang sinasabi niya, hindi lang puro banta. May kalakihan ang katawan nito, at ang kanyang pagkakatindig ay masasabi mong hindi basta bastang mapapabagsak. May presensya din siya na makakapanindig balahibo dahil na rin sa maangas na itsura at pananalita nito. This guy sure knows how to intimidate a person.
But sadly, it is not me. Kung ikukumpara ito sa mga taong nakaharap ko sa mundo namin, walang wala ito sa kanila.
Ngayon ko lang napansin na nasa amin ang atensyon ng mga tao sa silid namin. Pero nabaling ito sa lalaking pumasok sa silid namin. Inaayos nito ang salamin na suot habang dire-diretsong naglakad papunta sa upuan sa may harapan. Wala itong pakialam sa kaganapan na nangyayari ngayon.
Ibinalik ko ang tingin sa maangas na lalaking ito na naghihintay ng sagot ko at ng gagawin ko. Hindi niya iniitindi ang nasa paligid niya, ang tanging gusto niya lang ay ang umalis ako sa upuan niya.
"You are making a mess again, Porter?" Isang boses ang tanging namutawi sa silid at sigurado akong galing iyon sa lalaking kapapasok lamang. Hindi ito lumilingon sa amin at pansin kong nagbubuklat ito ng libro.
Napangisi ang lalaking ito, na si Porter, dahil sa narinig ngunit nananatili ang kanyang tingin sa akin. "And what, Brooche? Eeksena ka na naman? Tsk." Suminghal ito at napatawa ng pang-asar.
Binagsak niya ang isa niyang kamay sa desk at pinanlisikan ako ng mata. "Mahirap bang intindihin ang sinasabi ko? I said, leave. that. chair." matigas na sabi nito.
BINABASA MO ANG
She is....
ActionA painful experience in the past that she will never forget is her greatest weapon to bring down those who destroyed her. Remembering what happened, may be her weakness, but it is also her strength. Strength that nobody can break, nobody can stop. ...