Wala namang iba pang nangyari sa mga sumunod na araw. Masasabi kong naging tahimik ang buhay namin, kahit na nandoon pa rin ang mga tingin sa amin ng mga estudyante at ang mga pinagsasasabi nila tungkol sa amin. Though, we didn't give them the same attention they're throwing at us.About that girl Lierre, we haven't talked yet nor see her after the conversation we had that day. Bigla siyang nawala pagkatapos niyang ikwento sa amin ang tungkol sa Ranking.
Not that we are thirsty for more informations, it's just strange to know that her presence in Rosteo suddenly gone.
"Girl, may nagaganap na namang away sa may field. A friend of mine texted me."
"Wrong timing! Itong halimaw kung magalit ang professor natin ngayon. Di tayo papalabasin nyan."
"Haist. Badtrip."
I accidentally heard those whispers.
Talking about the students here, kakaiba nga sila. Parang araw-araw laging may sagupaan. Puro iringan at awayan. Mga hayok sa karahasan. Yung mga nakakasaksi naman sa kaganapan na ganoon, balewala lamang sa kanila, nag-eenjoy pa nga sa nakikita. Para bang mga sabik na manood. At mukhang walang pakialam ang mga staffs ng University tungkol dito. There's no such thing like a guidance counselor. Inaaasa lang yata sa mga Rankers dahil alam nilang maimpluwensya sila sa mga estudyante. Na maling desisyon dahil ang mga kasapi ng Ranking ay wala namang aksyon para sa bagay na ito. Given the fact na, oo may kaunting parusa at iyon ay pagkakakulong sa detention ng limang oras, pero maliban doon wala na. Sila pa nga mismo ang nangunguna sa paggawa ng gulo.
Kung hindi lang anak ng mayayaman ang mga estudyanteng gumagawa ng gulo dito, maituturing na silang mga walang pinag-aralang basagulero na tambay lang sa mga kalye. That's how I see them.
This is a prestigious school, but most of the students here don't act like one. Ah, expectation vs. reality.
Inalis ko sa isipan ang mga bagay na iyon at binigay ang buong atensyon sa nagtuturo sa harap kahit na hindi naman ako interesado.
May biglang nagring na phone sa buong silid. Rinig na rinig ito dahil sobrang tahimik ng loob ng silid. Kaya naman napahinto sa pagtuturo ang lalaking professor sa harap at galit na hinanap ng tingin ang may-ari ng phone ng umistorbo sa kanya mula sa pagsasalita.
Nagsilingunan sa akin ang mga katabi ko dito sa likod pati ang nasa unahan ko, kaya naman pati ang professor namin ay dumako ang tingin sa akin.
Bakit ko nga ba ito inalis sa pagiging silent?
Napabuga ako ng hangin at agad na tumayo. "Excuse me." Inunahan ko na siya bago pa siya magbigay ng pangaral niya. Mabilis akong lumabas at sinagot ang tawag.
It's Alexa.
"Ice, I know that I disturbed you from your class. But this is urgent." Nakarinig ako ng mga busina ng sasakyan. "Gallantes are in UGC. Specifically, sa labas ng Arena. They are currently making a mess and they are mad, according sa mga nandoon ngayon. They're looking for us. At hindi sila mapaalis ng officials doon, I don't know why. Mga nagmamatigas."
How did they enter the... ah, really Gallantes.
"Are you already near UGC?" Hininaan ko ang boses pagkatapos ay luminga sa paligid. Good thing, walang tao ang nagkalat ngayon dito.
Siguradong wala na siya ngayon sa Rosteo dahil rinig ko ang pagpapaharurot niya ng sasakyan.
"I'm actually near the Arena... and I can see them clearly now. They got bombs in their hands, Ice."
Screw them.
Nagtiim-bagang ako. "Use your laptop."
Rinig ko ang buntong-hininga niya. "I can hack their bombs' main system, but the problem is my laptop's not with me right now. I can't risk to go back to your house, now that... I see their hostages. Nakatutok ang mga baril ng mga myembro ng Gallantes sa mga hawak nilang mga bata."
BINABASA MO ANG
She is....
ActionA painful experience in the past that she will never forget is her greatest weapon to bring down those who destroyed her. Remembering what happened, may be her weakness, but it is also her strength. Strength that nobody can break, nobody can stop. ...