"Sbrigati, signorina! Fai attenzione!"Mabilis kong sinangga ang kanyang atake gamit ang arnis ko pero dahil nasa pagsangga ng atake niya ang buong atensyon ko ay hindi ko nakita ang paggalaw ng isa pa niyang kamay na may hawak ding arnis at pinalo ang aking binti.Napaupo ako dahil sa lakas ng pwersa ng atake niya at nabitawan ang arnis. Ngiwi kong tinignan ang tinamaan niyang parte ng aking maliit na binti at nakitang nagsisimula na itong maging kulay berde. Napalunok na lang ako ng laway at tiniis ang sakit kaysa magreklamo pa. Maliit na parte pa lamang to kaysa sa mga susunod ko pang pagdadaanan.
Kaya ko to.
Hindi alintana ang sakit, nakayanan ko namang tumayo gamit ang aking isa pang hawak na arnis sa kabila ng panginginig ng dalawa kong tuhod. Huminga ako nang malalalim at pinakalma ang aking sistema bago tignan ang aking trainer na naghihintay sa aking pag-atake.
Kalmado lang siyang nakatayo sa may kalayuan habang ang dalawang kamay ay nakalagay sa kanyang likod. Ang mga mata nito ay nakatutok sa maliit kong pigura at nakaabang lang sa magiging galaw ko. Puno ng kaseryosohan ang kanyang mukhang may katandaan na.
Inayos ko ang postura ko at itinaas ang dalawang arnis na hawak. Handa na sana akong tumakbo papalapit sa kanya nang bigla may kumalabog di kalayuan sa kinatatayuan ng aking trainer.
"Insegnante! Insegnante!" mula sa pinto ay humahangos na lumapit ang isang tauhan ng aking papa sa trainer ko na agad binaling ang atensyon sa tumatawag sa kanya. Bigla akong nag-alala dahil sa pagkabahala na nasa kanyang mukha.
Ibinaba ko ang dalawang arnis at madaling lumapit sa kanilang dalawa. Napansin naman agad ng tauhan ang aking presensya kaya'y bigla itong yumuko sa harap ko bilang paggalang. Hindi ko magawang ngumiti kaya naman ay tinanguan ko lang ito at tinanong sa wikang ingles, "What's the fuss?"
Nag-aalangan naman itong napasulyap sakin bago inilipat ang tingin sa aking trainer. I can see na ayaw niyang sabihin ang isinadya niya dito dahil sa akin.
"Go on, boy. Spill it." Maotoridad na utos ng aking trainer kaya kahit may pag-aalinlangan ay nagsalita na ito.
"Signorina, insegnante, Capo has been found dead." nakayuko nitong balita na ikinagimbal ng buong pagkatao ko.
Magsasalita na sana ako nang magpatuloy ito, "The mens from the base in Philippines reported that Capo is being ambushed together with his aide, found in Silverian Road few kilometers away from the manor. According to the report, when they were checking the area for the security, they saw a burning car and a few meters away from that is Capo's dead body. They speculated that Capo was heading back to the manor after going to an occassion when they were cornered. The culprits are unkown. They didn't find any evidence that could lead to the culprit's identity."
Mula sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang pag-igting ng panga ng aking trainer at ang pagyukom nito ng kanyang kamao. Hindi ko din mapigilang mapaluha dahil sa baon niyang balita. Pakiramdam ko ay anumang sandali ay bibigay ang aking mga tuhod na kanina pa nanginginig.
Gamit ang nangingig kong mga kamay ay hinatak-hatak ko ang braso ng tauhan na ito. "L-let's go M-mr. I-I have t-to go home. I-I want to know if the mens are saying the thruth. I want t-to see my p-papa with my own eyes! P-please Mr. please let's go home to the manor." umiiyak na pagmamakaawa ko habang pilit na hinahatak ang kanyang mga braso pero dahil sa maliit lamang akong bata na wala pang tamang lakas at dahil sa lakas ng maskulado niyang pangangatawan ay kahit ni isang paghakbang niya lamang ay hindi niya nagawa.
Natataranta ko na lamang tinakbo ang gilid ng training room at dali-daling kinuha ang cellphone na ibinigay sa akin ni papa, hindi pansin ang pagtawag ng trainer ko at ng tauhan sa akin. Hinanap ko ang numero niya at idinial. "Hello mama! Ma! Ma! Please answer this call! Mama!" Humahagulgol kong pagtawag pero ring lang ng ring ang kabilang linya.
Nilingon ko sila at himihikbing lumapit habang nasa kamay ko pa rin ang aking cellphone. "W-why is she not answering my call? M-my mama said that everytime I'll call she will immediately answer it! W-why is she not answering it!"
Dinaluhan na ako ng aking trainer dahil sa nagwawala na ako. "Signorina, calm down, calm down." Pagpapakalma sa akin nito ngunit hindi ko siya pinansin.
Binalingan ko ng tingin ang tauhang kasama namin nang nagsalita siya. Nakayuko lang ito. "The Manor is in chaos right now. Many unkown mens attacked and bombareded some place of the manor. Half of our people there with the maids, died."
Nanlumo ako sa narinig kasabay ng pag-aalala at pagkaawa sa mga inosenteng mga buhay na nasawi. An anger is slowly growing inside of me.
"Some personnels who luckily survived in the unexpected attack said that the unkown mens were searching for something. They unfortunately discovered where the secret volt room is and.... and they took the sacred key."
Dahil na rin siguro hindi ko alam ang tungkol sa sinasabi niyang sacred key ay iba ang hinanap ko, "I don't care about that! What concerns me is my mom! My mom! Now tell me, she survived and fight those unkown mens, right? Right, Mr.?! Tell me!" I'm aware that I'm being rude right now but my attention is on my mom, not to my attitude I'm using towards this man.
Nanatili siyang nakayuko, hindi man lang ako tinitignan ng deretsahan sa mata, "I'm sorry to tell you, signorina, but your mom... your mom is dead. Her body was found in her room's veranda. They.. they burned her alive."
And that destroyed everything.
BINABASA MO ANG
She is....
ActionA painful experience in the past that she will never forget is her greatest weapon to bring down those who destroyed her. Remembering what happened, may be her weakness, but it is also her strength. Strength that nobody can break, nobody can stop. ...