Claire-92

10.4K 260 21
                                    

Sabay kaming bumagsak sa semento pero medyo mababa lang kaya hindi ganoon kasakit. Mabuti na lang talaga hindi kami sa mismong baba bumagsak. Kung nagkataon, lasog-lasog ang buti namin. 7 floors pa naman ang building na ito.

"Talaga bang nagpapakamatay?! Paano kung wala ako dito?! Paano kung hindi kita agad nahatak?!" sunod-sunod na sermon niya habang inaalog ang mga balikat ko.

Tahimik lang akong nakatitig sa kanya.

Pero iyong tibok ng dibdib ko naging triple na. Pinaghalong matinding kaba, takot at kilig ang nararamdaman ko ngayon.

Grabe lang, akala ko talaga mahuhulog na ako dito sa rooftop. Huhuhuhuhuh... Mabuti na lang hindi ako natuluyan.

Biro lang naman iyong sinasabi ko kanina na magsu-suicide ako. Wala pa akong planong mamatay 'no!

"Nag-isiip ka pa ba?! Alam mo bang muntik na akong atakahin sa puso dahil sa katangahan mo?! Ang laki mong perwisyo!" patuloy na sermon niya pero ako, mukhang naputulan na ata ng dila.

Gusto kong magsalita at salungatin ang mga pinagsasabi niya, kaso ang pagtitig pa lang sa kanya ay lubhang nakakapagod na.

"Ano?! Bakit natahimik ka na diyan?!" galit na sigaw niya pero halatang-halata ko sa mukha niya ang matinding pag-aalala.

"Salamat," tanging salitang nabigkas ko bago ko siya biglang niyakap.

Bigla na naman kaming binalot ng matinding katahimikan. Hindi na siya muling nanermon.

Sa sobrang tahimik namin, pati tibok ng puso ko naririnig ko na.

Unti-unti, naramdaman ko ang pagpatak ng luha ko. Siguro nga baliw na ako. Ngayon lang kasi lumabas iyong matinding takot na naramdaman ko sana'y pagkamatay ko kanina.

"Shhh... Stop crying. I'm here. No one can separate us now, even death," pag-aalo niya sa akin habang tinatapik ng mahina ang likod ko.

Ewan ko pero dahil sa ginawa at sinabi niya, mas lalo lang akong napahagulhol ng iyak. Kahit kailan talaga, papansin ang mga luha natin. Kung kailan pinatatahan saka lalong babaha.

Kung kanina, kulang na lang kumawala na sa dibdib ko ang puso ko dahil sa sorbang bilis ng tibok, ngayon naman parang bigla na lang tumigil sa pagtibok. Bigla na lang kasi niya akong ginantihan ng yakap. Mahigpit. Sobrang higpit.

Napatingin ako sa kalangitan. May shooting star na biglang lumitaw.

Isa lang ang hiling ko, sana huminto muna ang oras sa pag-ikot.

And from that moment, my wish was granted again.

Ang tagal rin naming magkayakapan. Hindi ko na nga namalayan na tumigil na pala sa pagpatak ang mga luha ko.

Sa totoo lang, nangangalay na ako sa pwesto namin. Paano ba naman, nakalugmok kami sa sahig habang nagyayakapan.

Pero wala na akong pakialam. Ang tagal ko kayang pinangarap ito.

Sabay kaming nagulat noong biglang tumunog ang cellphone ko. Dahil doon napilitan kaming maghiwalay.

Ano ba naman ito. Panira ng moment!

"Hello?" medyo lutang na tanong ko sa kabilang linya.

"Finally beshie sinagot mo rin ang tawag ko!" exaggerated na bungad ni Elle mula sa kabilang linya.

Napatingin ako kay Xavier at napansin kong nakatitig siya sa akin.



(A/n: Alam kong kahapon ninyo pang hinihintay ang UD ko. Pasensya na, may emergency kasi. Sinigit ko lang talaga ang pag-a-update ngayon kahit na midterm na namin bukas ng umaga.)

Claire The Perfect and Xavier The SnobberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon