Claire-127

6.4K 152 4
                                    

"O, bakit pulang-pula 'yang mukha mo?" sita sa akin ni Kirby habang pinapaandar ulit niya 'yung kotse.

Bigla akong napahawak sa pisnge ko at napatingin sa salamin.

Namumula nga! Kasalanan ito nila Shazsnay at Grandy!

Huhuhuhuh... Ang inosente kong utak, nadumihan ng sobra!

"Anong sabi noong mga pulis? Pinapupunta na ba nila tayo sa prisinto?" pag-iiba ko sa usapan.

"Hindi."

"Talaga? Pero paano nangyari iyon? Ano ang sinabi mo sa kanila?"

"Nakilala nila ako. Idol ata ako noong mga anak nila."

"Wow! Mabuti na lang talaga at sikat ka."

"Pero may isa pa akong sinabi para hindi nila tayo hulihin."

"Ano?" tanong ko bago ko kinuha 'yung bote ng mineral water na nasa pagitan namin.

Nauuhaw na ako kaya iinumin ko na itong tubig niya.

"Sabi ko, buntis ka kaya hindi tayo pwedeng magpadumog sa mga reporters."

Bigla kong naibuga ang tubig na iniinom ko dahil sa sinabi niya.

"Dahan-dahan lang kasi sa pag-inom. Nasamid ka tuloy," sermon niya habang tinatapik-tapik ang likod ko tapos inabutan niya ako ng tissue.

"Paano akong hindi masasamid, kung ano-ano naman 'yang lumalabas sa bibig mo! Kahapon girlfriend mo lang ako. Pero ngayon, nabuntis mo na?!" naeeskandalong tanong ko.

Namumuro na sa akin ang batang ito. Marami na siyang atraso sa akin!

"Bakit ka ba nagpapakagalit? Alam mo namang hindi totoo iyon."

"Iyon na nga, hindi totoo pero baka paniwalaan nila!"

"E 'di mas maganda."

"Kirby, isa!" nagbabantang sabi ko.

Konting-konti na lang talaga sasabog na ako sa galit.

"Dalawa!" nang-aasar na sagot niya.

Ahhhhhh!!!

Bwiset!

Nabwi-bwiset na ako!

Alam kong makulit ako, pero 'di hamak na mas makulit siya sa akin!

"Saan mo gustong pumunta?" maya-maya'y tanong niya.

"Gusto kong pumunta sa school! Ayoko na! Tigilan na natin ito! Gusto ko ng bumalik sa normal kong buhay!" nauubusan ng pasensyang sigaw ko.

Bigla niyang inapakan ang preno at huminto sa isang tabi.

"Are you breaking up with me?" seryosong tanong niya habang nakatingin ng tuwid sa mga mata ko.

Pumikit muna ako ng mariin bago ko siya sinagot.

"Ipapaalala ko lang, walang tayo."

"Too late. Kalat na sa buong mundo ang relasyon natin."

Tinignan ko siya ng masama.

"What do you mean?"

"Kasalukuyang nagpapa-presscon ngayon si manager, siya na ang sumagot sa lahat ng katanungan tungkol sa totoong relasyon natin. Marami akong fans sa iba't ibang parte ng mundo lalo na sa Korea at America kaya hindi mo ako pwedeng iwanan na lang bigla sa ere. I work hard just to gain this career and reputation, this is my life. Don't take it away from me."

Sinalubong ko ang mga mata niya at nabasa ko ang matinding sinseridad.

Bigla tuloy akong nakaramdam ng awa sa kanya.

Pero paano naman ako?

Natulungan ko nga siya, pero nasira naman ang relasyon namin ni Xavier.

"But I have a boyfriend," halos paos na sabi ko.

"I thought, ex-boyfriend?"

"You're the reason of our break up."

"How it became my fault?"

"He asked me to choose between you and him."

"And who did you choose?"

"You. I choose you over him," sagot ko habang nakatingin ng tuwid sa mga mata niya.

Claire The Perfect and Xavier The SnobberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon