Xavier-144

6K 128 0
                                    

"O, pare napasugod ka?" gulat na tanong ni Fritz sa akin habang pumapasok ako sa loob ng condo unit niya.

Hindi ko siya sinagot at tahimik lang akong naglakad papunta sa ref para kumuha ng maiinom na alak.

"May problema ba pare?" nag-aalalang tanong niya habang dinadamayan ako sa pag-iinom.

Inangat ko ang ulo ko para tignan siya sandali, tapos bumalik na ulit ako sa pag-iinom.

They know me. Ako 'yung tipo ng tao na hindi palakwento lalo na pagdating sa problema.

"Ako na lang ba pare, paglilihiman mo pa?" pangongonsensya niya habang nakatitig sa akin.

"Parang hindi tayo magkaibigan niyan," dagdag pa niya.

"I can manage myself," walang emosyong sagot ko bago ko inisang lagok itong iniinom ko.

Tumayo ulit ako para makakuha ng bagong maiinom, pero ngayon tatlong bote na agad. Gusto kong magpakalasing. Baka sakaling makalimot ako kahit sandali.

"Babae ba?" panghuhuli niya.

Tinignan ko lang ulit siya sandali bago ako nagbukas ng panibagong bote at umupo sa tapat niya.

"Si Ynggrid na naman ba?" patuloy na pangungulit niya.

Bahagya akong napailing at nagpatuloy sa pag-iinom.

"Then who?"

"Huwag mo na lang alamin."

"Hulaan ko na lang ulit," nakangising niyang sabi.

"Don't you dare," banta ko.

Inabot ko ulit 'yung isang bote at binuksan.

"Did you really fall in love with her?" seyosong niyang tanong habang nagbubukas rin ng panibagong bote.

"I don't know."

"Ngayon na lang ulit kita nakitang ganyan after Ynggrid."

Napabuga ako sa hangin ng maalala ko si Ynggrid.

Kamusta na nga kaya siya?

Bakit hindi niya sinabi sa akin ang tungkol sa anak niya?

Why did she choose to cheat on me, when all I do was to love her more than anyone else?

"Maiba tayo, kamusta nga pala ang competition ninyo sa Japan? Akala ko sa isang araw pa ang balik ninyo?"

"Talo kami, hindi man lang nakaabot sa semi-final. Actually sa isang araw pa naman talaga naka-schedule ang flight namin, pero nag-decide na akong mauna sa pag-uwi tutal for formality and appreciation na lang 'yun," sagot ko bago ko muling inisang lagok itong iniinom ko.

"Okay lang 'yan pare. May next year pa naman," pagpapalubag loob niya habang tinatapik ang balikat ko.

"Gago, fifth year na tayo! Wala nang next year dahil ga-graduate na tayo sa Marso!" paalala ko habang binabatukan ko siya.

"Oo nga pala. Pasensya naman," kumakamot sa ulo habang natatawang sabi niya.

"Ano nga pala anong balita dito habang wala ako?" pag-iiba ko sa usapan.

"Marami. Saan mo ba ako gustong magsimula?"

"Gusto kong ikwento mo sa akin ang lahat ng pangyayari simula noong umalis ako."

"Girlfriend na ni Zac ang pinsan mong si Ara."

Bigla kong naibuga ang iniinom ko dahil sa narinig.

"Huh?! Paano?! Kailan pa?!" natatarantang tanong ko habang kinukuha ko ang cellphone ko sa bulsa.

Agad kong tinawagan si Ara pero unattended kaya si Zac ang sunod kong tinawagan.

"O pare, napatawag ka? Kamusta ang Japan?" masiglang bungad niya sa akin.

"Pumunta ka ngayon din dito sa sa unit ni Fritz!"

Naikuyom ko ng mariin ang mga kamao ko dahil sa sobrang galit.

Kung ano-anong kalokohan na naman kasi ang pumapasok sa isip ni Zac. Of all people, si Ara pa talaga?!

"Damn you Zac!" galit na usal ko bago ko inisang lagok ang laman ng natitirang bote.

Claire The Perfect and Xavier The SnobberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon