Claire-102

8.8K 215 26
                                    

"Talaga, crush mo ako?" natutuwang tanong niya.

Grabe, akala ko magagalit siya pero kung makangiti siya ngayon wagas.

"Kanina iyon pero hindi na ngayon," mataray na sabi ko bago ako umiwas ng tingin kasi nakaka-hypnotize ang mga mata niya.

Binitawan na niya ang ulo ko at humalukipkip. Tinignan rin niya ako mula ulo hanggang paa na para bang sinusuri ang kabuoan ko.

Agad akong napatakip sa dibdib ko noong bigla siyang tumitig doon.

"Alam mo, hindi ka naman panget. Hindi ko masasabing sexy ka pero sakto lang ang vital stat mo. Hindi sobrang payat. Hindi rin mataba," seryosong sabi niya habang palakad-lakad paikot sa akin.

Akala mo judge siya ng beauty pagent at ako ang candidate.

"Balita ko, matalino ka rin tulad noong gago mong pinsan. But as my girlfriend?" tanong niya sa sarili habang nakahawak ang hintuturo sa sintido na para bang nag-iisip siya ng sobra.

"Pwede na kitang pagtiyagaan," patango-tango niyang sabi habang nakahawak ang kanang kamay sa kanyang baba.

"Wow!" iyan ang tanging nasabi ko sa mga sinabi niya.

Grabe!

Ibang klase talaga siya!

Sobrang taas ng tingin sa sarili!

Ako girlfriend niya?!

Asa pa siya!

Si Xavier lang ang may karapatang maging girlfriend ako!

Saka pagtiyagaan?! Wow ha, hiyang-hiya naman ako!

Parang utang na loob ko pa na maging girlfriend niya!

Nagulat ako noong bigla niya akong inakbayan at hinalikan sa pisnge, sabay kuha ng picture gamit ang cellphone ko.

"Hoy, anong ginagawa mo?!" naeeskandalong sigaw ko noong makita kong ina-upload niya sa facebook ko 'yung picture namin.

"I will post our picture together. Para naman hindi ka awayin ng mga fans ko at sabihang ikaw ang nanligaw sa akin kahit na iyon naman ang totoo, ako na ang humalik sa'yo at kumuha ng picture natin. Since boyfriend mo ako, sasabihin ko na lang na ginamit ko ang account ng girlfriend ko. "

"Ano?!"

"Posted! From now on, you're officially Kirby Park's girlfriend. Sa tingin mo, ano kayang gagawin ng gagong si Grandy, kapag nalaman niya na ako ang boyfriend ng pinakamamahal niyang pinsan?"

"Eh?" wala sa sariling tanong ko.

Ano bang pinagsasabi ng lalakeng ito? Sayang ang kagwapuhan niya, ang laki naman ng sayad sa ulo!

"Anong gusto mong tawagan natin? Honey? Love? Sweet heart? Mag-isip ka dali!" nae-excite na sabi niya na may kasabay pang pagkumpas sa hangin.

"Iyong totoo, nasisiraan ka na ba? Baka mamaya ipa-salvage ako ng mga fans mo!"

"Don't worry. Hindi naman brutal ang mga fans ko. Hindi ka nila bubugbugin. Mga sampal at sabunot lang siguro ang matatamo mo," nakapamulsang sabi niya na para bang hindi alintana ang karahasang dadanasin ko.

Dahil doon, sunod-sunod akong napalagok ng laway.

"Of course I won't let them do that. You're safe with me," kumbinsidong sabi niya habang nakahawak sa balikat ko at pinapataas-baba ang dalawang kilay.

Magsasalita pa sana ako ng bigla siyang makipag-holding hands sa akin. Hinatak niya ako pababa ng rooftop, pero bigla akong napaatras noong makasalubong namin si Xavier.

Claire The Perfect and Xavier The SnobberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon