Claire-95

9.5K 260 39
                                    

"She's single. NBSB to be exact," sagot ni Xavier habang nakatingin ng tuwid sa mga mata ko.

Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng sakit dahil sa sinabi niya.

I'm single?

Really?

Kung single ako, e ano kami?

Ano ang tawag niya sa relasyon namin?!

"Whoa!" exagerated na hiyaw ng mga kaklase ko.

"Bakit ikaw ang sumagot ng tanong namin kay Claire?" kantyaw noong iba naming kaklase, habang ang iba ay kanya-kanya na ng chismisan.

"Ang tagal kasi niyang sumagot. Nasasayang ang oras," walang emosyong sagot niya bago muling umupo.

Muli na namang nagkantyawan ang mga kaklase namin at tila nalimutan na rin nila ang tanong sa akin.

"Beshie, okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Elle habang inaakbayan niya ako.

Tahimik lang akong napatango, kahit na ang totoo hindi talaga ako okay.

"Sigurado ka?" pangungulit pa niya.

Tumango lang ulit ako. Pakiramdam ko kasi, ano mang oras tutulo na ang mga luha ko. Ayoko namang magsalita kasi baka biglang mabasag ang tinig ko.

"Ano ba kasi talaga kayo ni Xavier?" pabulong na tanong ni beshie.

"Ma'am, may I go out?" nakataas ang kamay na tanong ko bago tumayo.

Ayoko munang sagutin ang tanong ni Elle. Dahil kahit ako sa sarili ko, hindi ko rin alam ang sagot.

"Why?" nakataas ang kilay na tanong ni Ma'am.

"My head is aching so bad. I badly want to go to the clinic," pagsisinungaling ko ulit.

Napansin kong balak kontrahin ni beshie ang sinabi ko, kaya binigyan ko agad siya ng makahulugang tingin. Mabuti na lang at na-gets niya agad ako.

"Okay, you may go. Mas mabuti kung magpapahinga ka muna sa clinic. Baka may sakit ka kaya ganyan ka katamlay ngayon," pag-payag ni Ma'am.

Nakatulala akong lumabas ng classroom dala ang bag ko pero hindi ako sa clinic pumunta. Sa rooftop ng AB building ako dumiretso. Sa rooftop sana ng Engineering building ako pupunta, kaso baka makita ako nang mga kaklase namin.

Tahimik lang akong nagmamasid sa ibaba. Maraming estudyante ang nakakalat. May naglalakd, may tumatakbo, may naghaharutan at may mga mga couple na wagas kung maka-PDA!

E 'di sila na!

Sila na ang sweet!

Sila na ang masaya!

Sila na ang hindi single!

Paulit-ulit akong huminga ng malalim. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Pilit kong pinipigilan sa pag-bagsak ang mga luha ko.

Pero wala e, kahit anong pigil ko. Tumulo pa rin ang mga papansin kong luha.

Sino ba naman kasi ang hindi maiiyak kung itinanggi ka ng boyfriend mo sa harap ng maraming tao.

Ang sakit-sakit!

Akala ko pa naman kanina, kaya siya tumayo kasi ipagmamalaki niya ang relasyon namin pero hindi iyon ang nangyari.

Bigla tuloy akong napasip, kami ba talaga?

Boyfriend ko ba talaga siya, o baka naman masyado lang akong nagiging assuming?

Pero sigurado ako sa mga nabasa ko sa chat niya 2 months ago. Kaso simula rin noong gabing iyon, hindi ko na siya muling tinanong tungkol sa totoong status ng relasyon namin.

"Argh! Nakakainis!" naiinis na sigaw ko habang pinupunasan ko mga luha ko, pero mas lalo lang akong napahagulhol sa pag-iyak.

Claire The Perfect and Xavier The SnobberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon