Claire-138

6.2K 124 3
                                    

Napakabilis ng araw. Tatlong linggo na ang lumipas simula noong ipagkalat ni Kirby na girlfriend niya ako.

Noong una, marami ang nagwala. As in! 'Yung tipong natatakot akong lumabas ng bahay dahil pakiramdam ko, ano mang oras pauulanan nila ako ng bala. Hahahahah... Kidding!

Pero grabe talaga ang naging kalbaryo ko noong unang linggo. Hindi ako makakilos ng normal dahil halos lahat ng tao ay nakabantay sa akin. Ultimo mga reporters naging interesado sa talambuhay ko.

Mabuti na lang at maingat magtago ng sikreto ang daddy ni Grandy na si tito Russel. Dahil kung hindi, siguradong matagal ng nabunyag ang lihim ng angkan namin.

Magandang factor na rin na naging mag-bestfriend sina Shazsnay at Kirby. At least hindi na ako kailangang kabahan kung sakaling may malaman siya tungkol sa lihim ng pamilya namin. He's pretty much aware with Rivera and Sebastian's secret. Dahil doon, siya ang unang-unang nagko-cover sa amin sa mga press.

Sandoval's influence was so powerful. Kayang-kayang paikutin ng impluwensya nila ang buong Pilipinas.

Ngayon ko lang tuloy naisip, bakit kaya kay Grandy pa pinakasal si Shazsnay? Kung proteksyon lang din naman ang hanap ng pamilya Rivera, 'di hamak na mas kaya silang protektahan ng mga Sandoval. Plus the fact na childhood bestfriend sina Shazsnay at Kirby, I'm sure kahit papaano may nabuo ng feelings sa dalawang iyon.

Teka, may bigla akong naisip!

Noong high school pa kami, naging usap-usapan ang sobrang closeness nila Shazsnay at Kirby. Noon pa man kasi sikat na silang dalawa.

Si Kirby, high school pa lang gwapo at malakas na ang charisma. 'Yun nga lang, lagi siyang suki ng guidance office. Medyo bad boy kasi iyon. Samantalang si Shazsnay, laging panlaban ng beauty pageant.

Batay sa pagkakaala ko, maraming nagkakagusto kay Kirby. Pero walang ibang babae ang na-involve sa kanya maliban lang sa isa, si Shazsnay.

Could it be possible na si Shazsnay ang babaeng tinutukoy niya na mahal na mahal niya?

Biglang nag-flashback sa isip ko ang mga sinabi niya sa akin noong in-announce niya sa facebook na girlfriend niya ako. Curious siya sa magiging reaction ni Grandy.

Minsan nang nabanggit ni Grandy na ayaw niya kay Kirby, pero hindi niya sinasabi ang dahilan. Nabanggit rin ni Kirby na ayaw niya sa mga Sebastian dahil kay Grandy.

Wala akong maalala na may away sa pagitan ng pamilya namin at pamilya nila. Maliban lang sa cold war nila ni Grandy.

Isa lang ang pumapasok sa isip ko ngayon. Baka si Shazsnay ang dahilan kung bakit ayaw nila sa isa't isa.

Kung tama nga ang mga hinala ko, hindi ko siya pwedeng tulungan.

Shazsnay was already a Sebastian. Asawa siya ng pinsan ko. Hindi pwedeng ako ang maging dahilan para masira ang relasyon nila ni Grandy!

Bigla akong napatayo sa kama ko at inabot ang bag kong nakapatong sa side table. Kinalkal ko ang cellphone ko para tawagan si Kirby kaso ring lang ng ring. Tinawagan ko rin si Shazsnay kaso out of coverage area.

Linggo ngayon kaya sigurado akong nasa bahay lang ang mag-asawang iyon. Isa pa, katapat bahay lang nila si Kirby. Kailangang makausap ko ng personal si Kirby o kaya si Shazsnay. Gusto kong kumpirmahin kung may namagitan ba sa kanila noong high school.

Claire The Perfect and Xavier The SnobberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon