Claire-108

8.3K 169 8
                                    

Tumigil ang kotseng sinasakyan namin sa tapat ng isang malaking mansyon.

Maya-maya pa, may mga lalakeng naka-tuxedo ang nagbukas ng pintuan ng sasakyan. Ngayon ko lang napansin na sila iyong mga lalakeng nag-rescue sa amin kanina at sila rin ang nakasakay sa mga kotseng nakasunod sa amin.

"Kaninong masyon ito?" tanong ko kay Kirby noong tumayo siya sa tabi ko.

"Basta," tipid na sagot niya bago ako inakbayan at inalalayan papasok sa loob.

Hindi ito ang unang beses na makakita ako ng ganito kalaking mansyon kasi mayaman rin naman kami at hindi nagkakalayo ng laki nito sa main mansion ng family Sebastian. Pero masasabi ko na mas magaganda ang mga mowebles na narito.

"Welcome back Master Kirby," sabay-sabay na bati noong mga nakahelerang katulong.

"Master Kirby? Ibig sabihin, sa'yo ito?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Mayaman rin pala itong si Kirby. Akala ko simpleng K-pop artist lang siya.

"Nope. Sa Lolo at Lola ko ito. This is the Sandoval's Mansion."

"May mga kapatid ka ba o kaya pinsan?" medyo kinakabahang tanong ko.

Baka kasi maldita ang mga pinsan at kapatid niya, lait-laitin pa nila ako.

"Wala. Only child ako at ganoon rin ang Daddy ko," umiiling na sagot niya.

"Kung ganoon, nag-iisang apo ka lang?"

"Obviously."

Wow! Siya na! Siya na ang sobrang yaman! Wala pala siyang magiging kahati sa mansyon na ito kapag nagkataon. Ang swerte-swerte ng mapapangasawa niya. Gwapo, talented, sikat at heredero pa!

"Ang yaman-yaman mo pala. Bakit nagtitiis ka sa SU? Mas maraming sikat na international school sa University belt like, Palace Academy, Royal Academy and Fujihama University," tukoy ko sa mga kalabang eskwelahan namin.

Aminado naman ako na hindi pa ganoong kagandahan ang academic quality na tinuturo sa school, unlike sa mga sikat na school sa paligid namin. Itinayo lang naman kasi ang SU noong magpakasal ang Mommy at Daddy ni Grandy. At dahil kamag-anak namin sila, napilitan akong doon mag-aral.

"Let just say that, the girl I love is more important than anything else. Just so you know, she's also a student from SU."

Tahimik na lang akong napatango.

Kung sino man ang babaeng tinutukoy niya, ngayon pa lang masasabi kong sobrang swerte niya. Sana 'wag na siyang magpasuyo pa. Perfect guy na itong nag-hahabol sa kanya.

"Bakit nga pala tayo narito?" tanong ko habang papasok kami sa paakyat kami sa grand staircase.

"Wala lang. Masyado kasing crowded sa school. Saka bigla kong na-miss sina Lolo at Lola."

"Bakit ba kasi nagtitiis ka sa bahay mo? May kamag-anak ka pa naman pala dito sa Pilipinas. Dapat dito ka na lang tumira."

"Masyadong malayo ang mansyon na ito sa school. Umaabot ng dalawang oras ang biyahe. Minsan tatlo hanggang apat na oras pa kapag trafic sa EDZA," paliwanag niya bago kami tumigil sa tapat ng malaking pinto.

"Oh my gosh!" gulat na sambit ko sa nasaksihan ko sa loob.

Ang dami kasing nakahandang pagakain tapos may malaki pang banner na, "Kirby <3 Claire."

Mukhang napasubo ata ako dito.

"Lola, Lolo, meet Claire, my girlfriend," nakangiwing pakilala ni Kirby sa akin.

Nilingon ako ni Kirby at binigyan ng nahihiyang tingin. Ramdam ko na humihingi siya ng pasensya sa akin. Mukhang hindi rin niya inaasahan ang ginawang paghahanda ng Lolo at Lola niya.

"Welcome to the family hija," sabay na bati nila sa akin bago ako sinalubong ng mahigpit na yakap.

"Salamat po," nahihiyang sabi ko.

"Kailan ninyo balak magpakasal ng apo ko? Alam mo na, matanda na kami nang Lolo ninyo kaya gustong-gusto na naming magkaroon ng apo sa tuhod," malaki ang ngiti na tanong ni Lola.

O lupa, lamunin mo na ako ngayon. As in now na!

Claire The Perfect and Xavier The SnobberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon