Elle-178

4.8K 97 2
                                    

6 years later...

Napatingin ako sa graduation picture ko noong college na nakapatong sa table ko, hindi ko naiwasang hindi makaramdam ng lungkot. Wala kasi si beshie sa tabi ko noong graduation.

Bigla na lang siyang umalis noon. Walang pasabi. Basta isang araw, nabalitaan na lang namin na umalis na pala siya ng Pilipinas at hindi namin alam kung saang lupalop siya ng mundo nagpunta.

Actually hindi lang ako ang nalungkot. Marami kami at syempre isa na si Xavier doon.

Nakakapanghinayang lang kasi kung kailan botong-boto na ako sa tambalang XABBY, saka naman siya biglang naglaho na parang bula.

Sa loob ng anim na taon, napakarami nang nagbago.

Isa na ako ngayong lisensyadong Civil Engineer.

Si baby Zac ko, ayon sinundan ang yapak ng hilaw niyang girlfriend na si Ara sa pagiging model. Bakit hilaw na girlfriend? Paano ba naman, kalat sa buong mundo ang relasyon nila pero kapag kaming magkakaibigan ang magkakasama todo tangging mag-jowa sila.

Ay oo nga pala, baka nagtataka kayo. Simula noong umalis si beshie, napalapit ako sa mga kaibigan ni Xavier kasi pare-pareho kaming nagdamdam noon sa pagkawala ng bestfriend ko.

Aaminin ko, crush ko pa rin si baby Zac ko pero hindi na ako umaasa sa kanya. Ano ba namang laban ko kay Ara 'di ba? Dyosa sa kagandahan ang babaeng iyon.

Si Fritz naman, hindi siya kumuha ng board exam. Pagka-graduate namin, nag-aral ulit siya at kumuha ng Journalism. Pagiging journalist kasi talaga ang pangarap niya at ngayon, isa na siya sa respetadong journalist ng bansa.

At kung si Xavier naman ang tatanungin ninyo---

"Are you day dreaming, Miss Ayala?" malamig na tanong noong boses mula sa likod ko.

"I'm so sorry, Sir. May naalala lang po ako," hinging paumanhin ko sa boss ko na si Xavier.

Yup. You read it right. Xavier Mendez was my boss. Small world 'di ba?

Akalain ko ba naman na ubod rin pala ng yaman si Xavier at siya palang tagapagmana ng kompayang in-apply-an ko noon.

"Follow me on my office," walang emosyong utos niya.

Haaay... Kailan ko kaya ulit makikita iyong Xavier Mendez na nagagawang pangitiin ni beshie?

Simula kasi noong iwanan siya ni beshie, mas lalong lumala ang pagiging suplado niya kaya hindi nagkaka-girlfriend e. Kung hindi ko nga lang alam na abot hanggang langit ang galit niya kay beshie, baka inisip ko na hindi pa siya nakaka-move on kaya siya ganyan.

Pagpasok namin sa office niya ay bahagya akong nagulat sa dalawang taong nakita kong naghihintay sa amin.

"Long time no see, Elle," nakangiting bati sa akin ni Zac.

Awww... He's still handsome as ever.

"Long time no see rin," ganting bati ko bago ako nakipagbeso-beso.

Sabay kaming napalingon noong biglang tumikhim ng pilit si Fritz.

"In case you've forgotten, andito rin ako. Baka gusto mo akong batiin at makipagbeso-beso?" nakangising tanong niya.

Ayaw kong masira ang araw ko dahil nakita ko ang ultimate crush kong si Zac, pero kahit kailan panira talaga ng moment itong si Firtz. Ang sarap niyang ipatapon sa Mars!

"Bad morning panget," mataray na bati ko sa kanya bago ako umirap.

"Aba't!" reklamo niya bago tumayo na para bang hinahamon ako ng away.

"Ano? May problema ka diyan sa kapangitan mo?" matapang na tanong ko habang tinitingala ko siya.

Kung bakit ba naman kasi nagmumukha pa rin akong pandak sa kanya kahit nakasuot na ako ng heels? Ang lakas maka-basketball player ng height niya. Akala ko noon hindi na tumatangkad ang tao kapag nag-reach na sa 18 years old, pero itong si Fritz mukhang may lahi atang higante.

Claire The Perfect and Xavier The SnobberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon