Chapter I. Picture Perfect!

303 6 3
                                    

CHAPTER I. PICTURE PERFECT!

"Good morning everyone! I'm Louise Allyson Castillo. You can call me Alice if you like. It's nice to meet you all."  sinabi niya sa harap ng klase nang may halong ngiti sabay ang pag-flip sa kanyang mahabang buhok.

"WHOOOOOH!! We LOVE you Alice!!" sigaw ng ilang boys sa classroom.

"Ang ganda niya talaga!!" sabi pa ng iba.

Nginitian siya ni Kevin Loyzaga, ang ultimate crush niya simula second year.

Nang makita siya ni Alice, hanggang tainga ang ngiti niya at halatang kinikilig siya.

Si Alice, first day pa lang ng school, sikat na kaagad siya hindi lang sa classroom kundi maging sa buong school. Fourth year High School na siya. 16 years old. Hinahangaan ng lahat ang kanyang kagandahan pati na rin ang pagkahilig niya sa fashion. Maputi siya, matangkad, maganda ang kutis, at mukha talagang artista. Ang mahaba niyang buhok na hanggang siko ay nakakadagdag sa pagiging maganda niya. "It Girl" nga kung tatawagin. Maimpluwensiya rin siya. Kadalasan, siya ang nagiging icon in fashion ng mga girls sa campus. Habulin siya ng mga lalaki at marami siyang manliligaw. Kinaiinggitan ng mga babae kung kaya't marami rin siyang haters.

"Okay, Miss Castillo, you may now take your seat." sabi ni Ms. Alvarez, bagong adviser nila.

Sa pag-upo ni Alice sa kanyang upuan, sinusundan siya ng tingin ng mga kalalakihan. Nginitian niya ang mga ito at kinawayan na para bang isa siyang artista.

"OMG!! Si Miss Feelingera. Akala niya siguro napakasikat niya." maarteng sabi ni Mikaela Martinez. Ang classmate at No.1 hater ni Alice. Maganda naman siya kaya lang sobrang naiinggit siya kay Alice dahil sa madalas siyang ma-over shine nito. Hindi niya matanggap na mas sikat si Alice sa kanya. At hindi din niya matanggap na karibal niya si Alice kay Kevin.

"Anu ka ba Mika. Baka marinig ka ni Alice." bulong ni Stephanie, kaibigan ni Mikaela.

"Ou nga Mika. Lagot ka kapag inaway mo yang si Alice." nagsecond demotion si Jessa.

Narinig lahat ni Alice ng pinag-bubulungan ng tatlo pero hindi na siya pumatol.

Tiningnan niya lang ang mga ito, nginitian, sabay irap.

"Naiinggit na naman sila sa akin. Hayy... hahahaha" sabi ni Alice sa sarili niya.

Buong klase ay siya lamang ang laman ng usapan ng tatlo.

Habang ang ilang kalalakihan ay hindi pa rin maiwasang tumingin sa kanya, at madalas ay napapagalitan na ng mga teachers dahil sa hindi pakikinig.

*Riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinng*

"Okay, goodbye class."

"Goodbye Ms. Alvarez!!" sagot ng klase na halatang gusto nang umuwi. First day pa lang gusto nang maglakwatsa.

Paglabas sa room...

"Ouch!!" oops! nadulas si Mika. Natapakan niya yung nalaglag na panyo ni Alice.

"Oh my gosh!! Mika, are you okay?" pang-asar na tanong ni Alice.

"Sinadya mo yun noh?!!!" galit na si Mika.

"Hala. Hala. Hala. Ako pa ngayon ang may kasalanan? Tinapakan mo na nga itong panyo ko ako pa ang sisisihin mo?"

"HOW DARE YOU ALLYSON CASTILLO!!!" nararamdaman na ni Alice na gusto siyang sabunutan ni Mika.

"Teka, girls!! Anong away ito??" nakita sila ni Ms. Alvarez.

"Oh, Ma'am... wala naman po ito. Tinutulungan ko lang po si Mika na tumayo. Nadulas kasi siya. Pero ayaw naman po niya magpatulong." palusot ni Alice kay Ms. Alvarez.

When Miss Fashionista Meets The NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon