Chapter VI. Meet the Nerd

128 3 0
                                    

CHAPTER VI. MEET THE NERD

Matagal-tagal din akong nag-stay sa garden. Doon ako nag-iiyak. Hindi ako makaget-over sa nangyari. Hindi ko naman din siya masisisi sa nangyari kasi ako 'yung nakialam. Pero nakakainis pa din ehh!! Sobra naman yata 'yung trato niya sa akin. First time ko ang makaranas ng ganun sa isang lalaki.

Nawala na ako sa mood ngayong araw na 'to.

"Alice!!.."

Huh? May tumatawag ba sa akin? Napalingon ako, si Ate Jamaila pala.

"Alice!! Kanina pa kita hinahanap. Saan ka ba nagpunta, ha? Hinahanap ka na nina Papa, ready na ang lunch, kakain na tayo."

Patago kong pinahid 'yung luha ko para hindi niya makita.

"Ahh...naglibut-libot lang ako sa loob Ate Jamaila. Uhmm...Tara! Pasok na tayo."

"May problema ka ba? Bakit ganyan itsura mo?"

"Huh?! Wala  noh!! Haha!! Okay lang po ako." hindi ako tumitingin ng diretso sa kanya dahil baka makita niyang umiiyak ako. Halata kasi sa mata ko.

"Uhh...Okay!! Halika na pumasok na tayo."

Pumasok na kami sa loob ng bahay at dumeretso sa dinning area. Nandun na sina Papa, Tito Edmund, at Tita Janeth.

"Iha, saan ka ba nanggaling? Hinahanap ka namin kanina pa." pagtatanong ni Papa.

"Hmmm...Baka naman nag-explore lang siya sa bahay. Hahaha! Alam mo naman ang mga bata. Alice, you may take your seat." sabi ni Tito Edmund.

"Uhmm...Thanks, Tito." naupo na ako sa tabi ni Papa.

"Well...As usual, si Jiro na naman ang hinihintay." sabi ni Ate Jamaila.

"Ou nga noh? Nasaan na ba siya? Kanina pa siya hindi nagpapakita sa amin." sabi naman ni Papa kay Tito Edmund.

"Naku! Pa, sabihin mo na nga d'yan sa anak mong paimportante na kakain na tayo. Nakakahiya naman sa mga bisita kung dito pa niya paiiralin 'yung ugali niya." parang galit si Tita Janeth kay Jiro.

"Mama naman...'Wag kayong mag-alala, pinatawag ko na si Jiro." sagot ni Tito Edmund.

Hmmm...bakit kaya parang galit si Tita Janeth kay Jiro? Anak niya 'yun di ba? Sabagay, sinu ba naman ang hindi maiinis sa inaasal ng Jirong 'yun? Well...kung siya man 'yun tao sa lab na nakita ko, hindi na nga siguro nakapagtataka.

Hindi na lang ako umiimik sa pagkakaupo ko. Hindi ko alam kung bakit pero parang kinakabahan ako sa sandaling lumabas si Jiro. Teka...hindi pa naman confirmed kung si Jiro nga 'yung tao sa lab ahh? Kung hindi naman, sino kaya 'yun? Hmmm...pero mas mabuti nga kung hindi siya 'yun. Baka isumbong lang niya ako kay Tito Edmund.

Maya-maya, may lalaking bumaba ng hagdan.

"Ohh, eto na pala si Jiro!" sabi ni Ate Jamaila.

"Halika rito iho, ipakikilala kita sa mga bisita natin." sabi ni Tito Ed.

Pag lingon ko sa kanya, nagulat ako dahil siya nga 'yung lalaki sa lab! OMG!! >.<

Infairness ahh... 'yung magulo niyang buhok kanina, maayus-ayos na (Marunong ka naman pala magsuklay ehh.)...nakasuot siya ng black na polo with matching black maong pants! Grabeh ah? Magluluksa ka? Aattend sa burol? Helloo!! Magla-lunch lang tayo!!

Kung kanina sa lab, hindi ko matitigan ang mukha niya, ngayon kitang kita ko na...hmmm...aaminin ko...Gwapo naman siya. (Oi!! Itigil niyo 'yang iniisip niyo ahh!!) Hahaha. Ang kinis ng mukha niya, ang tangos ng ilong. Hawig siya kay Tito Edmund pati sa tindig niya. Maputi. Matangkad. Payat, pero tama lang naman. (Ang pinagkaiba lang, weird siya.) Kaya nga lang, nababawasan 'yung pagiging gwapo niya dahil sa suot niyang salamin. Black-framed, malaki, sooobrang kapal!! (Hindi ko na matantsa 'yung grado.) Hindi ko tuloy matingnan nang maayos 'yung mata niya kasi nagmumukhang distorted!! Mukha talaga siyang NERD!! Oo!! With the capital N-E-R-D!! At sooobrang weird niyang kumilos. Napakamisteryoso niya.

When Miss Fashionista Meets The NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon