Chapter V. "Monster" in the Lab

144 4 0
                                    

CHAPTER V. "MONSTER" IN THE LAB

Nagtataka lang ako... Hindi naman kasi mukhang may tinatago sina Tito Edmund sa amin. Pero bakit pakiramdam ko may something dito sa bahay? Hahaha...Natatawa ako sa sarili ko! Anu 'to? Horror? Suspense? Thriller? Hindi naman kaya!!!

'Di bale na nga!!... Sinubukan kong umakyat sa taas. Ang haba pala ng hagdan nila. Sa pag-akyat ko...napansin kong parang wala namang tao sa taas. Mga busy yata sa kusina at sa labas. Tahimik 'yung taas. Hmmm...wala naman sigurong masama kung mag-tour ako mag-isa ko 'di ba?

Namamalikmata lang ba talaga ako o ano? Nakita ko na naman 'yung maliita na nilalang. Masyado siyang mabilis para malaman ko kung anung klaseng nilalang 'yun. Parang hindi tao!! :O

Hmmm...Alice!! 'Wag kang matakot!! Okay, kaya ko 'to!! Hindi dapat ako natatakot.

Tuloy-tuloy ako sa paglalakad. Napansin ko lang, andaming kwarto rito. Andami kasing pinto. Iniisip ko lang kung anu-ano kaya ang nasa loob nun. Konti lang naman silang nakatira dito pero andami talagang kwarto.

Isang kwarto lang ang nakatawag ng pansin ko... 'yung kwarto na nasa sulok. Meron kasi 'yung nakapaskil sa pinto na ewan ko kung ano!! Greek yata 'yun!! Basta hindi ko maintindihan!! >.<

Ένα ιερό χώρο. Δεν πρέπει να εγγράφονται εδώ.

"Anu 'to? Grabeh!! Ang weird talaga ng nangyayari!! Sobra!!" wala na akong ibang masabi.

Pakiramdam ko talaga may sumusunod sa akin. Natatakot ako. So...sinubukan kong pumasok doon sa kwarto. Para magtago? Ewan ko...basta biglaan na lang na pumasok ako doon.

Binuksan ko 'yung ilaw sa kwarto at nagulat ako sa nakita ko.

Wala akong ibang masabi kundi ang WEIRD TALAGA!! With the capital W-E-I-R-D!!

Anung klaseng kwarto ba 'to?!! Halos lahat ng gamit ang weird! May mga maliit at malaking gadgets/robots...may machine din na hindi ko mawarian kung ano?..sa isang shelf, puro maliliit at malalaking bote ng chemical solutions...sa isa pang shelf, mayrong iba't ibang klaseng weird na libro...mga mystery/suspense sa itaas, sa ibaba naman puro libro about sa physics, chemistry, calculus, at iba't ibang science/math books!!

Pero masasabi ko naman na kwarto siya ng tao at hindi basta storage lang kasi mayrong kama, may T.V., may aircon...pero ang weird talagang tingnan kasama pa 'yung mga paintings na puro naman abstract...'yung isa yata parang may bata na nakakandong sa babae na walang mukha!! (BAHALA NA ANG IMAGINATION NIYO!!) Basta kinikilabutan ako!! >.<

Pero nac-curious pa rin ako...Alice, magpapaka-detective ka na ba?!! Hanga rin ako sa tapang mo ehh!! Biglang bumukas 'yung T.V. Natakot ako, malamang. May paranormal ba sa kwartong ito?!! Nang makita ko, natapakan ko lang pala 'yung remote control, so dinampot ko siya. May napindot akong isang button, bumukas 'yung aircon. Wow!! De-remote control 'yung kwarto!! Isa pang button, bumukas 'yung machine sa tabi ko...nang tingnan ko, andaming buttons at joysticks!!

Narinig kong parang bubukas 'yung pinto. Sa gulat ko, bigla kong nasagi 'yung joystick sa machine. Nagulat ako dahil biglang bumukas 'yung pader nung kwarto...doon sa tabi nung painting ng bata at babae!! Kinikilabutan ako!! Alice, nananaginip ka ba?!!

Sinasampal ko na ang sarili ko dahil baka nananaginip lang ako at hindo totoo ang mga nakikita ko. Pero pagdilat ko, totoo lahat at may nakikita na naman akong pinto doon sa bumukas na pader.

Έχει απαγορεύεται να εισέλθουν. Από τη στιγμή που έγινε εξωφρενικό, μετανοήσουν!

When Miss Fashionista Meets The NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon