Chapter VII. Dealing with Him?!!

138 5 2
                                    

CHAPTER VII. DEALING WITH HIM?!!

[ALICE'S POV]

12:30 A.M.

Pagkatapos ng isa't kalahating araw ng pagkukulong sa kwarto...

Lumabas na rin ako...Malamang...Gutom ako ehh!! ^_^

So...bumaba ako para kumuha ng pagkain.

Nung papunta na ako sa kusina...may napansin akong tao dun sa may sulok...

Teka nga...OMG!! 'Yung weirdong si Mr. Mad Scientist. Anu 'yung ginagawa niya? Sa ganitong oras?

Well...may hawak siyang napakakapal na libro...So...sa madaling salita...Nagbabasa siya. Sa sulok. Madilim. WEIRD!! Tapos may sinasabi siyang hindi ko maintindihan. Ibang lenggwahe. Hindi ko alam kung dun ba 'to sa binabasa niya o minumura na niya ko? Pero mukhang hindi naman niya ako nakita. WEIRD!! Tapos nakasuot siya ng itim na jacket tapos naka-hood pa. Imagine that, naka-hood sa loob ng bahay. WEIRD!!

Magtatago muna 'ko.

Hahaha!! Natatawa talaga ko kapag mababanggit 'yung Mr. Mad Scientist...pati na rin 'yung Mad Science... 'Yun kasi 'yung nasa Monster High!! Hahaha!! Bagay na bagay!! MONSTER siya, di ba?

MONSTER.

Mr. Mad Scientist.

Hahaha!! Parang si Victor Frankenstein lang ehh. ^_^

'Pag titingnan mo siya sa malayuan, para siyang inosenteng bata. 'Yung typical na nerd sa school na laging binubully. 'Yung batang baduy na hindi lumalaban. 'Yung tahimik. Pero 'wag ka!! 'Pag nakanti mo 'to...Monster pala!! Magsisisi ka!! Alam mo 'yung mga kontrabida sa mga fantasy movies? O parang mas maganda kung horror films? Oo!! 'Yun nga!! Siya 'yun. Antagonist. Kasingweird ni Frankenstien. Kasingnakakatakot ni Dracula. Siya na!! The BEST siya ehh!!

Nakasilip lang ako. Tinitingnan ko kung may gagawin siyang kahinahinala.

Hmmm...Mukhang wala naman ehh.

At bakit ba ko nagtatago? Ehh kukuha lang naman ako ng pagkain dahil nagugutom na 'ko!!

Lumabas na 'ko sa pinagtataguan ko. Lumakad na 'ko papunta sa kusina.

Tip-toe walking.

Para naman hindi ko siya maistorbo. Baka kasi gumawa na naman ng iskandalo 'tong Jiro-nerd na 'to. Mr. Mad Scientist.

Dumiretso ako sa kusina. Buti na lang hindi niya ako nakita. O baka naman nakita niya ako, hindi lang ako pinansin. Alam niyo namang may sariling mundo 'yung taong 'yun ehh.

Hmmm...binuksan ko 'yung ref...ano kayang masarap? Hahaha!! Kumuha ako ng baked mac, tapos may french fries pala dito...tapos may yogurt. Hihihi!! Kinuha ko na rin 'yung soda in can. At dadalhin ko 'yun lahat sa kwarto. Bahala na kung paanong hawak ang gagawin ko. Hahaha...Alice, nagpapahalata ka namang gutom ka ehh!! ^_^

Paglabas ko sa kusina...nakita kong andun pa rin siya. Mukhang seryoso naman siya sa ginagawa niya ehh. At mukhang wala namang masama sa ginagawa ko, kaya lumakad na 'ko, hindi naman siguro niya 'ko papansinin.

Paglabas ko sa kusina...biglang kumulog ng napakalakas!!

*Duuuugggggssshhhhhh*    o.O

Sumunod pa 'yung pagpatay-sindi ng ilaw.

Napatili ako nang malakas tapos nabitawan ko 'yung hawak kong mga pagkain. Umupo ako at tinakpan 'yung tainga ko. >.<

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 09, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When Miss Fashionista Meets The NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon