Chapter III. Unexpected

182 5 4
                                    

CHAPTER III. UNEXPECTED

Sumakay na ako sa kotse ni Papa. Habang nasa daan, tahimik lang kami. Walang nagsasalita,ni tinginan, wala. Alam kong galit si Papa. Kinakabahan ako pag-uwi.

Nang makauwi na sa bahay...

"Pa, I'm so sorry talaga. K-kasi Pa, n-napagb-bintangan lang n-naman po ako ni M-mika ehh...H-hindi naman po ako g-ganung k-kasama...K-kilala niyo n-naman po ako...Hind-di ba??" nanginginig pa ako sa pagpapaliwanag. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ni Papa.

"Did I ask you to explain?" ngumiti bigla si Papa. Nagulat ako sa reaction niya.

"Uhmm...I thought galit po kayo?"

"Hindi naman ako galit sa'yo anak. Mainit lang ang ulo ni Papa kanina, pagod kasi."

"Ahh...hehe...kinabahan naman po ako. Akala ko galit talaga kayo sa akin. Uhmm...basta po, sorry ha."

"Okay...sige palalampasin ko muna 'to. Basta mangako ka na hindi ka na ulit makikipag-away."

"Yes Pa! I promise! Sorry po ulit."

"Good! Mabuti't nagkakaintindihan tayo."

"Thanks Papa."

Hayy...Buti na lang!! Hindi galit si Papa. Kinabahan talaga ko.

"Uhmm...Nga pala, Alice, yung gusto kong pag-usapan natin. Nakausap ko si Tito Edmund mo this morning. Mapapaaga ang punta natin sa Zambales."

"Huh?! Eh kelan po tayo pupunta doon?"

"Bukas. Aalis na tayo bukas."

"WHAAAAAT?!!! Bukas na kaagad?!!!" Oh my gosh!!! Papa naman!!! Masyado ba silang nagmamadali?!!!

"Anak, alam kong magugulat ka. Kaya gusto kong umuwi tayo nang maaga para makapag-ayos ka na ng gamit mo."

"Papa naman ehh. Bakit parang masyado yatang mabilis?!"

"Maaga daw kasing natapos yung pag-aayos ng bahay nila. Kaya naman tinanong niya ako kung pwedeng mas maaga na tayo pumunta doon. Para naman magkaroon kami ng bondings at reunion kasama mo at ng pamilya niya."

"Ehh Pa, bakit sinabi niyong bukas na?!!"

"Iha naman!.. Matagal din kaming hindi nagkita ng Tito Edmund mo, saka marami rin kaming pag-uusapan na may kinalaman sa trabaho namin."

"Ehh!! Paano ang pag-aaral ko?!! Kakasimula lang ng klase, bakasyon kaagad?!!"

"Nakausap ko na ang adviser mo about dito. Pumayag naman siya, saka sinabi ko na two to three weeks lang naman tayong mawawala."

"Ang tagal naman!! Parang halos isang buwan na iyon ehh!!"

"Kung tutuusin nga parang sandali lang iyon. Sige na anak, pagbigyan mo na ang Papa. Di ba pumayag ka na kahapon?"

Mapilit si Papa!! Pero sige...payag na ako!! Doon din naman ang bagsak ehh.

"Ou na nga!! Pero...Sige na nga!!"

"Okay. That's good!! Thanks iha!! Sigurado namang mag-eenjoy ka doon ehh."

"Okay Pa!! Sana nga...Sinabi niyo 'yan ha."

"Sige na, mag-ayos ka na ng gamit mo at matulog ka na. Maaga tayong aalis bukas."

"Sige po. Good night Papa!!" binati ko na siya sabay kiss sa cheeks.

"Good night Alice."

Pag-alis ni Papa, nag-empake na ako ng mga damit ko. Siyempre kasama dun 'yung mga pamorma ko. Hahaha. Ako pa!! :D

After ko mag-ayos, nahiga na ako. Iniisip ko pa din 'yung dinner namin DAPAT ni Kevin kanina. Hayy...nalulungkot talaga ako. Nandun na ehh!! Nasira pa!! Haixt...Hmmmff!! Bad trip!! Tapos ngayon aalis na kaagad kami ni Papa para pumunta sa bahay ng bestfriend niya?!! At medyo matagal pa bago kami bumalik!!

Gising pa kaya si Kevin??

Matawagan nga...

"Hello?"

"Hello Alice. Kumusta? Pinagalitan ka ba ni Papa mo?"

"Uhmm...hehe. Hindi naman. Mabuti nga ehh. Uhmm...gusto ko ulit mag-sorry dun sa kanina. Naghintay ka pa, hindi rin naman pala matutuloy."

"Ahh...akala ko pinagalitan ka ehh. Hahaha. Okay lang sa akin 'yung kanina Alice, may next time pa naman, di ba?"

"Ha?!! Uhmm..." Ano ba 'yan?!! Ehh...aalis kami bukas!! Matagal kaming hindi magkikita ni Kevin my love!!

"Bakit? May problema ba??"

"Uhmm...Kevin, kasi...aalis kami bukas ehh."

"Saan naman kayo pupunta? Hindi ka papasok?"

"Uhmm...hindi ehh. Nga pala, mga three weeks kami doon sa Zambales. At kung sakaling matripan pa ng Papa ko, baka mas tumagal pa."

"Ganoon? Tagal naman. Hindi bale, ibibigay ko na lang sa'yo 'yung mga topics, assignments and projects natin para naman hindi ka mahirapan maghabol, di ba?"

"Talaga? Thanks Kevin!!" Ano ka ba Kevin?!! Sabihin mo mamimiss mo ko!! Dali!!

"Haha...ingat ka doon ha."

"Ou naman. Hehehe. Mag-iingat talaga ako, para matuloy din 'yung dinner natin pag-uwi ko."

"Ou nga!! Hahaha. Ui, Alice...Good night na ha. Matulog ka na din. Bawal sa maganda ang nagpupuyat."

"Sige Kevin. Hahaha. Thanks ulit! Good night. Nambola ka pa talaga ah."

So...dun natapos ang usapan namin ni Kevin. At least...okay kami. Pero sana naman mamiss niya ako, kasi mamimiss ko siya. Sus!! Ang-O.A. mo talaga Alice!! Para three weeks lang ehh, kung makadrama ka naman!! Hahaha. :D

Okay...matutulog na nga ako.

"Mama!! Mama!!" umiiyak na naman ako.

"Umiiyak ka na naman..." teka? 'Yung bata sa panaginip ko? Bakit nandito na naman siya?

"Sino ka ba kasi?" pinipilit ko talagang alamin kung sino siya.

"Umiiyak ka..." ang walang kamatayang sagot niya.

"Umiiyak ka..."

"Umiiyak ka..." parang naaaninag ko na ang mukha niya...

"Umiiyak ka..."

"Umiiyak ka..."

"Aggghhhhhh!! Sino ka?!! Bata!! Sino ka?!! 'Wag mo na akong baliwin!! Baliw na 'ko!!"

Panaginip na naman?!! Hayy!! Ano ba 'to? Parang kinikilabutan ako ahh...

Sino kaya 'yung batang 'yun? Gusto ko na siyang makilala. May kinalaman kaya siya kay Mama? Lagi na lang kasi burol ni Mama ang setting ehh...

Pero bakit ang pakiramdam ko... Malapit ko na siyang makilala?

Hayy...Alice, matulog ka na!! Hindi ka pwedeng tanghaliin bukas!!

__________________________________________________________________♥♥♥

Author's note:

Hindi naman sa lutang.

Pero lutang po talaga ako ngayon.

Sana po tiyagain niyo pa din. Hehehe.♥

-- IamMisunderstood♥

When Miss Fashionista Meets The NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon