Chapter II. Vacation?!!

190 4 0
                                    

CHAPTER II. VACATION?!!

Humiga na ako ulit sa kama.

Pero parang ayoko na matulog dahil baka managinip na naman ako.

Maya-maya, May kumatok sa kwarto ko.

"Ui, Papa!! Kayo pala. Gabi na ah. Namiss niyo ba ako agad?! Hehehe..." nagtataka ako sa aura ni Papa.

"Kamusta ka, iha? Sabi ni Yaya mo nahilo ka raw kanina sa school?"

"Ahh...hehe...Yun po ba ipinunta niyo dito? Don't worry Papa, your daughter is fine! Haha. Buti na lang hinatid ako ni Kevin kanina at nakatulog na din po ako." nagtataka pa din ako kay Papa.

"Okay. That's good!! Hahaha. Pero hindi iyon ang pinunta ko dito. It's about the news that I told you this morning." nakangiti si Papa. Parang may something sa mukha niya na gusto niyang sabihin.

"Oh... What's that, Pa?"

Parang nakadama ako ng excitement doon sa sinabi ni Papa. Anu kaya iyon?

"Do you remember Tito Edmund Montellano? Siya yung childhood bestfriend ko. Nandito sila noong burol ni Mama mo, siya yung laging nagbibigay sayo ng kendi, lagi ka rin niyang kinakarga noong bata ka pa."

Hayy naku Pa!! Four years old pa lang ako nun. Tingin niyo tanda ko pa yun? Pero teka, Parang naaalala ko nga siya. Hahaha. Sinabi niyo bang kendi?

"Uhmm...Yes, Papa!! I remember him. Why?" sagot ko sa kaniya na may halong pagtataka pa rin.

"Tumawag kasi siya sa akin kanina. Kakauwi lang nila galing States. Doon sila tutuloy sa bahay nila sa Zambales. Iniimbitahan nila tayong magbakasyon doon. Tapos bibili sila ng bahay na malapit dito sa atin."

"Wow!! Ayos ahh...Ang yaman naman nila...Haha!!" hmmm...anu kayang bakasyon yun??

"Of course! He's a genius professor, a doctor, and a businessman."

"Uhmm...Kelan naman po ba yung bakasyon? Don't say bukas na?!"

"Haha...Matagal pa naman, iha. Sa September pa. Inaayos pa kasi nila yung bahay nila doon."

Tumango na lang ako.

Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi. I love vacation! Gusto ko pumunta sa Zambales. Pero parang tingin ko boring ang isang ito. Parang may nagsasabi sa akin na hindi siya enjoyable. Hahaha...Ewan ko ba?!! Naisip ko lang kasi, anu gagawin ko dun sa bahay nina Tito Edmund? Eh hindi ko naman kilala ang mga tao dun. Buti sana kung may mga kaedad ako dun na kahit papaano makakabonding ko. Baka mamaya mabored lang ako dun. Hmmm...

"Wala po bang anak si Tito Edmund?" natanong ko lang. Nagbabakasakali.

"Ahh...ou nga pala. May dalawa siyang anak. Mga halos kaedad mo siguro. Isang babae at isang lalaki. Nakita mo na rin yata sila dati. Pwede mo silang kaibiganin. Siguradong magkakasundo kayo." nakangiti sa akin si Papa, sabay kindat.

"Ahh...buti naman! Makakahanap ako ng bagong friends dun."

May anak naman pala si Tito Edmund ehh...Pareho kaya kami nung girl na mahilig sa fashion?? Sana makasundo ko siya para marami kaming bonding, pati mga girl talks, sana maging bestfriends kami. Hahaha...yung guy naman, hmmm...gwapo kaya siya?!! Pasok kaya sa ideal guy ko?? Ayyy...kinikilig naman ako!! Hahahaha...pero hindi pwede!! Hindi ko ipagpapalit si Kevin my love!!♥ Siya lang ang mahal ko.

Hayy Allyson,, napaka-feelingera mo talaga!! Hahahaha. But I love it!! ♥

__________________________________________________________________♥♥♥

When Miss Fashionista Meets The NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon