Chapter IV. Reunion

174 3 1
                                    

CHAPTER IV. REUNION

Isang panibagong umaga...

Dali-dali na akong bumangon at naligo. Pagkatapos ay nag-ready na ako para sa trip namin ni Papa. Nagsuot ako ng sky blue na summer dress at white na doll shoes with matching hat and sunglasses pa. Siyempre! Kailangan ko din pumorma doon kahit papaano. Hahaha...anu ba 'yung pupuntahan namin? Resort?

Pero teka...Di ba ayoko ngang umalis?!! Hay ewan...basta parang nakadama ako ng excitement ngayon, hindi ko alam kung bakit.

"Good morning sa inyo!!" bati ko paglabas ng kwarto.

"Alice, kakaiba yata ang aura mo ngayon ah? Parang ang saya saya mo. Akala ko ba hindi ka excited?" nagulat si Yaya sa akin, pero natutuwa siya. 

"Haha...anu ka ba Yaya? Excited na nga po ako ehh... Si Papa po?"

"Si Papa mo nasa kwarto pa. Ang aga mo nga ehh. Naghahanda pa lang ako ng agahan."

"Hahaha. Ganun po ba? Sobra pala akong naexcite sa vacation namin." 

Maya-maya, lumabas na si Papa sa kwarto.

"Oh, iha! Ang aga mo naman yatang nakapag-ayos. Excited ka noh? Sabi na ehh. Hahaha!"

"Siyempre naman Pa! Ayos ba outfit ko?"

"Hmmm...Ayos 'yan ahh...Pupunta ka ba sa resort? O sa beach? Hahaha. Kulang na lang sampaguita, parang 'yung foreigner ka na."

"Hahaha! Si Papa talaga! Parang hindi na kayo nasanay sa akin!"

"Ikaw naman oh, ayos 'yan Alice! Matutuwa si Tito Edmund mo 'pag nakita ka niya."

Pagkakain namin ng breakfast, nilagay na namin 'yung mga gamit sa sasakyan. Hinanda ko na rin 'yung baon namin ni Papa.

Inihabilin na ni Papa kay Yaya 'yung bahay namin. Tapos, lumakad na kami.

Sa daan, para hindi ako mabored, nanunuod ako ng favorite movies ko sa tablet ko. Ka-text ko din si Dianne, kinukumusta ang trip namin ni Papa. Naku! Siguradong pasimple na naman 'tong babaeng 'to na nagtetext habang naglelesson sila. Nanghihingi ng pasalubong pag-uwi ko. Haha... Don't worry Dianne...pasasalubungan kita pag-uwi ko! Hahaha!! :D

Pagkatapos ng mga humigit-kumulang apat na oras ng byahe... Hindi ko namalayang nakatulog pala ako.

"Alice, gumising ka na. Nandito na tayo." nagising ako sa boses ni Papa.

Pagkagising ko, nagulat ako sa nakita ko.

Papasok kami sa malaking gate tapos dirediretso lang 'yung sasakayan namin...Grabe!! Ang laki naman nung garden nila!! Tapos may mga maids na sumalubong sa amin, tinulungan ibaba 'yung mga gamit namin.

Tinitigan ko 'yung bahay mula sa labas...Ayos lang naman 'yung laki niya, parang 'yung sa amin nga lang ehh. Pero andami niyang bintana...Hmmm...

Sa may pintuan, nakita ko 'yung isang lalaki naglalakad at sasalubungin kami ni Papa. Medyo bata pa siya, parang kaedad ni Papa, matangkad, maputi, at sa suot niya, halata talagang mayaman siya. Hmmm...siya na siguro si Tito Edmund... Ahh!! Oo!! Naaalala ko na nga siya!!

"Ronnel!! Mabuti at nandito na kayo. Siya na ba ang anak mo? Dalaga na ah." bati niya kay Papa.

"Hahaha...Ou, siya na nga. Ayos naman ang biyahe namin. Wala ka pa ring ipinagbago kaibigan!! Kumusta na kayo?"

"Mabuting mabuti...Hahaha. Halika nga, pumasok kayo sa loob ng bahay at doon tayo magkamustahan. Mahaba-habang kwentuhan ito. Gusto na din kayong makita nina Janeth at ng mga bata."

When Miss Fashionista Meets The NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon