After a week, nakalabas na sya sa hospital. Pero hanggang ngayon di ko parin alam ang pangalan ng babaeng to. Naiinis ako sa sarili ko kung bat ko pa kasi sya nasagasaan! Urgh.
Kinuha ko na yung mga gamit nya at nagbabayad na rin ng Hospital Bills. Buti nalang at may savings pa ako sa banko kung wala nako patay.
" Thank you pala ha. Ikaw na ang nagbayad ng bills. Well ikaw naman talaga dapat magbayad kasi ikaw naman nakasagasa sakin. Hays. Buti nalang at di pa ako namatay. Dahil pag nangyare yun mas malaki babayaran mo. " pang aasar nya sakin. Hindi ko nalang to sinumbatan at patuloy nalang sa pagdradrive
" San nga pala ang bahay nyo? Ihahatid nalang kita. Baka kasi mapaano ka pa sa pag uwi mo. Baka naman 10 Wheeler na ang makasagasa sayo. Hmmp! " kinindatan ko sya at nag evil smile ako. whahaha. Ang sarap mang asarrr! Haha
" Ewww! Kuyaaa kung makakindat ka naman para kang may sakit." tas nagdila sya. "Eh kung mamamatay man ako sa pag kakaaksidente, " huminto sya at napatingin sa labas ng bintana ng kotse. " Ikaw ang unang una kong mumultuhin. " nagsmirk sya at nagcrossed arms.
" Whatever. " inirapan ko sya at tumingin na sa harapan." Sya nga pala. saan na yung bahay nyo? "
Tinuro nya sakin yung direksyon at huminto kami sa isang barbequehan.
" Dito nalang ako. Lalakarin ko nalang. Wala ka rin naman kasing pagiikutan dun. Dead end kasi eh. Tyaka masyado na akong nakakaabala sayo. Hmm. Thanks pala ha. " nagsmile sya at naglakad na.
" Sige. Ingat nalang at baka mapaano ka ulit. Ingat ingat din kasi pag may time. Tandaan mo yung sinabi sayo ng Doctor. " Paalala ko sa kanya.
" Opo! Ikaw dapat mag ingat. Oh sya mauna na ako at baka hinahanap na ako ng Ate ko. Thank you ulit. " Tas nagwave sya. Pinaandar ko na ung kotse ko at umalis na.
Napansin kong may handbag na nasa inupuan nya kanina. Kinuha ko at bumaba na sa kotse. Pumunta na ako sa Room ko at naligo.
Pagkalabas ko sa bathroom..
Nakita kong nakaupo sa kama ko si Ate.
" Adam, where have you been? Hindi ka nanaman nagsabi sakin kung saan ka pupunta. Hindi ka man lang nag paalam kay Dad bago sya bumalik ng States. " sabi ni ate. Halos di na maipinta ang mukha nya sa sobrang pag aaalala.
" Nag punta lang ako kila Max. Nabobored kasi ako dito sa bahay. Mag memesage nalang ako kay Dad mamaya. Kakamustahin ko nalang. " Sabi ko kay ate habang nakatalikod sya at nagpupunas naman ako ng buhok.
" Akala ko kung meron ng nangyare sayo. Hay. Okay. Baba na ako ha. Sumunod ka nalang at magdidinner na tayo. " sabi nya habang palabas na ng kwarto ko.
Pagkatapos naming nagdinner, nagpunta na ako sa room ko at tinignan kung anong laman ng bag.
Nakakita ako ng ID, ballpen at notepad. Meron ding necklace na hugis pakpak ng angel.
" Sabrina Jazryl Lopez" so ito pala pangalan nya at 4th Year High School sa Clifford University pala sya nag aaral. Eh dun ako balak i enroll nila ate eh.
Hmm ang swerte ko naman talaga. Baka magka issue ako nito. Naknang! Sana sa Montgomery Highschool nalang ako in enroll. :3
BINABASA MO ANG
My First and Last <3 [ Adam Villafuente & Jazryl Lopez ]
RomanceHindi lahat ng Pag ibig ay parang Fairy Tale. Yung iba nasa paligid mo lang at bigla bigla nalang dadarating na parang Aksidente lang. May nga taong aksidenteng napasama sa kwento ng buhay mo. At minsan hindi mo namamalayan na mahal mo na pala yung...