First Stage : Denial

51 0 0
                                    

Jaz's P.O.V

*totototoooot* *alarm*

Waaaah! Umaga na pala. Kaylangan ko nang bumangon pero parang minamagnet ako ng kama at ayaw ata ako paalisin eh. Haha Kailangan pa ng PAYB MINITS na tulog.

*natulog ulit*

Pag kagising ko naman ngayon, kailangan na talagang bumangon. May mga kailangan pa akong gawin eh. Naglaba muna ako tas tinulungan ko naring naglinis ng bahay si Ate.

Sabado nga pala ngayon noh? Nako! May practice pala kami ngayon para dun sa project sa Mapeh. 

Naligo na ako at nagbihis. Nakapantalon lang ako at plain black shirt at converse. Ganun talaga. Dapat Simple para maganda. Hahaha

"Ate punta ako kila Alex ha. Magpapasama ako eh. May practice po kasi kami ngayon para sa Music Video namin. " sabi ko habang inaayos ang mga gamit sa bag ko.

" Oh sige. Basta itext mo ko kung ano man nangyayare ha. Ingat kayo. Wag ka magpapagabi Jaz. " sagot namam ni ate habang nanunuod sa TV.

" Opo ate. Hehe ingat din po kayo. " sabi ko sabay kiss sa cheeks nya.

Umalis na ako at nagpunta sa bahay nila Alex.

~ Sa Kwarto ni Alex

" Uy Bakla! Wala akong magustuhang isuot eh. Hahaha " sabi nya habang naghahalungkat sa cabinet nya. Habang ako naman nakahiga sa kama nya.

" Edi yung gown nalang ng ate mo! Aynakoo. Ang arte mo Bakla! Dalian mo na nga at baka hinahanap na ako ng mga kagrupo ko. Hahaha "

"Oo na po Madam. Haha saan ba kayo magkikita kita? " - Alex

" Sa school eh. Kaso pagkarating daw dun ih didiretsyo nalang sa bahay nila Adam. Baka daw kasi di tayo papasukin nung masungit na guard. Hahaha "

" Ay ganun? Eh di dapat pala talagang bongga ang outfit ko para naman sabihin nila eh ang ganda ng future wife ni Adam. " sabi nito habang tumatawa.

" Ambiii! :P Hahaha sige na dalian mo na dyan at lalarga na tayo. "

8 30 na ng matapos magpaganda si Manang Bakla. Hahaha nag tricycle na kaming pumunta sa school at pagkadating namin dun andun na nga si Sandra.

" Oh buti naman at andito na kayo. Hintayin nalang natin si Adam, nauna na kasi sila Paeng at Marcus sa bahay nila Adam. "

" Ah ganun ba. Sensya na ha. PaVIP kasi itong si Alex. hahaha "

" Oo na oo na. Hahaha oh andyan na pala si Adam eh. "

Nagpunta na kami sa bahay nila at sobrang laki ng bahay nila! Grabe parang mall na sa sobrang laki. Hahaha Parang Mansion na eh. Tas ang dami pa nilang kotse sa garahe nila. Sosyal diba?!! Ang yaman. Haha

Nagsimula na kami magpractice. Ang saklap lang dahil di talaga ako kumakanta eh. Bat ako pa ginawang Vocalist. Ngayon ko lang din narinig na kumanta si Adam. Whole package na nga talaga sya. Hahaha Gwapo, Mayaman, May Talent, pero sagad sa Yabang!

" Oh na lovestruck ka sakin noh?! " sabi nya sakin.

Di ko namalayang natulala pala ako sa kanya. Halaaa! Nako baka kung anong isipin ng kumag na ito! Di ko sya type noh! Sinabi ko ngang gwapo sya pero di ko sya gusto. Hmmpf! :P

" Ang kapal talaga ng mukha mo noh? Di ka na nahiya. Pinagmamasdan ko yang mukha mo kasi gusto ko pigisin eh! Tsss! "

" Owww? Inlove ka lang eh. Nagwagwapuhan ka sakin. Aminin mo naaa! :P " pang aasar pa nito saakin.

My First and Last <3 [ Adam Villafuente & Jazryl Lopez ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon