Home Sweet Home

56 0 0
                                    

Jaz's P.O.V.

Pag kauwi ko sa bahay nadatnan kong umiiyak si Ate Sam.

" Atee?! anong nangyare? " tanong ko habang nag aalala.

" Jaz!!!" sigaw nya habang tumatakbo palapit sakin. Niyakap nya ako ng mahigpit.

" Saan ka ba nagpupunta? Alam mo bang hindi ako nakakatulog sa gabi sa sobrang pag aalala sayo?!" sambit nya habang hawak ako sa at tinitignang mabuti.

" Sorry Ate. Okay naman ako Ate. Wag ka nang mag aalala okay? " pinunasan ko ang mga luha nya at nag kiss sa noo nya.

" Sobra akong nag aalala sayo. Akala ko iniwan mo na ako. Alam mo namang ikaw nalang ang tanging naiiwan sakin diba? At ayaw kong mawala ka pa! " Patuloy parin sya sa pag iyak. Hinaplos ko ang likod nya at niyakap sya.

Oo kami nalang ng Ate ko ang mag kasama. Iniwan kasi kami ni Mama simula nung iniwan sya ni Papa at sumama sa ibang babae. Sabi ni Papa dati magtratrabaho sya pero di na sya bumalik samin.

" Hindi kita iiwan ate. Tandaan mo yan ha? " inangat ko ang mukha nya mula sa pagkakayuko at niyakap ulit. "

" San ka ba kasi nagpunta? " pagtatakang tanong ni Ate habang nagpupunas ng luha.

" Uhmm.. Ahh kasi.. Ano.. " nako pag nalaman nyang naaksidente ako mas lalo syang mag aalala.  

" Binantayan ko po kasi si Alex sa Hospital. " Sorry Lord at ako'y nagsinungaling. hihihi

" Ahh ganun ba? Ano ba nangyare sa bestfriend mo? " muling nag alala si Ate.

" Ahh, nagkasakit kasi sya ate. " Sorry rin Alex nadamay ka pa. Hihi peace Bes! ^_^v

Kumain na kami at nalaman ko na hindi pala kumain si ate ng tatlong araw simula nung nahospital ako. Nako. Kasalan to nung.. Nung.. Nakabundol saakin eh! Leche yun!

" Ate matutulog na po ako ha. Pagod na pagod po kasi ako eh. Matulog na rin po kayo ate. Alam ko naman pong mas pagod kayo kesa sakin. Sige na ate ako nalang po maghuhugas dyan. " sabi ko kay ate at nakasmile sya.

" Oh sige. Ambait talaga ng kapatid ko. Matulog na ako ha. Goodnight Baby. " Kiniss nya ang noo ko at nagpunta na sa kwarto nya.

" Goodnight ate. Sleepwell. " sabi ko at niyakap sya.

Sunday pala bukas walang pasok pero may work pa ako. Hinahanap ko yung handbag ko pero di ko na alam kong saan ko nailagay. Sa sobrang pagod ko nakatulog na rin ako.

My First and Last <3 [ Adam Villafuente & Jazryl Lopez ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon