Little Chills

39 0 0
                                    

.

Jaz's P.O.V

Mondaaay nanaman! Parang nakakatamad pumasok pero kailangan. Ngayon kasi submission ng mga project namin. Buti nalang at natapos ko naman lahat ng requirements para this week magrereview nalang ako para sa Exam.

* Bell Ringing *

Nagpunta na kami sa Flagpole at nagline na. Kada Monday kasi dapat may Flag Ceremony. Maluwang naman tong school kaya kumasya naman kaming nga estudyante. Natural kaya nga University kasi maluwang diba?! Muntanga Jaz :3

Pagkatapos ng Flag Ceremony nagpunta na kami sa room at umupo na sa kanya kanyang upuan.

" Goodmorning Class " bati ni Maam Ferrer.

" Goodmorning Maam " bati naman namin pabalik.  

" Okay class. So our topic today is not really related to our lesson. Our topic is Coping With Heartbreaks. " Whaaat? Napa nga nga naman ako sa sinabi ni Maam. Wala pa akong karanasan sa hearthbreak eh. Oo NBSB ako. :P Sige andyan na ang pang aasar sakin ni Alex

"Aww. Kawawa ka naman Bes, OP ka nanaman! " sutil ni Alex at nagawa pang manghampas XD

"Hooo!" sigaw naman ng nga classmate namin habang nagtatawanan.

" Okay class. Quiet! May ibibigay akong test paper sainyo at sasagutan nyo yun. "

Binigay na ni Maam yung Test Paper at pinagpapawisan na ako. Sana naman di ito irerecord.

Tinignan ko na yung mga questions.. Haaa?! Ano ba naman tong mga tanong na to. Kailangan pa bang sagutin to. Napailing nalang ako at sinagutan ko yun. Pagtingin ko kay Alex tumayo na sya at ipinass yung papel. Si Adam naman parang naiiyak na bata. Hahaha bat nga ba ako titingin sa kumag na toh. Tss.

Recess na at halos wala akong ganang kumain. Tinatamad ako tas medyo nababadtrip. Ewan ba! :/

"Uy Bakla! Problema mo?"

" Wala naman Bakla. Bigla lang sumama pakiramdam ko. "

" Ah. Ipunta na kita sa clinic? "

" Hindi. Kaya ko pa naman eh. Ikaw talaga. Hahaha "

Vacant namin ngayon. Wala ginagawa kaya boring :/ Kaya napagisip namin ni Alex na pumunta sa Arcadia.

Naglaro kami ng naglaro. Ang dami ring estudyante doon kaso kami naka uniform pa eh. Nakita ko din dun sila Kumag at si Cliff at si Zac.

" Miss ang galing mo ah! Ako naman ang laruin mo siguradong mag i enjoy ka saakin. " sabi ng isang lalaki habang lumapit sakin. Mukha syang maniac na ewan kaya lumayo kami ni Alex.

Ilang minuto pa ay nasa likuran nanaman namin sya. Ano ba to!

" Manong, lumayo na nga kami sayo tas lalapit ka ulit? " sabi ni Alex habang nakapamaywang.

" Type ko kasi yang kasama mo eh. Gusto ko ako naman paglaruan nya. Hek! Gusto ko ako naman ang sakyan nya. Hek!" Ewww. Manyak nga talaga tong lalakeng to. Lasing ata to eh! Ang bastos!

" Kuya wala akong oras para sayo at tyaka pwede sa iba kana lang lumapit. " Sambit ko sa lalake.

" Ikaw ang gusto ko eh. Hek! " lumapit sya at hinila nya ako papunta sa kanya. Ewww ang baho ng hininga nya. Amoy alak. Helllpppp!

" Kuya bitawan mo sya! " Sambit ni Alex habang hinihila ako.

" Umalis ka nga dito! " sambit nung lalake tas tinulak si Alex. Naiiyak na ako sa sobrang takot.

" Ano ba bitawan mo nga sya! " sabi ng lalaki galing sa likuran ni Manong Manyak. Mukhang kilala ko kung kanino boses yun ah. Tama si Adam ngaaa! Tulong ulit Adam. :'(

" Wag kang makiki alam dito. " Sigaw ng lalaki habang hawak hawak parin ako.

" Wag kang bastos! Bitawan mo sya! " Ihinarap ni Adam yung lalake papunta sa direksyon nya. At pagkatapos ay sinuntok ito sa mukha.

Agad agad naman akong kumawala sa pagkakahawak saakin nung lalake. Lord tulungan nyo po kami!

Ilang minuto pa ay may dumating ng mga guards. Inawat silang dalawa at saka dinakip yung lalakeng bastos.

" Sa susunod kasi mag ingat kayo. Wag kayong makipag usap sa di nyo kilala" Sabi ni Adam habang pinupunasan ang dugo sa lapi nya.

" Pasensya na naabala ka nanaman namin. Napahamak ka pa tuloy. " sagot ko naman habang pinupunasan ang mga luha sa mukha ko.

" Ayos lang. Sa susunod talaga mag ingat na kayo. " sambit nya at pinulot ang kanyang bag at umalis na kasama sila Cliff ay Zac.

Bakit ako nakakadama ng kakaibang pakiramdam? Na parang biglang gumaan ang pakiramdam ko kay Adam.

" Bakla. Ayos ka lang? " sabi ni Alex habang hinahaplos ang likod ko.

" Oo naman Bakla. Natakot lang ako kanina. "

" Haay. Ang dami na talagang Bastos na tao ngayon. Tara na nga Bakla. Kain na tayo at gutom na ako. "

Kumain na kami at bumalik na kami ng School.  

Di ko parin malimutan nung ipinagtanggol ako kanina ni Adam dun sa lalakeng yun.

Adam's P.O.V.

Nasa Arcadia kaming tatlo nila Cliff at Zac. Ang ganda ng paglalaro namin ng bigla akong nakarinig ng sigawan kaya agad kami nagpunta kung saan me gulo.

Lintek yung lalakeng yun para bastusin si Sab ah.  

Umiiyak na si Sab kanina. Takot na takot siguro sya. Iba yung naramdaman ko. Feeling ko kailangan nya ng magtatanggol sa kanya. Ewan ko ba! Kung bakit ganito nalamg bigla naramdaman ko.

" Sa susunod kasi mag ingat kayo. Wag kayong makipag usap sa di nyo kilala" Sambit ko pagkatapos punasan ang dugo sakung labi.

" Pasensya na naabala ka nanaman namin. Napahamak ka pa tuloy. " sagot ko nya. Di parin sya tumitigil sa pag iyak.

Naawa ako bigla sa kanya.

" Ayos lang. Sa susunod talaga mag ingat na kayo. " Tumango nalang ako at umalis na kaming tatlo.

Sa School

Nagpunta na kaming tatlo sa basketball court at nagpractice ng ilang oras para sa gaganaping Intrams next next week.

Di na rin kami pumasok ngayong hapon. Sobrang nakakatamad kaya nag movie marathon nalang kami at nag food trip.

Pagkatapos ay nagpunta ako sa taas ng village. Dun maganda ang tanawin. Makikita mo ang buong village at pag hapon matatanaw mo ang sunset.

" Mahal pa din kita Aliza! " sigaw ko habang umiiyak.

Masakit pa din hanggang ngayon. Lahat ng nangyare di maalis sa isip ko. Lahat tandang tanda ko pa.

Pero bat ngayon parang unti unti ko nalang din nalilimutan ang nakaraan at parang gumagaan ang pakiramdam ko kay Sab. Na parang kailangan ko syang protektahan. Tsss.

Umuwi na ako at nagpahinga. Nakakapagod tong araw na to. Parang ang daming nangyare. I need some rest. Sobrang malusog na ang eyebags ko. Kakasira ng kagwapuhan. Hahaha.

My First and Last <3 [ Adam Villafuente & Jazryl Lopez ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon