New School Crush

57 2 0
                                    

Jaz's P.O.V.

*riiiiingg! *

Nagtatakbuhan, Nagkakagulo at Maingay sa Hallway twing ganito ang eksena. Halaaa? Late nanaman ako. At siguradong yawyaw nanaman ang abot ko sa mga teachers neto.

Pagkapasok ko sa room namin, ang ingay ng mga classmate ko. Awww! Kakabasag eardrum!

" Hoy Bakla! San ka nagbakasyon at ngayon ka lang nagpakita?! " namiss ko tong besfriend ko. Yung paglalait lait nya sakin. sheyt kakamiss talaga. Hahaha

" Haha! Baliw ka talaga! Na hospital ako pero di alam ni Ate. Ikaw pa nga ginawa kong dahilan para hindi ko sabihin kay Ate na naaksidente ako. " Haha tas nag peace sign ako kay Alex.

" Langya ka talagang Bakla ka! Wag mokong idamay pleasee! May pamilya pa ako. Hahaha" tas Binatukan ba naman ako! >_< Aww nahihilo tuloy ako.

" Loko to! Tumama ulo ko sa kotse tas binabatokan mo lng ako?! >3<" sabay pouty lips kunware. ;)

" Aynaaa! Ang drama mo! Haha oh sya ano nga bang nangyare sayo? Nag alala ako sayo noh! Buti nalang pala at hindi ako pumunta sa bahay nyo kundi lagot ka kay Ate mo." nakapamaywang sya at nagtaas ng kilay. Haha pinapanindigan ang pagiging bakla teh?! Haha

" Nabundol nga kasi akooow! " sabi ko habang hinihimas yung ulo ko. " Buti nalang at hindi ako tinakasan nung nakabundol sakin noh! " sabi ko habang kinukuha yung libro ko sa bag.

" Ay taraaay! " sinabi nya sa tapat ng tenga ko. >_< araaaayy! Ang sakit sa tenga. Promise! At gustong gusto pa atang nabundol ako? Hahaha langya.

" Langya ka Alex! Pwede namang sabihin ng mahina ang boses diba? Para kang nakalunok ng Megaphone eh! Nakakarindi! Urgh! "

" Haha taray Teh! Buti naman at di ka pa kinukuha ni Lord. Hahaha " pang aasar neto sakin.

" Baliw ka talaga! Haha mas mauuna ka pa no! :P " sambit ko dito.

" Haynako di ah! Mapapangasawa ko pa si Justin Beiber bago ako dedo noh! " Tas nag crossed arms at inirapan ako. Hahaha nako tong baklang to talaga.

" Haba ng haiirr! :D hair sa ilong. :P " dinilatan ko sya at sabing " Napakaillusyunada mo Bakla! Eh parehas naman kayong bakla nung Beiber na yun. hahaha" Pang aasar ko pa ulit sakanya.

Bago pa sya nakapagsalita ay pumasok na si Maam sa room namin. First Subject namin ay English. Favorite subject ko. Kaso NakakaNosebleed. Haha joke ^_^

" Goodmorning Class! " bati ni Maam Ferrer. Siya yung Favortie Teacher ko. Nakakapag open kasi ako sakanya. And she treats me like her sister. Ohaaa! English pa para sosyal. Haha

"Goodmorning Maam Ferrer! " Bati rin namin at umupo na.

"So class you have a new classmate from USA. " sambit ni Maam habang si Alex naman di mapakali na parang bulating inasinan.

"Oi Bakla. Sana gwapo naman na yang bagong classmate natin" bulong ni Alex.

" Para landiin mo nanaman? haha " bulong ko pabalik

" Oo naa. Hindi ka pa nasanay. " tumatawa sya nang mahina at bumalik na sa kinauupuan.

" Class meet Adam Blaise Villafuente. "

"Whaaaat?! "napalakas kong sabi. nashock ako sa sinabi ni Maam. At lahat ng classmate ko ay nakatingin sakin.

" Yes Jaz? Is there any problem? " tanong ni Maam

"Uhmm None Maam. " sagot ko at tumahimik na lang.

" Omg he's so cuteee! " classmate 

" New Campus Crussssh! " sabi pa ng iba naming classmate na nagtitilian.

"He's mine! " sambit pa ng iba naming mga kaklase habang pinagtitinginan sya.

"Okay so Adam you can sit beside Ms. Lopez. " habang naglalalad sya palapit sa uupuan nya bumibilis ang tibok ng puso ko.

"Oi Bakla! anong problema? " pabulong na tanong ni Alex.

"Basta. Ikwento ko nalang bukas. " sagot ko

Tapos na ang 2 subjects namin kaya recess na.

Patayo na ako ng..

"Di ko aakalaing magiging magclassmate pa tayo. " sabi ni Adam at nag sarcastic smile. 

"Ay hindi hindi. Stalker ka siguro. Bat pala dito ka nag aaral? " tanong ko

" Kasi hindi doon. Tss. Sige mauna na ako. "

"Gege. Ingat lang baka may mabundol ka ulit. " pabiro kong sabi

"Tss loko. " nagsmirk lang sya at umalis na.

Uwian na namin. Hinihintay ko nalang si Alex na nagbihis. Kakatapos lang kasi ng practice nila sa sayaw habang ako naman galing lang sa volleyball team namin kanina.

" Bakla! Uwi na tayo! Pagod ako grabe. " sabi ni Alex habang hinahaplos ang hita nya.

" Pagod na pagod nga rin ako eh. Tara sabay na tayong umuwi."

"Tara. Libre mo naman ako ng barbeque ha. Pangpawala lang ng pagod. Haha" nako nagawa pang magpalibre. Hahaha

" Haha ikaw talaga! " sabay pisil ko sa ilong nya. "Style mo talaga bulok. Hahaha"

Kumain kami ng ulo ng manok at isaw. Paborito ni Bakla eh. Haha

" Oh sya bes, thank you libre ha. Yung kwento mo aasahan ko yan bukas! Wag kang makakalimot ha. Hahaha " sabi nito habang lumalakad papunta sa direksyon ng kanilang bahay

"Haha oo na! sige na lumarga ka na at baka reypin ka pa sa daan. " Biro ko sa kanya.

" Hahaha aynako Bakla. Gusto ko yan. Hahaha joke! sige mauna na ako. "

Pagkauwi ko sa bahay kumain na kami ni Ate at ginawa ko na rin ang mga homeworks ko. So sobrang pagod ko natulugan ko na yung pinapanuod ko. ^_^

My First and Last &lt;3 [ Adam Villafuente & Jazryl Lopez ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon