WARlalu :D

39 0 0
                                    

Jaz's P.O.V.

Its a new dawn, its a new day, Its a new liiiifeeeee! Forrr Meeeeeee! :D

Goodmorning Ebrebadeh! :D Ganda ng gising eh! Akalain mo ba namang 9 eh tulog na ako sa sobrang pagod. Haha! Pagkabangon ko ay agad na ako nagtungo sa kusina at kumain ng almusal. Naligo na rin ako at nagbihis. Ready na pumasok sa School! :D

" Ate ingat ka po dun sa pupuntahan mong seminar ha. Itext nyo po ako kung kamusta na kayo o kung ano ng nangyayare. " Sabi ko habang niyayakap sya

" Oo naman Baby. Ikaw din mag ingat ka dito lalo na at wala ako ng ilang linggo ha? "

"Opo ate. Oh siya Ate mauuna na po ako at baka hinahanap na po nila ako sa School. "

"Oh sige. Ingat Baby. " Sabi ni Ate habang kinikiss ang noo ko.

~ Sa School

"Omaygawd Bakla!!! Next Month na yung Christmas Parteeeyy! Excited na akooo! :D" bungad ni Alex pagkatapos akong hampasin.

" Wo so kung excited ka kailangan mong manghampas? " sabi ko nang paokray. Haha

" Oo kasi andun yung thrill. Hahaha! Gusto mo isa pa? " sabi nito habang nakataas ang kilay.

" Hindi ah! Hahaha sige na panalo ka na. haha!"

Matapos ang klase namin nagpunta na kami sa Mall. Mag WindowShopping o kaya mag Arcade nalang. Hindi pa kami kumakain ni Alex kaya napag isipan na naming kumain sa isang restaurant dun.

" Oh Bakla ano hindi pa ba tayo punta ng school? Late na tayo oh! Magagalit si Maam Luciana. Alam mo naman yun baka masabon nanaman tayo. Haha"

"Oh sige tayo na. Magbayad lang muna ako. "

Pagkatapos naming makapagbayad sumakay na kami ng jeep para mabilis na makadating sa School.

Pagkababa namin ng jeep napansin namin na ang daming tao sa Campus gate. Nagtaka kami kung anong meron..

"Oii Bakla ano meron?" tanong ko habang nakanuot ang noo.

" Ewan ko din eh, tara makichismis tayo." sagot ni Alex habang hinihila ako.

Laking gulat namin nung nakita namin si Adam na napaupo sa lupa.

"Shit Bakla si Adam ba yun?" sabi ko kay Alex.

" OO Bakla sya nga!!! Ano nangyayare?!!!" nanglalaki mata na parang kwago  XD like this ---> O.O

Sigaw ni Adam:

" Tarantado ka Lance! Pagkatapos mo akong trahidorin pati grilfriend ko pala sinulot mo! Gago ka!" sabi ni Adam habang nangigigil na parang gustong pumatay ng tao. Nanlilisik ang mga mata at halos magkasalubong na ang mga kilay. 

"Ano ba problema mo Adam?! Hindi ka parin ba talaga maka move on? Simula palang ayaw na sayo ni Aliza!" sumbat naman ng lalaking kaaway ni Adam. 

~ uhmm, Aliza, sya siguro yung Ex ni Adam. Kawawang kumag. :3

"Trahidor ka!!!" sigaw ni Adam habang patakbong susugod sa lalaking kaaway niya.

*Prrrrrt* *Prrrrt*

(sorry sa sound effects. Lol! XD) 

"What's happening here Mr. Villafuente?!"

"Maam ." hindi na natuloy ni Adam ang sasabihin nya.

"I need to see the both of you in my office immediately!" 

Nakayukong sumunod ang dalawang lalaking nagtatalo. Awat awat naman sila ng guard namin :)

Adam's P.O.V.

*Principal's Office *

" Now, explain me what happened.." umpisa ng Principal namin. Pwede bang wag nalang tong pag usapan?! Sapakan nalang kami ng hayop na to! >_< :@

" Maam he started it." sabi ng Hayop na tarantadong katapat ko. 

"Kasalanan ko pa?! Eh ikaw ang nauna?! Gago ka rin talaga noh?! " sumbat ko at muntikan ko ng sugurin ulit si Lance.

"Calm down Mr. Villafuente!" Sigaw ng Principal " And who are you?" tanong nya kay Lance

" Lance Reyes po."

" Studyante ka ba dito?"

"No Maam."

" Kung ganun eh bakit ka andito? Hindi mo ba alam na hindi pwede ang outsider dito?" sabi ng Principal habang naka cross arms. " I need to see your parents tomorrow." habang tinuturo kami ni Lance.

Lumabas na ako at nagpunta sa room. Nag iba ang simoy ng hangin pagkapasok ko. Halos lahat sila nakatingin saakin.

"May problema ba kayo?" tanong ko sa kanila

Walang sumagot at kunware may sarili silang mundo at kung ano ano ginagawa. Di na pala nagklase si Maam Luciana.. Buti naman. 

 Jaz's P.O.V.

Umuwi na kami ni Alex ng maaga ngayon, wala naman na kami subject. Pinaglinis lang kami ng room at uwian na. Bumili muna kami ng maiinom ni Alex bago kami umuwi, nakakauhaw kasing maglinis lalo na at parang dinaanan ng bagyo yung room namin.

"Grabe talaga yung away ni Adam at nung lalaki kanina no Bes? " Sabi ni Alex.

" Oo nga eh. Hindi ko aakalaing ganun pala sya magalit. Nakakatakot Bes."

" Cute parin naman sya kahit galit eh " - Alex

"Anong cute? Halos yung mukha nya nga eh parang gustong pumatay tas cute pa?"

"Ganun talaga Bes."

"Oo na dyan kahit hindi."

"Talaga. Uy bes sa bahay ka muna uuwi diba?"

"Mamaya pa yun syempre kukuha muna ako ng damit."

"Ah sabi ko nga din. Samahan na kita."

"Sige ikaw bahala."

Nakarating na kami sa bahay, nagpahinga ng kaunti at kumuha ng damit. Pagkatapos nun ay pumunta naman kami sa bahay nila Alex. Dala dala ko yung bike ko syempre pati rin sya dala nya bike nya. 

"Oh bes ready ka na ba? " nakangiting tanong ni Alex.

" Oo naman. San ba tayo pupunta? " 

" Basta. Tara na!"

Nagbike na kami paikot ikot sa subdivision at ng makarating kami..

"WOOOOOW! Ang ganda naman dito!" Napakaganda ng view, malamig ang simoy ng hangin at kitang kita mo ang buong village.. Ang ganda ring pagmasdam dito ng Sunset! Wow Talaga! Wala na ako masabi! :D <3.<3

"Oh diba? Sabi ko naman sayo eh maganda dito!"

" Oo na. Panoo mo nga pala to natuklasan aber?" 

"Ah eh, tinuro lang to sakin nila Ate nung sinama nila ako kasama mga barkada nya."

"Ohh ganun ba. Bes ang ganda talaga dito! Ang ganda ng sunset oh!"

"Ano ka ba naman Bes, syempre mas maganda naman ako. "

"Alam mo bes yang mukha mo parang sinag ng araw.." Sabi ko habang nakangiti. 

"Ahh alam ko na yan! Kasi maganda akong tignan?" sambit nito habang nakangiti

"Nako hindi ah! Kasi di kita mapagmasadan eh! HAHAHAHAHA!" Tawa lang kami ng tawa at hinampas pa nya ako. HAHAHA XD

Mag gagabi na at umuwi na kami ni Alex. Masaya talaga ako ngayong araw na ito. Pero di ko parin talaga makalimutan si Adam kanina. 

Pag katapos naming kumain, naghugas kami ng pingggan ni Alex. Pagkatapos ay sinamahan ko rin syang mag ayos ng paghihigaan namin. Oh baka ano naman maisip nyo ha :P syempre magkaiba kami ng kama ni Alex. Kahit na bakla yun Lalake parin sya. Pero May TIWALA ako sa Bestfriend ko syempre. :)

 Hello guys! :) Sorry po sa mali maling pagkakatype ng ibang words ha, tab lang kasi gamit ko nun eh. Pasensya na rin ngayon lang ako nakapag update. :) Godbless youuuu :* 

My First and Last &lt;3 [ Adam Villafuente & Jazryl Lopez ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon