Unexpected

40 1 0
                                    

Jaz's P.O.V.

Now is the day.. 

YEHEY! Christmas Party na at pagkatapos neto Christmas vacation naman. Yes! Sa wakas makakapagpahinga rin ako ng matagal, na walang iniisip na quiz, exams or passing ng requirements. 

7 Am na, may 1 and a half hour pa ako para makapagprepare ng sarili ko. Bumangon na ako sa pagkakahiga ko sa kama at lumabas na ng kwarto. Bumaba na ako at nagtungo sa kusina. 

" Goodmorning Jaz" nakangiting pagbati saakin ni ate habang inilalagay sa plato yung niluluto nyang pancake.

" Goodmorning din po ate. " bati ko din sa kanya pagkatapos ay umupo kaming dalawa sa upuan at kumain na ng pancake.

"Excited ka siguro para sa last Christmas party nyo sa highschool noh? " Tanong ni ate pagkatapos ay sumubo ng pancake.

 Halos di ako makapaniwala na ito na pala yung last, gragraduate na kami at magkakawatak watak. Hays. May 3 months pa na mamakasama ko sila kaya susulitin ko yung three months na yun :)

" Hindi ko nga po aakalain na ito na po yung last na Christmas Party namin sa highschool. " Napangiti ako at the same time nalungkot din. 

" Ayos ka lang ba? " tanong ni ate na may halong pagaalala sa kanyang mukha.

Napatigil ako at napangiti kay ate, " Opo naman ate. "

" Okay good. Sige na mag ready ka na at ako na ang bahala dito. " sambit ni ate habang kinukuha ang mga plato sa lamesa. 

" Sige po ate. Thank you po. "

Naligo na ako at habang nakasuot ng robe ay blinower ko muna yung buhok ko para agad na matuyo. After 10 minutes, kinuha ko yung curler na binigay saakin ni Ate noong nakaraang birthday ko. Pagkatapos ay nagpatulong akong ipacurl yung buhok ko sa kanya. Kasi nga dito ko na abot  XD kung pwede lang irotate yung ulo ko ng 360 degrees eh! Haha

Well duh?! Bawal bang maging maganda kahit ngayon lang?! HAHAHA! Ngayon nga lang ako mag eeffort na magpaganda eh. Ngayon lang to. Honesto, P R O M I S E! :D

" Ang ganda ganda mo Jaz. " Sambit ni Ate habang nakingiti at inilagay ang mga buhok ko na sa likod ng tenga ko. 

"Salamat ate. " sagot ko at ngumiti sa kanya pabalik.

Pagkatapos ay isinuot ko na ang dress na bigay ulit saakin ni Ate nung nakaraang araw. Sabi nya ito daw ang isuot ko ngayon kaya sinunod ko sya. ^______^

Pagkatapos kung mag ayos inilagay ko na yung cellphone at wallet ko sa purse at kinuha ko na yung ireregalo ko kay Aubrey. May gamit nga kasi kaming codename pero yung kanya sobrang halata. " mygirlaubs "  ang gamit nyang codename kaya nalaman ko ding sya yun. Taray diba? HAHAHA

Sa Classroom 

" Nakita mo ba si Jazryl? " tapik sakin ni Alex habang ako nakatalikod.

" Shunga bes ako to. " Sabi ko habang pinipigilang tumawa.

Nanlaki naman mga mata nya ng makita ako. Weh ano ako multo? HAHAHA! Ngayon lang kasi nila ako nakitang nag ayos. Haaays 

" Ikaw ba talaga yan?! " sigaw ni Alex na parang di naniniwala. HAHAHA! Loko loko lang ano?

" Oo nga. Oh sige kunware hindi ako si Jazryl kunware ikaw nalang ako. " pabirong sabi ko kay Alex na parang naninibago sa itsura ko. 

" UYY Bes! Bagay mo yang dress at hair mo! " sambit neto habang sumusubo ng ice cream. " Hoy mga Classmate tignan nyo si Jaz oh! " Sambit ni Alex. Wala akong nagawa kundi tumawa. Naflaflarred ako :"""">  Staph it!  HAHAHA 

My First and Last <3 [ Adam Villafuente & Jazryl Lopez ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon