Chapter 1

5.9K 45 6
                                    

Keavy's POV

Hindi maipinta ang pagmumukha ko habang inuutusan ni A.J. Ito tuloy ang napala ko sa pakikipagpustahan .Paano ba naman kasi napakataas ng self-confidence kung mananalo ang Miami Heat. At yun nga, ang kinalabasan kulelat ako. Ang kabayaran kailangan kong makabingwit ng customer para sa mga bagong gadgets na pinopromote niya. Ang masaklap siya ang namimili ng magiging customers ko.

"Hindi ba pwedeng kung sino-sino nalang ang lapitan ko?" walang ganang suhestiyon ko sa kanya.

"No dear baka kung sino-sino lang e aaproach mo. Wala akong tiwala dyan sa taste mo. At tsaka wag ka ngang umangal diyan wala naman kasing binatbat yong Miami Heat mo lalo na yong idol mong si Lebron James" Pang -aasar niya sa akin.

Lalo lang akong naiinis sa pinagsasabi ng kumag na to. Ang pinakaayaw ko pa naman sa lahat ay yong nilalait ang pinakamamahal kong si Lebron James .Ewan ko ba kahit negro yon hindi lang simpleng paghanga bilang magaling na basketbal player ang nararamdaman ko para sa idol ko. Kapag yon talaga nanligaw sa akin sasagutin ko. Hahahaha. Ambisyosang palaka lang ang peg ko.

" Yon Oh kita mu?" Sabay turo sa isang dalaga na nakatayo sa may di kalayuan sa amin.

Agad ko namang tiningnan ang tinuturo ni A.J. Nakakainis dahil parang magpapa cute lang naman ang lokong to sa babaeng tinuturo nito. Napaka playboy pa naman nito. Ginawa pa akong bugaw. Yun ba ang tamang term dun? ah ewan nakakaiinis ang manyak na to. Magaling talaga siyang pumili ng mga babae.

Medyo malapit lang naman ang babae sa puwesto namin kaya't kitang-kita ko kung gaano ito kaganda. She's beyond beautiful. Mukhang latina beauty, matangkad nasa mga 5'8" o lagpas ang height nito. Bagay na bagay ang suot nitong maikling shorts na pinaresan ng long sleeve na puti. Bagsak na bagsak ang hair parang model lang ng shampoo. Sa madaling salita pang Hollywood ang beauty niya. Nag alangan tuloy akong lumapit baka kasi mag mukha lang jolalay ang beauty ko.

"Ano pang hinihintay mo lapitan mo na at dalhin mo sya sa akin ng buong-buo. At tsaka don mo isisi sa mahal mong Lebron James ang sitwasyon mo ngayon.Wag kang mag alala pag ako naman natalo ikukuha din kita ng gaya ni Lebron James. Kahit limang Lebron James kaya kitang ikuha". Tsaka humahalakhak ng nakakaloko.

Wala ng nagawa ang beauty ko .Inis na inis ako kay AJ. Kung makapanglait akala mo kung sinong magaling. Ni hindi nga niya kayang umiskor ng sampu.Palapit na ako ng palapit sa babae. Hindi ko alam kung paano ito e aaproach lalo na at wala ako sa mood makipag usap.

"Ale puwede po ba kayong maisturbo saglit?" Wala sa loob kong tanong dito.

Hayon biglang kumunot ang noo nang babae pagkabigkas ko sa salitang ale. Gustohin ko mang bawiin ang nasabi ko pero parang huli na ang lahat. Kaya't tinuloy tuloy ko nalang.

Ano ba to bakit ale ang nasabi ko? Wala na akong nagawa kundi ang umaktong parang wala lang. Pakapalan na ng mukha to. Hindi naman siguro niya ko ipapapulis dahil lang sa natawag siyang ale .Gustuhin ko mang ngumiti at humingi ng pasensya eh hindi ko rin magawa.Wala ako sa mood. Nangingibabaw talaga ang inis na nararamdaman ko sa ngayon kayat nilakasan ko nalang ang aking kalooban para mapilit siya.

"Maam ok lang ba?" Don lang oh. Baka kasi may magustuhan kang gadgets."

Nakakailang at nakakairita ang mga tinging ipinukol niya sa akin. Ano ba yan? Bat nakakatitig lang sya sa akin. Balak ba niya akong tadyakan dahil sa nasabi ko kanina? Shuntukin ko nalang kaya bago pa ako maunahan.

"Ilan ang gusto mong bilhin ko?" nakakalokong tanong niya sa akin.

Wow ha hindi masyadong mayabang si ate. Pag sinabi ko bang bilhin niya lahat. Bibilhin niya? Well nasa aura naman niya ang pagiging mayaman.

That Somebody is Me (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon