Keavy
Panay ang silip ko sa aking relo habang hinihintay si A.J. Ang walang hiyang hinayupak na lalaking yon. Nagawa akong paghintayin ng isang oras. Anong akala niya sa akin? Time keeper? Lagot talaga siya sa akin mamaya. Napaka boring pa naman ng coffee shop na ito. Wala man lang wifi. Ang mamahal pa ng mga kape. Kung alam ko lang na dito siya makikipagkita sa akin. Eh di sana nagbaon na lang ako ng maiinum. Marami pa naman sanang Chockquik sa bahay. Jusko! Nakakahiya naman sa ibang customer na kararating pa lang eh may tinutungga na agad. Samantalang ako? Heto, naka nga-nga lang habang pa simple-simpleng tinitingnan ang ibang andito. Nagbabasakaling may kakilala akong naligaw sa lugar na to.At ng maka libre naman ng kape ang show ko. Haist! Mukhang mapipilitan akong umorder nalang dahil lahat ng andito eh mga alien. Wala akong kilala o kahit pamilyar man lang na hitsura. Bago pa magbago ang isip ko. Tumayo na ako at tinungu ang counter.
"Miss?"
"Yes maam? Ano pong order niyo?" nakangiting tanong nito sa akin
"Cold Caffè Macchiato." Nakangiti ring sagot ko. Pero ang totoo naghihimagsik ang kalooban ko. Dahil umaasa akong malilibre ako sa araw na to.
Pagkatapos kong masabi ang order ko. Bumalik na rin ako sa aking pwesto.
Makalipas ang ilang sandaling paghihintay.
"Here's your order maam." Anas ang waiter sa akin.
"Thank you."
Biglang pumasok sa isipan ko si Sheridan nang sinimulan ko ng inumin ang inorder kong Cold Caffè Macchiato. Nasaan kaya ang babaeng yun ngayon? Hindi parin kasi siya tumatawag at nag text sa akin. At ni hindi man lang ako pinuntahan sa office kanina. Dati-rati natutuwa naman akong hindi siya nagpaparamdam. At wala akong pakialam Pero ngayon parang may kakaiba. Well, hindi naman sa may paki na ako ngayon. More of pagtataka lang siguro dahil first time niyang hindi magpaalam sa akin. Tumatawag kasi yun pag hindi niya ako napupuntahan sa office. Bakit kaya? Haist hindi ko talaga alam. Hmmmp!
"Can I join you?"
Awtomatikong napatingin ako sa nagmamay-ari ng boses. Parang gusto ko tuloy kumaripas ng takbo ng makilala ko kung sino ang nakatayo sa harapan ko ngayon. Naman! Bakit sa lahat ng pwede kong ma meet sa araw na ito. Bakit ang lalaking ito pa? Shit! Pinagpawisan tuloy ako ng malamig. I feel like my sweat started dripping down my face. Parang biglang nabalutan ng masamang enerhiya ang buong paligid. Hindi naman halimaw ang taong to para makaramdam ako ng ganito. Sa totoo nga niyan, isa siya sa pinakagwapong lalaking nakilala ko.
"Sure." Sabi ko ng makabawi sa pagkabigla.
Pinilit kong pinakalma ang aking saril mula sa matinding nerbiyos na umaalipin sa buo kong sistema. Sa halip ibinaling ko nalang ang aking atensyon sa napakagwapo niyang mukha.
Trap Cazerez is tall. I think nasa mga 5'11" pataas ang height niya. He has short straight brown hair that makes him exuding with sense of boyish charm. Napaka kisig nitong tingnan sa suot nitong black business suit na pinailaliman ng white long sleeve. In short a very elegant and well-dressed man. Balut na balut man katawan nito dahil sa kanyang suot. Hindi parin maikakaila na napakaganda ng pangangatawan nito dahil sa taglay nitong malapad na balikat.
He reminds me a lot of Sheridan. The boy version of her. Parehas kasi silang may prominenteng matatangos na ilong. Medyo may pagka square yung jaw line nila. Mas malaki pa nga similarities nilang dalawa. Mula physical appearance hanggang ugali, kumpara sa ibang mga Cazerez na namet ko na. Parehong aroganti yung dating. Bilang yung mga kilos. Mga pasimpleng maangas at mayabang ika nga.
"Caffè Macchiato. Sheridan's favorite." Matiim niyang titig sa iniinum ko.
"I see. Favorite niya pala to." sabi kong may kasamang tango. Actually hindi naman nabanggit ni Sheriadan na favorite niya to. Sa pagkakatanda ko, ito ang madalas niyang ine order. Sa tuwing nagagawi kami sa ganitong lugar. Kaya nga nahawa na rin ako dahil masarap naman itong Caffè Macchiato. May kamahalan nga lang.
![](https://img.wattpad.com/cover/9742882-288-k115920.jpg)
BINABASA MO ANG
That Somebody is Me (girlxgirl)
RomanceSheridan was pretty damn sure that she wasn't a lesbian but she also knew that every time she looked at Keavy she wasn't straight. She was still afraid to act on her feelings for her because of the risk. She really wants to come out into the close...