Chapter 21

926 18 14
                                    

Keavy

Bored na nakamasid lang ako kay Mike habang inis na inis nitong pinagpapalo ang mga bolang nagkalat sa sahig. Obvious naman kasing wala ito sa mood mula ng dumating kami dito sa gym. Kulang nalang magsisigaw ito at magwala.

"Bwesit yung pusa ng kapit-bahay namin kinain yung ulam ko. Mahuli ko lang yun gagawin ko siyang kalderetang pusa." Inis na turan nito habang walang sawang pinagdikistahan ang kawawang mga bola.

"Sa karenderya pwede na half rice." Suhestiyon ko sa kanya.

"Magkano na ba kilo ng bigas ngayon?" tanong niya.

Maldito ang brusko! Saan kaya ito kumuha ng lakas ng loob para irapan ang show ko. Gayung sa akin naman siya nangalap ng impormasyon.

"Sa kapitbahay namin singkwente may libre ng galunggong." taas kilay ko namang ganti sa kanya.

"Meem kahit siguro e buy 1 take 1 natin yang utak mo. Sa tingin ko wala paring bibili." Pamimikon niya sa akin.

"Ah talaga? Sayo nga kahit ipa bargain pa natin walang papatol." Nakapemawang ko namang banat.

Sasagot pa sana ito ng wala sa loob na bigla akong napadikit sa kanya ng mahagilap ng dalawa kong mata si Mr. Manyaka kasama si Sheridan. Kaya't awtomatikong napayakap ako kay Mike. Para maitago ang mukha ko sa dalawang taong pinagtataguan ko sa araw na ito. Mukhang tinutungo nila ang direksiyon nina Lindsay na busy sa kakapraktis.

"Meem alam ko namang wala kang ka churvahan sa ngayon. My thoughts and prayers goes out to you. Pero ang futek wag ako. You're not even my type." Sabi nito sabay pabirong itinulak ako palayo sa kanya.

"Mike salamat sa pakikiramay mo pero hindi kita papatulan kahit mahohorny pa ako." Bulong ko sa kanya habang pilit ko siyang pinalalakad paatras." Si Manyaka andito. Absent pa naman ako kanina."

"Oo nga meem. Pero nakita ka na ni Sheridan. Sana wag ka niyang ituro." Sabi nitong patuloy lang sa pag-atras.

"Galit ba siya?" curious kong tanong sa kanya. Mula kasi noong huwebes eh hindi pa siya tumawag o nag text man lang. Marahil sinusulit niya ang tatlong araw na bakasyon kasama ang mga kapatid at kaibigan niya. Eh ano naman kung galit siya sa akin? May paki ba ako? Syempre wala. Nag-eenjoy nga akong masydo nong mga panahon na yun. Ang masaklap lang tuluyan na akong nilagnat dahil yata sa encounter namin ng kapatid niyang si Trap.

"Abay malaybalay ko. Alam mo naman yun galit o hindi eh parang laging galit."

"Huh?" sabi kong naguguluhan sa sagot niya. Ang gulo lang.

"I mean laging snob mode. Gusto mo tanungin ko?"

Sa halip na sumagot pa mas pinili kong kumalas na sa kanya at hinila siya papuntang exit. Itetext ko nalang si Lindsay para suyuin siyang magligpit sa mga bolang nagkalat.

Tulad ng dating gawi. Sa canteen ang naging distinasyon namin. Agad nahagilap ng mapupungay kong mga mata sina Tam, Karl at Layzhi. Abala sa pagtetext si Meem kaya't medyo nagulat pa ito ng mapansin kami.

"So bakit kayo nandito?" Inis na tanong nito. "Magpapalibre na naman ba kayo? Wala akong pera."

"Wow mem ikaw na." Tanging na sambit ko nalang.

"Walang pinipiling edad, kasarian at estado sa buhay ang pagka-katol. Parang awa gamitin po ang katol sa lamok ng mapuksa ang dengue. Huwag mong singhutin Layzh." anas naman ni Mike sabay upo sa ibabaw ng table namin.

Ilang segundo rin ang lumipas bago sumagot si Layzhi. Mukha kasing may ibang bagay na gumugulo sa isipan nito. Well knowing her for almost 10 years. Hindi ito yung type na mahilig magdrama sa harapan namin para pag-usapan ang problema nito. Maliban nalang sa mga kalukuhan nito. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nito.

That Somebody is Me (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon