Chapter 6

1.4K 28 3
                                    

Sheridan

Parang hindi na talaga normal tong nararamdaman ko para sa babaeng ito na nakatayo ngayon sa harapan ko. Para akong itinulos sa kinatatayuan ko at ang aking mga mata na waring namagneto sa tanawing nakikita ko. Sanay na akong makakita ng mga babaeng nakahubad . Pero sa pagkakataong ito iba ang nararamdaman ko. Parang hindi ko mapigilan ang paghangang siyang nag-udyok sa akin na pasadahan ng tingin ang bawat pulgada ng katawan niya.

"Well pasado ba ako?"

Nahimasmasan lang ako ng marinig ang nanunuyang tinig ni Keavy

"A-no?"

"Kinikilatis mo ko eh. Pumasa ba ako sa pamantayan mo?"

"May curve naman ang katawan mo kahit papano."

Bigla akong napangiti ng inirapan niya ako. Ang cute niya kasi. May mga facial expression siyang nakakakilig. Pareho na kaming nakahiga pero tinalikuran niya lang  ako. Bakit ang dali lang sa kanya ang e ignore ang presensya ko? Samantalang halos ikakabaliw ko na ang pag-iisip ng paraan para lang mapansin niya.   Ano ba ang dapat kong gawin para mawala na ang nararamdaman kong ito para sayo Keavy . Maraming beses ko ng sinubukang iwaksi ka sa isipan ko pero bigo ako. Maraming beses ko na ring sinubukang mag matigas sayo pero sa bandang huli ako pa rin ang talo. Gusto kitang alagaan at protektahan pero mali itong nararamdaman ko para sayo. The worst part  I get jealous as hell. At natatakot na ako dahil pakiramdam ko nagiging bayolente na ako dahil sa sobrang paninibugho. I hate myself on how I wanted to see you and be with you every day. I hate the way you make my heart skip a beat. I hate the way how I want you and the fact that you don't feel the same way about me is killing me inside. Parang  mahal na kita  and it hurts me inside knowing that I don't stand a chance. I wish I could tell you how I feel. Hindi ko mapigilang mapaluha. Bago pa ako maiyak ng tuluyan lumabas na ako ng kwarto.

"Para saan naman ang mga luhang yan?"

Bigla akong nag-angat ng mukha ng marinig ko ang tanong ni Naïve. Wala na akong maitatago pa sa kapatid ko. Kailangan ko ng makakausap dahil pakiramdam ko sasabog na dibdib ko. Hirap na hirap na ako. Tuluyan na akong napahagulhol ng maramdaman ko ang yakap niya. Hinayaan niya lang akong umiyak sa balikat niya. Ang sarap pala sa pakiramdam ang mailabas ang lahat ng hinanakit  at sama ng loob na kinikimkim mo lang. Hindi ko man direktang masabi sa kanya ang tunay na dahilan ng pag-iyak ko. Alam kong  kahit papano ay may ideya na siya.

"Rei be strong."

"I don't want to be like this Naive."

“Instead of wasting your time on hating . Bakit di mo subukang tanggapin kung ano ang nasa loob mo. It’s a challenge to be yourself even if others trying to make you different.”

 Napalingon ako bigla ng marinig ko ang boses ni Steo. Mukhang may alam na rin siya tungkol sa akin. Parang hindi ko yata kayang gawin ang sinasabi niya. Wala akong lakas ng loob para harapin ang mapanghusgang lipunan na kinabibilangan ko . Mas concern ako sa kung ano ang maaaring sasabihin ng pamilya ko at ng ibang tao. Aaminin kong nasasaktan ako sa mga negatibong komento ng ibang tao noong nalaman nila na bakla si Steo. Paano pa kaya pag ako na mismo ang tinitira nila. Ni sa loob ng pamilya namin hindi lahat naka suporta kay Steo. Naging prangka naman sina Trap at Wayne na hindi nila kayang tanggapin kung ano si Steo. Pero ganon paman alam kong mahal nila si Steo.  May mga panahong napapaaway sila dahil sa pagtatangol sa kapatid namin.

“People can judge you but damn it Rei life is too short to be wasted. Paano mo ba gustong mabuhay?” sabi naman ni Naive

“Bakit ang lakas ng loob niyo?” tanong ko sa kanila

“Dahil ito ang totoong ako. Following someone is not my cup of tea.” Matigas na pahayag ni Steo

“I’m not a big fan of following someone.” Segunda naman ni Naïve.

That Somebody is Me (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon