Chapter 11

1.1K 17 1
                                    

Keavy

 Araw na naman ng sabado at tulad ng dati busy na naman ako sa kagagawa ng mga program at website. Medyo sumasakit na ang ulo ko sa kaiisip. Paano ba naman kasi  nauubusan na ako ng mga idea. Kailangan ko pa namang tapusin to bago sumapit ang huwebes. Mukhang galanti pa naman yung nagpapagawa  sa akin at may hitsura pa. Inspired tuloy akong gawin to kahit na may kahirapan. Oo nga pala nakalimutan kung banggitin na isa pala akong computer programmer student. At sa awa ng Diyos kahit pala absent ako eh naipasa ko lahat ng subject ko with flying colors. Maliban nalang sa calculus subject ko na kailangan kong eretake sa taon na to. Aminado naman talaga ako na napaka bobobels ko pagdating sa math. I hate numbers since birth. Pero gustong-gusto kong nagbibilang ng mga gwapong lalaki na nakakasalubong ko. Hahaha. Malandi lang talaga ako. Kaya lang di ko masyadong dine dibdib. Naisip ko kasi baka humantong ako sa one night stand. Kapagod kayang tumayo nalang buong gabi. Hahaha. Makabalik na nga sa ginawa kong cash register program. Sa totoo lang di pa ako masyadong expert sa ganitong larangan. Hindi pa kasi lahat tinuturo sa amin 3rd year palang kasi ako sa ngayon. Kaya’t kailangan ko tuloy gumawa ng sariling research. Marami-rami na rin akong librong nabili para lang madagdagan ang knowledge ko. Hindi puwede yung aasa nalang ako sa mga turo ng mga professor namin. Minsan humihingi rin ako mga idea kay Karl. Sa amin kasing magkakaibigan kami lang ang Computer Programmer. Mukhang mahihirapan ako sa isang to. Balak ko sanang  visual basic ang gagamitin kong program kaya lang masyadong luma na ang  visual basic. Si best friend Google nalang talaga ang maaasahan ko pagdating sa mga bagay na ito. Nakailang research din ako hanggang sa mahanap ko ang solusyon. Yes. E Jajava kitang program ka. Kailangan ko lang ng concentration at extra focus para matapos ko ng maaga. Ang hirap talagang mag kapera. Todo kayod ako ngayon dahil balak kong regalohan  ng PS4 si Kendal. May PS4 kasing iniindorso si A.J sa akin at balak niyang ipa installment sa akin. Wala naman akong problema sa taong yun. Papayag pa nga yon kahit 500 kada buwan. Kaya alang nahihiya ako. Ayoko namang isipin niya na inaabuso ko siya. Kahit pasaway yun eh talagang maaasahan sa oras ng pangangailangan. Halos mag lilimang oras na akong nakababad sa computer pero di ko parin matapos-tapos. Kapal naman ng face ko kung inaakala ko na matatapos to ng isang araw. Ano ako genius?

Tok

Tok

Tok

Tok

Tok

Kainis naman kung kailan ako nasa mood magpaka sipag. Siya namang may mang-iisturbo. Paking Sheyt! Nasaan ang hustisya.

“Sino yan?” pasigaw kong tanong.

“Si Kemba to. Buksan mo nga. Kanina ka pa nagkukulong diyan sa kwarto.”

“You’re disturbing my privacy.”

“Oa ka. Sabihin mo nag o- all by myself ka lang diyan. Yan ang nagagawa ng walang boy friend Keavs. Tigilan mo na yan. Maawa ka naman sa sarili mo. ”

Walang hiya talaga tong si Kemba. Minsan kung anu-ano nalang lumalabas sa bunganga niya.

“Anong sadya mo?” agad kong tanong sa kanya pagkabukas ko ng pinto.

“Tigilan mo na nga yang ka o-all by my self mo. Yan ang nakukuha mo sa kaka panood ng mga X-MEN. Nagmumukha ka ng luswang. Napaka dry na ng skin mo. Mag glotha ka nga.” Pang-iinis pa niya sa akin.

“Sapak gusto mo?” banta ko sa kanya.

“Hehehe. Nasa baba si A.J. Kahit kailan talaga ang ganda ng sis ko.” Sabay akbay sa akin

Isasara ko na sana ang pintuan ng biglang nag ring ang cell phone ko. Pagkatingin ko sa screen. Si Sheridan pala ang tumawag.

“Hello.” Sabi ko

That Somebody is Me (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon