Keavy
Kung may swerte mang maituturing sa araw na ito. Yun ay ang makita ko sa personal ang mga nag gwagwapuhang mga kapatid ni Sheridan. Grabe kulang ang salitang gwapo para ilarawan sila. Tiyak maglulupasay sa inggit sina Mari at Layzhi pag nalaman nila na hindi lang simpleng hi at hello ang namagitan kundi nakasama ko sila sa isang private room habang nakikinig sa mga usapan nila. Cazerez fanatic kasi ang dalawang yun kahit di naman artista ang iniidolo nila. Maraming beses na rin nila akong kinubumbinsi na ipabasa yung mga collection nilang magazine tungkol sa mga Cazerez pero ni minsan hindi ako nagka interes. Magandang experience na sana to pero sa tuwing naalala ko ang ka arogantihan nina Trap parang gusto kong manlumo. Masyado kasi silang mapanghusga. Nakapangliliiit. Nakakawala ng kumpyansa sa sarili. Biglang nabalik sa realidad ang diwa ko ng inihagis ni Sheridan sa tapat ko ang isang menu card. Sosyal menu card palang para ng invitation card sa kasal dahil sa design.
“Aanhin ko to?” wala sa loob kung tanong. Lutang parin kasi ang isip ko dahil sa mga lalaking yun.
“Titigan mo.” Sarkastikong sabi nito.
“Ok.” Sinunud ko naman ang sinabi niya. Masunurin ako eh.
“Tanga ka ba talaga o nagtatangahan lang?”
“Both. May pagka shonga talaga ako. Minsan naman nagshongangahan.” Sabi kong sa menu card parin nakatingin. “Alam mo kasi kailangan din nating magtangatangahan pa minsan-minsan para pagtakpan ang katangahan natin.”
“Wag mo nga akong sinasagot-sagot ng ganyan. Napakawalang modo ng pilosopiya mo sa buhay. Pumili ka anong gusto mong kainin.” Inis nitong sabi.
‘Di ko mabasa eh. Paano bang basahin yan.” Kakamot-kamot sa ulo kong inabot sa kanya ang menu.
Walang kangiti-ngiting kinuha niya ang menu. Mukhang may tupak na naman. Ilang saglit pay tumayo ito at may tinawagan sa telepno.
“Dalawang Boeuf bourguignon at Chocolate soufflé. Thank you.”
Ano raw? Di ko maintindihan ang pinagsasabi niya.
Pagkatapos niyang ibaba ang awditibo ng telepono. Tumabi na siya sa akin.
“Bakit di ka nalang sumama sa kanila.” Tanong ko sa kanya.
“Ikaw gusto kong makasama hindi sila.” Prangkang sagot nito.
“Para kang addict. Sege shabu pa.” sabi ko sa kanya na ka face palm.
“Ikaw lang naman ang nag-iisang shabu sa buhay ko. Hindi pa nga kita natitikman pero heto at adik na adik na ako sayo.”
Waaaaaaah. Hindi ko kinaya ang sinabi niya. Aba matindi! Kung kanina naka single face palm lang ako. Ngayon bigla akong napa double face palm. May balak pala siyang tikman ako. Kalerkey! Paano niya gagawin? At ano ang gagawin niya sa akin? Parang di ko yata kayang humawak ng ibang boob-sikel.
“Ano na namang kalandian yan?”
“Minsan hindi ko talaga gusto ang tabas ng dila mo.”
“Gusto ko ng umuwi Sher.”
“Kumain muna tayo. Marami kang dapat ipaliwanag sa akin babae ka.”
Maya-maya pay dumating na din ang hinintay naming pagkain.
“Sher ano yan?” kunot-noo kong tanong sa kanya.
“Boeuf bourguignon and this is chocolate soufflé.”
“Ah ewan.” Biglang sumakit ang ulo ko sa mga pangalan ng pagkain pinag-oorder niya. Gamit ang mahiwagang kutsara agad kong ginalaw-galaw yung boof ang pagkabigkas na tinuro niya. Made of beef pala ito at may seasoned with garlic, onions and mush rooms.
BINABASA MO ANG
That Somebody is Me (girlxgirl)
RomanceSheridan was pretty damn sure that she wasn't a lesbian but she also knew that every time she looked at Keavy she wasn't straight. She was still afraid to act on her feelings for her because of the risk. She really wants to come out into the close...