SHERIDAN
Nakakabuweset na talaga . Akala ko pa naman ok na kami ni Keavy. Pero heto at galit na naman siya sa akin. Ang masaklap pinagbibintangan niya ako. Oo pinagbibintangan niya akong sinadya ko daw patamaan siya ng bola.
“Ambz kamusta si Keavy?”
“Parang di ok eh sakit kaya non. At sa balikat pa talaga tumama yung bola.”
“Anong sabi niya?”
“Kaya raw ang bait mo kanina kasi may binabalak ka. Rei umamin ka nga sinadya mo talaga yun diba?”
“At bakit ko naman siya sasaktan.?
“Kitang-kita kong sa direksiyon nila ang pinupuntirya mo.”
Inaamin kong sinadya ko talagang sa direksiyon nila babagsak yung bola.Pero hindi ko intensiyong isa sa kanila ang matamaan. Ang gusto ko lang naman eh bulabugin sila para matigil sa kakaakbay yung nagngangalang Mike kay Keavy. Isa pa yung Christam nay yun panay ang hawak sa kamay ni Keavy. Paano ko ba sasabihin sa kanila. Asar naman.
“What happen Rei?”
“Nothing happen.”
“Kanina lang ok na kayo. Tapos ngayon balik na naman sa dati.”
Hindi ko na pinansin ang pinagsasabi ni Amber. Abala ako sa kaiisip kung paano ko mapapaamo ang babaeng yun. Kung bakit ba naman kasi pagdating sa kanya nag-iiba ang mood ko. Depende kung nagugustuhan ko o hindi ang kinikilos niya. Para tuloy akong pinaparusuhan. Sino bang makapagbibigay ng maliwang na paliwanag sa akin kung bakit ako nagkakaganito. Nahihirapan na rin ako. Ayoko ng ganito.
“You’re just confused Rei.”
Masyado naba akong halata para makapagsalita ng ganito si Amber. No. Never kong pingarap na maging lesbian. Pero bago ko putulin tong nararamdaman ko ngayon kailangan ko munang makipag-ayos kay Keavy.
“Ano bang pinagsasabi mo?” tanong ko sa kanya kahit alam ko naman talaga ano ang ibig niyang sabihin.
“She is a girl.”
“Of course I know that.”
Wala ng kwenta ang pinag-uusapan namin ni Amber kayat minabuti kong umuwi nalang. Tapos na din naman ang praktis namin. Pagkarating ko sa bahay naabutan ko sa pool ang dalawa kong kuya na sina Trap at Kurt. Bihira ko lang silang nakikita dito sa bahay dahil busy sila palagi sa negosyo. Agad akong humalik sa pisngi nila.
“Rei next week pupunta tayo sa hacienda. Birthday ni lolo.”
Bigla akong na excite sa sinabi ni Kurt. Matagal ko na ring di nakikita si lolo at lola medyo namimis ko na din sila. Kaya pala biglaan ang uwi ni dad at ni mom. Kahit anak lang ako sa labas hindi naman sila nagkulang na iparamdam sa akin na hindi ako iba. Ang totoo nga niyan napaka over protective nila sa akin.
“I’m planning to invite Pastel and the rest of the gang.” Sabi ni Kurt
Nakita kong parang kumunot ang noo ni Trap. Parang hindi niya gusto ang ideyang makikita niya ulit ang ex-wife niya.
“What for?” iritableng tanong ni Trap
“For old time sake. What about closure?”
“Damn her siya ang umalis ng walang paalam. Rei ayokong sumasama ka sa kanila. It’s for your own good. Di sila magandang impluwensya sayo.”
“Bakit naman Trap alam mo namang sila lang mga kaibigan ko. ”
“Hahanapan kita kung yun lang gusto mo. Kahit alien pa sa mars bibilhin ko.”

BINABASA MO ANG
That Somebody is Me (girlxgirl)
Roman d'amourSheridan was pretty damn sure that she wasn't a lesbian but she also knew that every time she looked at Keavy she wasn't straight. She was still afraid to act on her feelings for her because of the risk. She really wants to come out into the close...