Chapter 17

933 21 5
                                    

Keavy

Laking gulat nilang lahat ng makita ang naging ayos ko ngayon. Sa awa naman ng Diyos wala akong naririnig na panlalait. Ni wala akong napansin na tumatawa. Sa halip paghanga ang nasisilayan ko sa mga mata nila. Pero hindi nawawala ang walang kamatayang bulong-bulongan dahil sa sobrang pagtataka. Oh Darn!sana naman di nila mapansin ang kiss mark ko.

“Paanong pumayag si Sheridan?” Paanong humantong sa ganyan?” Takang tanong ni Nerdy girl. Malamang ang tungkol sa pagpapalitan na naganap sa amin ni Sheridan ang tinutukoy niya.

“Di ba dapat titingnan lang nila yung sirang inedoro?

“Close sila. Yun lang yun.”

“Bagay naman kay Keavy.”

“Oo nga.”

“Maganda kaya siya.”

Swerte naman niya.”

Ilan lang yun sa mga bulong-bulongan na naririnig ko mula sa kanila. Pero wala naman akong paki sa kung ano ang mga opnion nila. Wala sa kanila ang concern ko. Basta’t  huwag lang nilang mapansin ang kiss mark na pinilit  kong ikinikubli sa mahaba kong buhok.  Kakalerkey parang hindi ko mapaniwalaan ang sarili na pinayagan kong gawin yon sa akin ni Sheridan. Ni hindi man lang ako tumutol o umangal sa pinagagawa niya. At ang pinakamasaklap muntik pa kaming maghalikan. Mabuti nalang at hindi natuloy. Gusto kong  magalit sa kanya. Gusto ko siyang kamuhian. Pero hindi ko naman  mahagilap sa puso ko ang poot na gusto kong madama para sa kanya. Hindi isyu sa akin kung pareho man kaming babae. Ang ikinalilito ko lang ay kung bakit ako pumayag? Ni hindi ko nga pinayagan na gawin sa akin yun ng ex ko. Dahil lang ba sa gusto ko lang siyang pagbigyan para matigil na siya sa pangungulit sa akin? Never in my wildest dream na pwedeng  mangyari ang ganon sa akin. Ginusto ko ba talaga yun? O inaataki lang ako ng kalandian sa katawan? Kung bakit ba naman kasi napaka  prone  tong katawan kong to sa kalandian. Well I’m only human. At may pangangailangan rin naman ako. Matagal na rin kayang wala akong kachorvahan. Char Ba lang!  Yung mga conservative diyan aminin niyo na, inaataaki rin kayo ng ka hornehan sa katawan.

“Meem anyare sayo? Bigla ka naman yatang nag transform? May pinagdadaanan ka ba?” takang tanong ni Layzhi.

Sheyt! Nakatama si madame Auring . Oo walang sawang pinagdadaanan ng walang hiyang si Sheridan ang puri  ko este leeg pala. Sigaw ng isipan ko. Hindi ko man makita ang sarili kong mukha. Pero alam kong para na itong papel na kinulamos.

“So lagay na yan may pinagdadaanan ka nga. E ampalaya mo lang yan Keavs.” Walang kakwenta-kwentang  suhestiyon naman ni Paul. Sarap sapakin . As if naman na wala siyang hihinging pabor sa akin.

“Magpakatatag ka meem. Kaya mo yan. Susu meem susu.” Sabi naman nito na parang tangang pina pump ang  dibdib. “Este puso pala meem puso. Tiwala lang.” Dagdag pang-aalaska niya sa akin na pinagdidiinan pa talaga ang salitang puso.

Kung maka pump  ng  dibdib akala mo naman mala Pamela Anderson yung hinaharap niya. Pwe! Isang matalim na tingin ang ipinukol ko sa kanilang tatlo. So nakiki Gilas Pilipinas na siya ngayon? Pag ako talaga sinapian ng kademonyohan ngayon. I swear uuwi silang bitbit ang mga ulo nila.

“Kung ingud-ngud ko kaya yang nguso mo diyan sa may inedero.” Nag ngingitnit kong banat sa kanya.

“Mari tigilan mo na si Keavy baka umiyak pa yan ng popcorn.” Pigil tawang pakutsada ni Paul.       

“Yan na ba ang epekto ng c.r. meem?” taas kilay namang  tanong ni Layzhi

“Bagay sayo. You look like a fashion model.”

Nabigla naman ako ng marinig ang papuring yon ni  Adonis. Hahaha at talagang Adonis na ang tawag ko sa kanya. Napaka thougthful  naman niya. Kahit papano nadagdagan ang kumpyansa ko sa sarili. Bigla tuloy napalis ang inis ko. Wag naman sana niya akong ine-echos.

That Somebody is Me (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon