Chapter 1

50 1 0
                                    

"It's you, it's you. You make me sing, your every line, your every word. You're everything"- Michael Buble

Catherine's POV

"Okay. Ikaw muna" Marahan kong sinabe.

"Anong ako? Ikaw muna. Ladies first" Kahit kailan talaga napaka kulit ni Andrew, hindi nagbabago.

"Sige na nga." Nilabas ko yung regalo na ibibigay ko sa kanya. Nag ce.celebrate kasi kame 11th anniversary namin bilang magkaibigan. Simula bata kasi naging kaibigan ko na sya, masasabe ko na matalik ko syang kaibigan.

Kinuha nya yung regalo na binigay ko.

"Ano naman 'to?"

"Open it" Mahina kong sabe. Agad nyang binuksan at nakita ang isang wrist watch sa loob ng kahon. "Lagi ka kasing late tuwing papasok, kaya yan. Sana nagustuhan mo"

"Nang asar ka pa. Pero salamat kate" Yan ang tawag nya sakin, at sabe nya tanging sya lang ang pwedeng tumawag nun sakin.

Mula sa lapag ay may kinuha syang malaking paper bag. Pinatong nya ito sa table at saka kinuha ang dalawang box ng sapatos. Halata namang kahon yun ng sapatos e. Binigay nya ang isang kahon sakin.

Marahan ko itong binuksan at nakita ang dalawang puting rubber shoes. Kinuha ko ito at pinagmasdan. Punog puno ng mga cute na design yung sapatos.

"Ako mismo nag design nan"

"Talaga?" Di ko inasahan na ganito ang magiging regalo nya sakin. Kadalasan kasi panay bili lang lahat, though binili rin 'to pero alam kong may kasamang effort mula sa kanya. " I can't believe na makakagawa ka nito. I highly appreciated this, best gift ever"

"Of course, 16th year na natin bilang mag bestfriend kaya dapat full of efforts ang regalo ko sayo this time."

"16th? 11 years lang. Sinama mo talaga nung mga isang taon palang tayo?"

"Actually hindi, months palang mag bestfriend na tayong dalawa. Sinabe ng parents natin na magkaibigan na tayo bago pa tayo maging tunay na tao sa loob ng womb nila."

Medyo natawa ako sa sinabe nya. Hindi lang kasi kame ni Andrew ang magkaibigan, both of our parents are really good friends. Kaya talagang magkababata din kame nitong si Andrew.

"See?" Pinakita sakin ni Andrew yung same shoes sa loob ng kahon. "Suotin natin tuwing PE natin okay?"

Tumango ako bilang tugon sa kanyang sinabe.

Pagkatapos namin magbigayan ng regalo, kumain na kame at saka umuwe.

"Let's go inside Andrew" Yaya ko sa kanya.

"Sure. Andyan ba sina tita?"

"Yeah" Nang makapasok kame agad bumaba sa hagdan si mommy.

"Salamat sa paghatid kay Catherine, Andrew"

"Wala yun tita, asan po si tito Robert?"

"Natutulog na sya. Medyo napagod sa office. So, how's your date?" Hindi na kame nagulat ni Andrew sa tanong ni mommy. She's always like that tuwing lalabas kame ni Andrew.

"Mom, hindi date yun. Nag celebrate lang kame ni Andrew"

"Oo nga tita anne. "

"I know. Binibiro ko lang naman kayo. Both of you knows your priorities kaya nga hindi ako nag aalala tuwing lalabas kayo, especially kung ikaw kasama Andrew. You know I trust you pagdating dito kay Catherine."

"Of course tita Anne." Agad tumingin si Andrew sa wrist watch na bigay ko. "It's getting late, kailangan ko nang umuwe. "

"Para hindi malate?" tanong ko.

"Para hindi malate." Sagot ni Andrew. With just simple words alam na namin ang ibig sabihin.

"Bye tita, bye Kate"

"Bye" I smiled. Lumabas na ng bahay si Andrew at ako naman dumiretso na sa kwarto para magpahinga.

**

"Ang gwapo talaga ni Andrew. Kahit dito na lang ako maghapon"

"Parang hindi naman." Hindi na iba sakin ang sinabe ni Louisa. Medyo kilala nga si Andrew dito sa school dahil isa sila sa may ari nitong school na pinapasukan namin. Halos sila na rin yung may ari nito dahil mas malake yung share nila kaysa dun sa isang may ari. Isa pa, magaling din sa basketball itong si Andrew kaya nga lang hindi sya player dahil ayaw nya. Mahilig lang syang sumale sa mga practice ng basketball team.

"Palibhasa bestfriends kayong dalawa at lagi kayong nagkikita kaya wala ng epekto sayo ang muka nya. Kaya nga minsan naiinggit ako sayo e, kasi lagi kayong magkasama."

Pagdating sa mga ganitong usapan naiilang talaga ako. Hindi na lang ako sumagot sa sinabe nya.

Nang mahalata ni Louisa na tahimik na ko, bigla nya kong niyakap. "Ano ka ba naman Catherine? Syempre joke lang yun no! Ikaw talaga, kahit kailan hindi na nagbago. Sa sobrang bait mo, kahit niloloko ka na ng iba nating kaklase hindi ka parin umiimik. Hinahayaan mo lang sila sa asal nila. Haay! Ikaw lang talaga ang kilala kong tao na matiisin, mapagbigay, mabait at kailanman hindi ko nakitang nagalit. Yung totoo tao ka ba talaga? O anghel na pinababa sa lupa para baguhin ang mga tao?"

Medyo natawa naman ako sa mga sinabe nya. " Ikaw naman, kahit kailan mapagbiro talaga. Syempre wala namang mangyayare kung sasagutin ko sila, inaalala ko kase baka magsimula pa yun ng away."

"Haay! Anghel nga" -.-

Matapos namin mag usap agad ding umalis si Louisa dahil tinawag sya ng iba naming kaklase. Nang mapansin naman ni Andrew na wala na kong kasama agad syang lumapit.

" Asan na yung kasama mo?"

"Umalis na muna. Tinawag sya nung mga kaklase namin e"

"Ow. So, san mo gustong mag lunch?

"Kahit saan."

"Anong oras na ba?" tanong nya.

"Parang wala kang relo ah."

"Wala nga." Bigla naman akong naibahan sa sagot nya.

"Asan nayung bigay ko sayo?"

"Nasa locker. Di ko muna sinuot, baka matamaan ng bola masira pa"

Agad akong nabuhayan sa sinabe nya. Akala ko isang araw lang nya gagamitin yun e. Tiningnan ko kung anong oras na.

"12:30"

"12:30? Buong pagtataka nyang tanong. "Sorry kate kung pinaghintay kita ng matagal. Di ko namalayan yung oras. Next time na lang tayo kumain sa labas dun na lang muna tayo sa office ni lolo. "

Principal kase ng school yung lolo nya. At tuwing wala nang time dun na lang kame nag la.lunch.

Nang makarating kame sa office ng lolo nya. Agad ko syang binate at saka nag mano. Si Andrew naman dun dumiretso sa table

Hindi rin iba ang lolo ni Andrew sakin, maging siya ay malapit rin sakin at saka parents ko. Kung tutuusin para talaga kaming isang buong pamilya. Pareho din kasi kame ni Andrew na only child kaya talagang nagtuturingan kaming dalawa bilang magkapatid.

"Kate let's eat." Yaya sakin ni Andrew. Agad naman akong umupo at saka nag umpisang kumain.

Nang matapos kaming kumain binilisan din naming pumunta sa room para sa susunod na klase. Buti na lang hindi kame nahuli sa klase. Kahit kase sina Andrew ang may ari nito hindi sya pumapayag na magkaroon ng anumang special treatment sa kanya.

4th year high school student na kaming dalawa pero hanggang ngayon hindi ko parin alam kung ano ang gusto kong kuhanin sa college.




-AuroraZeren 

Till I Find YouWhere stories live. Discover now