Chapter 10

12 1 0
                                    

Chapter 10


Catherine's POV


" Catherine, may ginagawa ka ba?" Napalingon ako kay Louisa na ngayon ay nasa upuan na ni Andrew, hindi ko namalayan na umalis pala sya.


"Binabasa ko lang 'tong libro ni Andrew, bakit?" Sabe ko. Nilapag ko yung libro sa table at tumingin sa kanya.


"Magpapasama sana 'ko sa library. May hihiramin lang akong libro, wala kasi akong kasama tapos sakto pa kasi ikaw lang ang nandito sa loob ng room. Pwede ba?" Nag aalala nyang tanong.


"Oo naman." Inayos ko ang sarili ko at saka kami umalis ni Louisa. Malapit lang naman yung library kaya nga lang na tsempo pa na maraming tao dahil nagpapa validate ng library card. Mahigpit din kasi 'tong school nina Andrew, pagdating sa uniform dapat complete at maayos at sa oras lang ng PE dapat sinusuot ang PE uniforms. Dapat laging suot ang ID at kahit dito sa library, hindi pwedeng walang library card dahil pag wala ka nun hindi ka makakapasok at makakahiram ng libro.



Nang matapos kami ay bumalik na rin kami sa room, may ilan ilan naring nasa loob. Nandun na rin sa Andrew at nakikipag usap sa iba naming kaklase.


"Salamat sa pagsama Catherine ha." Tumango ako bilang tugon sa kanya.


"Bait mo talaga kahit kailan." Biro ni Louisa. Umupo na kami sa aming mga upuan dahil dumating narin yung teacher namin para sa last subject.


"San ka galing?" Tanong ni Andrew.


"Library." Bulong ko. Baka kasi marinig kami ng teacher namin, nakakahiya pa pag naka istorbo kami.


Nang matapos ang aming klase ay dumiretso na rin kami pauwi. Natutuwa nga ako dahil ang saya saya ni Maggie at sya pa talaga ang nag aya sakin na umuwi at sumabay.


"Kamusta ang araw mo Catherine?" Tanong nya. Nagulat naman ako dahil ito na ata ang kauna unahang beses na tinanong nya ko ng ganito. Nakakapanibago, pero natutuwa ako dahil pinapakita na rin ni Maggie ang ugali nya na masayahin.


"Ayos naman. Eh sayo?" Sabi ko.


Hinawakan nya ang magkabila nyang kamay at nagsalita. "Masayang masaya. "


Ilang minuto lang ay nakarating na rin kami sa bahay. Nadatnan naming nakaupo sina mommy at daddy sa sofa, nagkekwentuhan at mukang masayang masaya. Ang gaan naman sa pakiramdam na makita ang pamilya mo na masaya. Bumeso kaming dalawa sa kanila at umupo sa tabi nila.


"How's your day?" Masayang tanong ni daddy.


"Okay naman dad." Sagot ko.


"Good." Sagot nya.


"Wait, why it seems na parang ang saya saya nyo? Is there something we should know?"


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 20, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Till I Find YouWhere stories live. Discover now